Ryu's POV
uwian na ngayon at nandito ako sa canteen mag-isa. susunod daw yung iba pupuntahan lang si Kyle.
isang large bubble tea lang yung inorder ko kasi hindi naman ako gutom. maraming tao ngayon sa canteen kaya napagdesisyunan kong sa studio nalang namin tumambay kasi wala namang tao at gusto ko ring mag-isa. bumili na lang din ako ng snacks para hindi ako magutom.
habang papunta ako sa studio iniinom ang Bubble Tea ko, biglang may nagtext sakin.
From: Thea
nakita mo ba si Kyle. wala siya sa room nila eh. wala ng tao dun.
tumingin naman ako sa paligid at ayun. nakita ko si Kyle kasama ulit yung babae papuntang canteen at nakaakbay pa siya dun.
magrereply na sana ako kay Thea nang paglingon ko, nakita ko sila sa hindi kalayuan na palipat lipat ang sakin at dun kila Kyle kaya napayuko na lang ulit ako pero napagdesisyunan ko ring lapitan sila.
umakto ako na hindi apektado at nginitian ko sila.
"ano, ayun si Kyle oh. papunta sa canteen" sabi ko atsaka lumingon at tinuro pa sila Kyle na mukhang masaya
"nga pala. nagtext kasi sakin si Papa. sabi niya umuwi daw ako ng maaga kaya next time na lang. sorry talaga. sorry." sabi ko at nginitian sila tsaka umalis na.
hindi ko kasi pwedeng ipakita sakanila yung nararamdaman ko.
hindi pa ko nakakalayo sakanila pero napahinto ako sa paglalakad at humawak sa dibdib ko tsaka huminga ng malalim.
Ryu, relax.. relax..
nang medyo umayos na yung paghinga ko ay naglakad na ulit ako.
hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.
~*~
nandito ako nga ngayon sa Times Square at naglalakad lakad lang. ubos na yung binili kong pagkain sa kotse kaya naisipan ko na lang na kumain sa McDo kasi di pa naman ako naglulunch.
pagpasok ko sa McDo, dumiretso ako sa counter at nag order ng 2 piece ng chicken breast at 3 rice atsaka coffee float at Mc Flurry pati na rin tubig. matakaw na kung matakaw pero pang bawas ng stress to no.
pumili na ko ng seat at konting sandali lang din dumating na yung order ko at saktong pagdating din ng isang lalaking pamilyar sakin.
"uy! Ryu! nandito ka pala!" sabi niya at lumapit siya sakin. hindi siya nag iisa. may labing dalawa pa siyang kasamang lalaki at tatlong babae at may mga dala din silang tray na may pagkain. tinignan ko siya ng maigi atsaka napagtanto kong si Cheol pala yun.
"ahh nagpapalipas lang ng oras" sabi ko at ngumiti.
tinignan ko yung waiter dun na naghahantay kasi nga waiter siya. jusko nababaliw na ko.
nakadalawang tray pala ako. sa isang tray yung chicken at rice tas sa isa naman yung coffee float, ice cream at tubig.
"Cheol sino yan. grabe. di mo pinapakilala ha!" sabi nung isang kasama niya
"mamaya! nga pala, sabay sabay na kaya tayo kimain?" sabi niya kaya nagpaayos kami ng tables at na upo na nga kami.
isa isa din silang nagpakilala. Seungkwan pala yung pangalan nung sumigaw kanina. actually, madaldal siya kahit kumakain na. atsaka Seungcheol pala yung whole name ni Cheol.
ang dami nila, ang ingay din nila.
"kailan pala kayo nagkakilala ni Seungcheol Hyung?" tanong ni ano.. sandali... si... Dino!

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...