Day 11

42 3 0
                                    

Ryu's POV

From: Thea

may practice tayo ngayon kasi 2 days tayong walang practice pero nasayo naman yan kung a-attend ka ^^

binasa ko ang text na nanggaling kay Thea

di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. para akong kinakabahan na ewan!

napagdesisyunan ko na lang na magpunta kesa magmukmok dito sa bahay

nagpahatid ako sa driver namin at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school kung nasaan ang studio

ipinakita ko ang ID ko kaya naman pinapasok ako ng guard

nagderetso ako sa studio habang iniinom ang milk tea na binili ko sa labas ng school

pagbukas ko ng studio, biglang tumunog ang phone ko

From: Thea

mamayang 3 pa yung practice natin ha

"psh late naman 'to" sabi ko at lumabas na lang ulit ng studio

napagdesisyunan kong sa may grounds muna magpunta dahil may swing dun at pwede pang magliwaliw kaya lang pagdating ko sa grounds ay tumama agad ang mainit na sinag ng araw

napatingin ako sa wrist watch ko

11:52

kaya pala hays

bumalik na lang ako sa studio dahil nga mainit sa labas

kinabit ko ang earphones sa tenga ko at nagplay ng music dun atsaka umupo sa sofa

~ * ~

Thea's POV

"hahaha! di ko makakalimutan yun! hahaha!"

papunta na kaming lahat sa studio dahil malapit na mag-alas tres

"siguro wala pa si Ryu?" sabi ni Jiro

binuksan ko na ang pinto ng studio at nagulat ako nang makita ko si Ryu dun na natutulog

"eh? kanina pa siya dito?" gulat na tanong ni Cian

lumapit ako kay Ryu at tinapik ang pisngi niya

dahan dahan siyang gumalaw at idinilat ang mata

"kanina ka pa dito?"

~ * ~

Ryu's POV

"Thea! hindi nga! okay lang talaga! promise!"

"hindi! mamaya ano nanamang mangyari sayo! yari kami sa daddy mo!"

nandito kami sa studio ngayon at guess what? nag aaway kami

kasi etong sila Thea, ayaw na kong pagpractice-in! nakakaloka! buti nga kinulit nila ako nung wala sila Kyle. pinabili nila ng pagkain namin sa labas

"promise! pagtapos natin magperform magbabakasyon tayo!" sabi ko

magpeperform kasi kami the day bago may sembreak

"at saan naman aber! naku! baka ma-stress tayo sa paghaha---"

"alam mo Thea, kung ma-i-stress ako dahil sayo yun! jusko day!" sabi ko at umaktong parang sumasakit ang ulo. well, masakit naman talaga sa ulo

"guys, eto na yung pagkain oh!" biglang sigaw ni Cian at agad tumakbo palapit sa nagdadala ng pagkain na sila Kyle at Zeke

inihain na namin yung mga pagkain at nagsimula na rin kaming kumain

~ * ~

Ryu's POV

"bye guys!" we waved a goodbye to each other

I sit comfortably and heaved a big sigh

next week friday na pala yung program na sinasabi nila Thea. napag-usapan na rin namin kung saan kami magbabakasyon at in naman silang lahat

haaayyyy....

first time 'kong magbabakasyon kasama ang mga kaibigan ko...

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon