Day 19

34 2 0
                                    

Ryu's POV

"whoa! ang ganda!"

"grabe! this is it!!"

nandito na kami sa resort namin at binababa lahat ng gamit namin sa van. kanina kasi sa airport ay may dumating na sundo galing dito sa resort. siguro sinabi sakanila ni papa.

"na e-excite ako magswimming!!" sabi ni Thea kaya natawa na lang ako sakanya.

"guys, tara na dun!" sabi ko at nagpunta na nga kami sa hotel at kumuha na kami ng room. magkasama kami sa room ni Thea syempre pareho kaming babae.

11 pa lang ng gabi kaya nagmadali na kaming ayusin yung mga gamit nun at pagkatapos ay natulog na rin kami.

kinabukasan, ginising ako ni Thea ng 3 ng madaling araw..

"Thea.. ang aga aga pa eh..." sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"dali na Ryu! gusto ko maglakad lakad! ang gandang scenario kaya nun! yung maglalakad lakad ka sa beach ng madaling araw. dali na!!!" pagpupumilit niya kaya bumangon na lang ako kahit antok pa ko at naligo na.

"tara na~!" hinatak na ko ni Thea palabas ng room namin.

nakashort shorts lang kami atsaka naka-hanging blouse na sleeveless.

"wwhooo!" sabi ni Thea nang salubungin kami ng malamig na hangin.

sinimulan na naming maglakad lakad. meron din namang mga dumadaan at naglalakad lakad pero kokonti lang. yung iba magjowa, yung iba naman mag-isa lang.

"bakit ba naisipan mong maglakad lakad ng gantong oras?" tanong ko kay Thea.

"wala lang atsaka nagising kasi ako kanina." sabi niya kaya di na ko umimik.

may mga ibang shops at restaurant pa na bukas dahil 24 hours silang open kaya hindi naman gaanong madilim.

matapos naming maglakad, na upo kami sa harap ng dagat. si Thea kung anu-anong kinekwento. tungkol kila Xander. nung dati na napapagalitan sila kasi nagkacutting silang pito. yung mga kagaguhan na ginagawa nila.

"dati ba may niligawan na sila?" takang tanong ko. kasi diba? kahit naman busy sila sa pagpapractice kakapractice paniguradong may nagugustuhan din yung mga yun.

"oo. si Kyle nga may naging girlfriend yan kaya lang niloko siya kasi ang gusto lang pala nung babae, fame." inis na sabi ni Thea.

"kaya siguro cold siya no?" sabi ko at tumingin ulit sa dagat

"oo. syempre masakit yun! minahal pa naman ni Kyle yung babae. kitang kita namin yung mga efforts niya nun. kung pano niya minahal yung babae. kung pano siya nagiging masaya pag nakakasama niya yung babae atsaka kung pano siya nasaktan ng dahil sa babaeng yun.." may bahid ng lungkot at inis yung boses ni Thea

siguro napaka-jolly niya dati. dati nung hindi pa niya nalaman yung katarantaduhan nung babae.

natigil kami sa pagmumunimuni nang biglang magring yung cellphone ko kaya tinignan ko yung kung sino yung caller.

"wait lang ha. si papa tumatawag. sagutin ko muna." sabi ko at sinagot ko na nga yung tawag.

~ * ~

"Thea! tama na yan! hoy! kakain pa tayo mamaya! magpaawat ka naman!" saway ko kay Thea.

5:30 na ng umaga at medyo maliwanag na sa labas. nandito kami ni Thea sa isang restaurant at kumakain. tumawag kasi si papa at pinaalalahanan ako na uminom na ng gamot eh ang aga aga pa nga pero makulit eh.

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon