Day 26

29 3 2
                                    

Ryu's POV

"katok! katok!"

ay foughtugh! tunog naman ng tunog!

"katok! katok!"

"hhhmmm.." hinigpitan ko yung yakap dun sa katabi ko. inaantok pa kasi ako! alam ko namang cellphone niya yung tunog ng tunog!

"katok! katok!" ay deputanggala!

mas siniksik ko yung sarili ko sakanya. yung ulo ko sa leeg niya..

"katok! katok!"

"hhmmmrrr" medyo inis na hum ko. eh kasi! inaantok pa ko

naramdaman ko naman na may kinuha siya at tumigil na yung tunog.

"Ryu" gising niya sakin matapos niyang matignan yung cellphone niya

"mmmm?" antok na sabi ko

ayoko pa gumising! sarap pa ng tulog ko eh! tapos sarap pa ng yakap ko kay Kyle!

"Ryu 10 na.." sabi niya at niyakayap ulit ako.

yung kaliwang braso niya, inuunanan ko tas nakahawak siya sa braso ko. yung kanang kamay niya naman, nakapulupot sa bewang ko kaya yakap na yakap din ako sakanya

ang sarap pala matulog ng may kayakap! haha

"mamaya na.." sabi ko naman tsaka inamoy amoy yung leeg niya

jusme! Ryu! anong nangyayari sayo?!!! nagiging pervert ka na! tigilan mo yan!!!

ang bango niya kasi eh!

"Ryu pinapatawag tayo ni Tito" sabi naman neto kaya dinilat ko na yung mata ko pero di pa rin gumagalaw

nagblink muna ako ng limang beses tsaka medyo humiwalay sakanya atsaka tinitigan siya at pumipikit pikit pa rin yung mata ko

"inaantok pa ko ehh" sabi ko at siniksik ko ulit yung mukha ko sakanya

"mag-aalmusal na daw" sabi neto

mukhang hindi rin naman na ko makakatulog kaya tumayo na ko

naunang naligo si Kyle dahil mabilis lang naman daw siya kaya naman na upo ulit ako sa kama at humalumbaba atsaka pumikit. matapos ang ilang minuto ay narinig kong nagbukas yung pinto sa cr pero di pa rin ako gumagalaw. inaantok pa kasi talaga ako! gusto ko pa matulog!

mamaya maya ay may humawak sa magkabilaang braso ko kaya napadilat ako at ohmyghaaddd!!!

si Kyle! si Kyle! ang hot niya!!!

meron lang na towel yung nakatakip sa ibabang parte ng katawan niya tapos may maliit na towel sa may braso niya na pinupunas niya siguro kanina sa buhok niya.

"di ka pa maliligo?" tanong niya

"m-maliligo na" sabi ko kaya naman tumayo na kami kasi nagbend siya para kapantay ng mukha ko yung mukha niya

"gusto mo ako na magpaligo sayo?" napatigil ako sa paglalakad at nanlaki yung mata kong nakatingin sakanya

"hahaha joke lang! eto naman! maligo ka na! hihintayin na lang kita" sabi niya at kinuskos na ulit yung maliit na towel sa buhok niya

aaarrrggh! ba't ang hot niya kahit nakatalikod?!

~ * ~

"so? anong ginawa niyo kagabi?"

nagkatinginan kami ni Kyle

"ginawa? wala naman kaming ginawa kagabi" sabi ko at kumain ulit

nandito kami sa dining room at nagtatanghalian. kami kami lang kasi sila papa at kuya may pinuntahan

"weh? dalawang beses na kayong nagkatabi wala pa rin?" nasamid naman ako sasinabi ni Jiro

matapos kong uminom ng tubig ay sinamaan ko ng tingin si Jiro

"sira ulo ka! kumain ka na nga lang!" sabi ko at kumain na lang ulit

"nga pala, Ryu mamaya maya uuwi na kami" sabi ni Thea kaya naman tumango tango na lang ako dahil may laman yung bibig ko

"ASDFGHJKL!!!"

"HAAA???!!"

~ * ~

"Bye guys! ingat kayo!" pagkasabi ko nun ay nagsara na ang pinto ng van at umalis na sila

pumasok na ko sa loob ng bahay at nagderetso sa kwarto ko. mag isa nanaman ako!

naupo lang ako sa kama at nakatulala sa kung saan hanggang sa nagring yung phone ko. napatingin ako sa phone kong nasa bedside table at kinuha ko yun.

From: +8210********

I left my black shirt there. if you can't sleep, you can put it on your pillow and hug it.

walang pangalan sa dulo pero sa tingin ko, si Kyle to at...

ASDFGHJKL!!!

TANGINA! ASAN YUNG T-SHIRT?!! PUTA KINIKILIG AKO!!!!

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon