Day 12

41 2 0
                                    

Ryu's POV

4:30 pm

wala kaming pasok ngayon kaya napag-isip isip kung lumabas ng bahay

naglalakad ako ngayon papunta sa park malapit sa bahay namin

"it starts with my toes
and I crinkle my noes
whereever it goes
I always know" pagsabay ko sa kanta

naka-earphone kasi ako para hindi naman ako mabored sa paglalakad

"i just.... mmmmm...." pagsabay ko ulit

nakayuko ako habang naglalakad at sinisipa ko yung maliit na bato pero nagulat ako nang may dalawang sapatos na ang nakaharang sa dadaanan ko. napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng makita na si Kyle pala yun. tinanggal ko yung earphone sa kaliwang tenga ko

"alam mo bang masamang naglalakad ng naka-earphone?" bored niyang sabi habang nakatingin pa rin sakin

hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil nga hindi pa na a-absorb ng utak ko ang mga nangyayari

"ano? tititigan mo na lang ba ako?" natauhan ako sa sinabi niya kaya napapikit ako

magsasalita na sana ako kaya lang hinatak na niya ko papunta sa kung saan

"huy! san tayo pupunta?" takang tanong ko

eh, kasi naman nakalagpas na kami sa park eh dun dapat ako pupunta!

"basta!" sabi niya

hindi naman siya mabilis maglakad kaya hindi naman ako napapagod

ano Ryu? papahatak ka na lang?!

eh! ano ba? kilala ko naman yan?

eh ini-snob ka nga niyan dati tas ngayon ganyan ang asta niya?!

eh! ano ba! ay nako! nababaliw na ko! magtigil na!!

mga ilang taon din ang nagdaan nakarating na kami sa paroroonan namin

nandito kami sa isang mall

hindi pa ko nakakapunta dito. well, hindi naman ako pinapayagan kasi lumabas dati kasi you know hindi nila ako pinagkakatiwalaan dahil mukha daw akong suicidal! grabe sila. oo, alam ko

"anong gagawin natin dito?" takang tanong ko

"baka magsiswimming?!" sacastic na sabi niya at hinatak ako sa loob

naku! sasapukin ko tong lalaking to! pigilan niyo ko! lechugas na pilosopo!

nagderetso kami sa may bilihan ng ticket sa sine

"anong ginagawa natin dito?" tanong ko

"baka magjojogging tayo" pilosopong sagot niya

kasi naman Ryu! ang tanga tanga mo magtanong! malamang bibili kayo ng ticket para manood ng sine! kaya nga kayo nakapila eh!

"tanga!" bulong ko sa sarili ko

"tara na!" sabi niya at hinatak ako

bakit ba ang hilig manghatak ng lalaking to?! sakit na ng braso ko ha! feeling ko makakalas na yung buto ko eh!

"ano papanoorin natin?" takang tanong ko

di ko naman kasi nakita yung binili niyang ticket at hindi ko rin narinig yung sinabi niya dun habang nabili diba?

hindi niya sinagot yung tanong ko at nagderetso kami sa may tindahan sa tapat ng bawat cinema. pagtapos niyang bumili ay pumasok na rin kami sa loob

umupo kami sa pinakaharap sa bandang taas. yung parang second floor. nasamay dulo kami

hindi nagtagal eh nagsimula na rin yung palabas at oh my gosh!

FIFTY SHADES OF GREY?!

juice colored! sa lahat naman ng palabas, bakit eto pa?! bakit yang mga ganyan palabas pa?! pwede naman yung love story o kaya horror! bakit romance pa?! tapos lalaki pa siya! diba! ang awkward naman nun! so anong--- teka, bakit ang oa ko? anubayan! nababaliw na ata ako!

pasimple akong tumingin kay Kyle. prenteng prente lang siyang naka-upo dun habang nanonood at kumakain ng pop corn

I cleared my throat

"alam mo talo mo pa yung mga lalaki kung maka-react" bulong sakin ni Kyle kaya hindi ko na napigilang magreklamo

"eh kasi naman! sa lahat ng palabas na pipiliin mo, yung ganto pa! ang awkward kaya! nung bata nga ko hindi ako pinapanood ni papa ng mga ganyang scene! tapos ikaw! ikaw ang magdedeverginize ng mata ko?!" pasigaw na bulong ko sakanya

"shhh.. ang oa. manood ka na lang. isipin mo na lang na pinag-aaralan mo" lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

asdfghjkl! nakakaloko na tong lalaking to ah! anong akala niya sakin?! walang experience?! eh--- wala naman talaga akong experience pala...

~ * ~

after 123456789 years, natapos na rin ang palabas

"nag-enjoy ka ba?"

lumingon ako sa nakangising si Kyle

"hayup ka! sino ba namang mag-e-enjoy dun? ikaw ata! baka ikaw, nag-enjoy ka!" inis na sabi ko

"sabagay, pano mo nga naman na enjoy eh halos buong palabas nakapikit ka" I heard him chuckled

oo nga naman. buong palabas kasi nakapikit ako dahil nga sa hindi ko keri ang palabas na yun!

"tara na nga! kain na tayo!" sabi niya at hinatak nanaman niya ko

pumasok kami sa loob ng McDo. siya na ang bahalang pumili ng kakainin namin at pumili na ko ng table

mayamaya lang ay bumalik na siya dala ang isang tray

"ang konti naman niya---!" magrereklamo na sana ako kasi konti yung binili niya kaya lang nakita ko sa likod niya na may nakasunod na dalawa pang crew

"what the fcvk" mahinang bulong ko

jusko jugigo! ang dami! nasobrahan naman ata!

"ano to?! ba't ang dami?!!" halos pasigaw na tanong ko

"gusto ko eh" sabi lang niya

napa-face palm ako sa inaasta niya

yung isang tray, puro mga fries. hindi na nga nakalagay sa lagayan eh! sa mismong tray na nakalagay! tas yung isang tray naman, may tig isang tubig, coke atsaka sundae kami tapos yung tray na bitbit ni Kyle yung chicken with dalawang rice.

"huy! kumain ka na! lalamig yang pagkain mo" sabi ni Kyle ate kumain na

ghad! kailangan ko bang ubusin 'to?

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon