Ryu's POV
"Ryu, para kang nababaliw. ano bang nangyayari sayo? ba't kanina ka pa nakangiti?" takang tanong ni kuya
"wala nga! sige na kuya! akyat na ulit ako!" sabi ko at tumakbo na paakyat sa kwarto ko
tinignan ko ulit yung laptop kong nakatengga sa kama.
eh kasi naman! tinignan ko yung page nung university namin tapos nakita ko yung mga video namin habang nagpeperform kami tas pinanood ko yung video namin ni Kyle na nagduet kasi baka mamaya mukha pala akong tanga dun diba? pero grabe! bakit ganun yung nafeel ko? kinikilig ako...
oo kinikilig ako! oo na! inaamin ko na! may gusto ako sakanya pero hanggang dun lang siguro yun.
binabasa ko yung mga comments dun sa post at parang mas lalo ata akong kinikilig! grabehan!
Ryu! magtigil ka! gusto mo bang mamatay ng maaga dahil dyan sa kilig kilig na yan?!
eto kasi yung mga nakalagay...
Candice: gosh! they're so sweet!
Glenda: omg! bagay sila! OTP!!
Grace: grabe! damang dama nila yung pagkanta tapos yung tinginan nila! ghad! kinikilig ako sakanila!
Stacey: the hell?! Renz, we messed up with the wrong girl!
Renz: bad shot na tayo kay Kyle! what are we going to do?! ghad!
oo talagang bad shot talaga kasi sa dulo nung event ginanap yung hi touch. everyone waited for that time. kita ko sila Stacey na arteng arte sa sarili dahil haggard na daw sila at siksikan tsaka puro pawis na sila.
*FLASHBACK*
nung time na aakyat na sila Stacey, hinarang sila nung babaeng kinuha ng school na staff. medyo lumapit ako para marinig ko yung convo.
"uhhmmm... ate, excuse me po!" mataray na sabi ni Renz dun sa staff
"Miss, I'm sorry pero pinagbilin po nila Sir. Kyle na bawal daw po kayo" sabi nung staff kay Renz
"how 'bout us?" nakangiting tanong ni Stacey. tinutukoy niya yung tatlo pa niyang kasama.
"bawal din po kayo" sabi nung staff
"what the---" naputol ang sasabihin ni Renz nang may dumating na babae
"Miss, excuse me. kung bawal kayo, pwede bang umalis na lang kayo? marami kaming naghihintay dito oh" naiinis na sabi nung babae kaya wala silang nagawa kundi umalis na lang sa pila.
*END OF FLASHBACK*
nung time na yun na patingin ako kay Kyle at nakatingin siya sakin kaya bigla din kaming nagtawanan lahat kasi sila sila pala nagsabi nun bilang ganti sa pambubully nung mga yun sa akin hahaha
okay, baka masobrahan ako dito sa pagkekwento at pagbabasa ng comments.
pinatay ko na yung laptop atsaka nilabas yung maleta ko. maleta talaga dahil isang linggo kami dun.
kumuha ako ng mga shorts. swimsuit na ghad! nakakaloka! puro two piece yung pang swimming ko dito! pero dibale na nga!
kumuha din ako ng mga t-shirts. fitted or ove sized pareho akong komportable. cardigan hindi pwedeng mawala kasi nga two piece lang yung pang swimming ko. alangang ibalandra ko yung katawan ko pagpapunta sa beach diba? eh hindi lang naman kami yung tao dun! so move on, kumuha din ako ng sando and of course, a lot of undies and brassiere. pumasok ako sa cr at kinuha ang tooth brush ko dun tsaka inilagay sa isang pouch.
matapos kong ayusin ang mga damit ko at mga abubot ko like sunblock, nilagay ko na rin dun yung laptop ko pati yung DSLR ko nilagay ko dun sa maleta.
pagtingin ko sa orasan na nakapatong sa bed side table ko, 5;40 na kaya naligo na ulit ako at nag-ayos ng sarili ko dahil 7:00 ang oras ng sundo ko sakanila doon and after 40 minutes ay okay na ko kaya bumaba na ko dala ang mga gamit ko.
"oh? aalis ka na?" tanong ni kuya na nasa sala.
"opo, 7 po kasi yung kitaan namin dun" sabi ko at tinulungan na ko ng mga katulog ibaba yung mga gamit ko.
"oh sige. mag iingat kayo ha!" sabi neto at kiniss ko siya sa cheeks at nagderetso sa labas ng bahay.
"manong, tara na po" sabi ko sa driver namin. buti na lang at na i-set ko na lahat pati yung plane tickets namin.
ilang minuto lang ay nandun na kami sa yeouido park at nakita ko agad silang lahat sa may bench.
"guys! tara!" sabi ko pagkatigil ng sasakyan namin sa tapat nila
"yown! dumating na rin!" sabi nila at nagsipasukan na nga sila sa kotse at agad din kaming nagpunta sa airport
this will going to be fun!!

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...