Day 29

29 4 0
                                    

Ryu's POV

"Ryu, mag almusal ka na dito!" tawag ni kuya sa baba kaya naman inayos ko yung sarili ko at bumaba na.

10 na ng umaga at hindi na ko nakapasok dahil late na ko nagising dahil na rin siguro sa pagod.

"saan ka ba nagpunta kahapon at mukhang pagod na pagod ka?" tanong ni kuya nang makababa ako.

"kuya yung totoo? ulyanin lang? pa ulit ulit sa Times Square nga ko nanggaling kahapon" sabi ko at sinimulan na ang pagkain ng almusal.

"eh sinong kasama mo?" tanong niya ulit.

"yung nakilala ko po nung isang araw. si Cheol po atsaka yung mga kaibigan niya" sagot ko.

"nag enjoy ka naman?" tumango lang ako tinanong niya dahil may laman na ulit yung bibig ko.

"nagpunta sila Thea dito" nabulunan ako sasinabi niya kaya agad akong uminom ng tubig.

"oh? tapos?" tanong ko sakanya.

"hinahanap ka" maikling sagot neto.

"anong sabi mo?" tanong ko ulit.

"sa Times Square" pilosopong sabi niya. "saan ka pa ba nagpunta kahapon? sa Times Square diba?" dugtong pa neto kaya naman napaface palm na lang ako at napa-iling.

binilisan ko ng kumain ng agahan ko at naligo na ko. matapos kong maligo, sakto namang nagring yung cellphone ko.

Thea Calling...

"problema neto?" tanong ko habang nakatingin dun sa phone ko sa bed side table kaya kinuha ko na at sinagot iyon.

"hhmm??"

<hoy Ryu! bakit di ka pumasok?!> sigaw neto sa kabilang linya.

"makasigaw ka akala mo di ko naririnig!" saway ko.

<ay sorna pero bakit di ko nga pumasok?>

"na late ako ng gising"

ni loud speak ko yung cellphone para marinig ko habang nagbibihis ako.

~*~

Thea's POV

"hinanap ka ni Kyle" sabi ko sa linya at nagtinginan kami nila Xander.

ilang minuto muna siyang nanahimik bago sumagot <weh?> nagkatinginan ulit kami sa sinagot niya.

"oo nga!" sabat ni Jiro. "mamaya pala pupunta kami sa inyo ha!" habol pa niya.

<bakit?> nagkatinginan ulit kami sa tinanong niya.

"wala lang.. sige ano.. mamaya na lang! nandito na yung teacher eh. bye!" mabilis na sagod ni Cian at in-end na nga namin yung call.

nagkatinginan kami.

"parang iba?" takang sabi ni Cian

"oo nga. dati kasi pagsinasabi nating pupunta tayo hindi naman siya nagtatanong kung bakit eh" sabi din ni Jiro.

~*~

Ryu's POV

eh? binabaan ako?

nagkibit balikat na lang ako at kinuha yung blower tsaka nagpatuyo ng buhok. ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time na gamitin to.

matapos kong magblower bumaba ako sa sala at nanood ng tv. wala namang ibang palabas. sa KBS Beauty Bible ba yun? tapos sa Mnet hindi ko alam kung ano yun. ano yung ano ata. yung Macho House ba? ay ewan pero sa Mnet ko na lang nilagay.

nanood ako hanggang sa mag alas dose na, hindi pa ko nagugutom pero yung katulong pinaghandaan na ko kaya no choice. pinahatid ko na lang yung pagkain dito para dito na rin ako kakain.

nanood lang ako ng nanood kahit hindi ko naman na iintindihan yung storya at nung sense nung palabas. ganto naman talaha ako pag tv series yung pinapanood ko. wala lang. para lang di ako mabored atsaka pang pa ingay. ang tahimik kasi dito sa bahay. ako nanaman mag isa. si kuya nandun sa kompanya ulit kasama si Papa.

after ng ilang oras, napalitan yung palabas ng Produce 1O1 kaya nilipat ko na lang kasi hindi naman ako mahilig manood ng mga ganun.

kumain at nanood lang ako hanggang sa mag-alas dos na at hindi nagtagal, nagsidatingan na sila.

"Ryu!" napalingon ako sa likod ko kaya naman tinawag ko sila papunta dito at nagsi-upo naman sila.

"so, what brought you here?" tanong ko.

"wala lang. di ka kasi pumasok kaya naisipan naming magpunta" sabi nila.

may mga bitbit silang snacks at dvd. nakapagpalit na rin sila ng damit at hindi na naka-uniform.

"ba't kulang kayo?" tanong ko. wala kasi sila Zeke at Kyle?

"ahh ano... may inasikaso eh.." sabi ni Klein. tinignan ko lang siya kasi parang hindi makatotohanan yung sinabi niya.

"inasikaso? tungkol saan?" tanong ko pa.

"aahh eehh.. ewan eh.. di niya nasabi samin.." si Cian naman yung sumagot. tinignan ko silang dalawa ni Cian at Klein tapos nag-iwas sila ng tingin kaya tinignan ko yung iba. nakayuko din sila kaya naman napasandal ako sa couch at tumingin na lang sa sahig.

ilang sandaling tahimik kami tsaka ako nag angat ng tingin.

"sayang yung dala niyong snacks at dvd kung tititigan niyo lang" sabi ko kaya naman nagsi-angatan sila ng tingin at tumayo na rin ako tsaka inayos yung pang taas ko. nakashorts lang kasi ako at nakasando.

"akin na yung mga snacks para maayos ko na" sabi ko kaya naman kinuha ko yung mga snacks nila at nagderetso sa kusina.

kumuha ako ng ilang bowls at isa isa kong inilagay dun yung mga chips nila at isa isa ko ring dinala yun sa sala.

I guess I'll enjoy this day with them. pampabawas ulit ng stress.

~*~

"bye guys! ingat kayo!" sabi ko at kumaway sakanila.

gabi na kasi at may pasok pa bukas. naglakad na ko pa uwi, hinatid ko pa kasi sila sa sakayan.

habang naglalakad ako pa uwi, may nakita akong makakasalubong ko. anino lang kasi pero sure akong dalawa sila at bakit kinabahan ako bigla?

hanggang sa papalapit ng papalapit, nakatingin lang ako dun sa dalawa dahil nacucurious ako kung bakit kinakabahan ako.

nang may madaanan silang poste, napatigil ako.

It's Kyle... kasama yung babae..

sure ako na sila yun kahit medyo malayo pa. sila talaga yun..

"Ryu, try to act normal. wag mo ipakitang apektado ka. mukha ka lang tanga kapagganun kasi walang kayo. diba? kaya umayos ka." sabi ko sa sarili ko at nagsimula na ring maglakad.

nang malapit na, binati ko siya pero he just ignored me.

naoatigil ako at napalingon sakanila.

what's wrong with him? sudden change ganun? parang panahon? wala naman akong ginawang masama sakanya. ni hindi niya ko nilingon. hindi niya rin ako tinignan. ano bang ginawa ko?

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon