Ryu's POV
nandito pa rin ako sa bahay ngayon. pinagpahinga muna ako nila papa. ewan ko dun sa mga yun! sabi ko na ngang okay na ko eh.
kinuha ko ang cellphone ko at nag-earphones tsaka namili ng papatugtugin. kumuha rin ako ng isa sa mga pocket books ko at nagbasa
wala talaga akong magawa dito eh...
~ * ~
Klein's POV
"kamusta na kaya si Ryu?" out of the blue na tanong ni Cian
oo nga pala. hindi pa rin nakapasok si Ryu. siguro nagpapahinga siya
napabuntong hininga ako nang maisip ko siya
kasalanan ko kung bakit hindi siya makapasok. nang dahil sa kagaguhan ko yun eh
"Klein! tulala ka nanaman!" napatingin ako kay Cian
"alam mo, wag mo nang isipin ang mga bagay na nagpapagulo sayo. tapos naman na. nangyari na! atsaka okay naman na daw si Ryu diba? nagpapahinga na lang." aniya
napa-isip ako sa sinabi ni Cian
"gusto mo puntahan na lang natin siya?" sabi niya ulit
napatigil ka sa paglalakad at tumingin sakanya. dahan dahan kaming napangiti at nagtatatakbo na sa corridor
~ * ~
Thea's POV
nandito kami ni Xander sa may grounds naglalakad lakad habang kumakain ng ice cream
"tingin mo hindi nila sasabihin yun sa iba?" paninigurado ko kay Xander
eh, kasi nga diba bawal talaga malaman ng iba yung bukod sakin
"oo. alam mo yung mga yun, makukulit yun pero kaya naman nila magtago ng sekreto" sabagay, tama si Xander. mapagkakatiwalaan naman yung mga kumag na yun eh
"Thea!" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Jiro na tumatakbo palapit
"oh? anong problema?" tanong ni Xander kay Jiro pagkalapit neto
"wait.... lang...." hingal na hingal na sabi niya
after a couple of minutes eh naka-recover na rin siya
"sila Klein nagpunta sa bahay nila Ryu" medyo mahina niyang sabi
napatingin ako kay Xander
"sinong kasama?" kinakabahang tanong ko. eh, baka naman kasi nagsama pa sila ng iba!
"silang dalawa lang ni Cian. nagsabi lang sila sakin na sabihin daw sa inyo ang bagay na yun" napahinga ako ng maluwag
"jusko! akala ko naman kung anong masama yang ibabalita mong yan!" sabi ni Xander na kinabahan din kanina
"hihihi sorry naman diba" sabi neto at nagpeace sign pa habang nakangiti
"nga pala, sila Kyle nasaan?" tanong ko
"umuwi na! sabi niyo kasi walang practice eh!" sabi neto kaya napatango na lang ako

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...