Ryu's POV
"oh? bakit basang basa ka? diba sabi ko sayo wag ka magpa-ulan?"
nandito na ko sa bahay at kakauwi ko lang.
tinignan ko yung sarili ko at basang basa nga yung itaas na parte ng katawan ko pero hindi ko manlang naramdaman na nilalamig ako.
derederetso lang ako sa taas at nagshower tsaka nagpalit ng damit. nang matapos ako, may kumatok naman sa pinto ko at iniluwa nun si kuya.
"Ryu may problema ba?" tanong niya at lumapit sakin.
siguradong nagtaka siya sa inasta ko kanina pero wala talaga kasi ako sa mood.
"wala kuya" sagot ko nalang.
"sigurado ka?" tumango lang ako sa tanong atsaka umalis na siya ng kwarto ko. nginitian ko muna siya bago siya tuloyang lumabas.
ako naman, napahiga na lang sa kama ko.
sure akong si Kyle yun dahil kabisado ko na yung mukha niya. pati yung pananamit siya yun. pero sino yun kasama niya? girlfriend niya ba yun?
"hay naku Ryu! tumigil ka nga! ano naman kung girlfriend niya yun? di ka naman niya kaano ano kay tumigil ka!"
hay nako nababaliw nanaman ako.
nakakainis! argh! saan ko ifofocus yung sarili ko? ay jusko talaga!
"Ryu bawal ka mastress sinasabi ko sayo mamamatay ka ng maaga!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin pa sa salamin at dinuduro duro ko pa yung replekyon ko.
"pero may pasok bukas. paniguradong magkikita kami. hala lagot na ko. absent na lang kaya ako? pero.. pero.. konting panahon ko na lang sila makakasama.. hindi! Ryu, papasok ka. isipin mo na lang na parang walang nangyari o kaya kung hindi kinakailangan, wag ka lalapit sakanya o kaya wag ka mag open ng topic sakanya. okay? kaya mo yan! Fighting!"

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...