Ryu's POV
"Ryu, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"
"opo. maayos naman po."
nandito kami ngayon sa hapag kainan. as usual si kuya lang ang kasama ko. si papa maaga nanamang umalis.
"buti naman.." sabi ni kuya at tumango tango pa.
yung t-shirt kasi ni Kyle ayun nakita ko na at ano... ano...
"by the way, aalis nga pala ako mamaya kasi pinapatawag ako ni papa" sabi neto kaya tumango na lang ako bilang sagot dahil may laman ang bibig ko.
matapos naming kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.
~*~
it's already 3:30 in the afternoon at kagigising ko lang.
napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto para hanapin sana si kuya kaya lang nakaalis na pala siya kaya bumalik na lang ako sa kwarto at napagdesisyunan ko ng ayusin ang sarili ko since hindi pa ko naliligo simula kaninang umaga.
matapos kong maligo at nag ayos na ng sarili ko, nakasimple dress lang ako na above the knee atsaka sneakers. dumiretso na ko sa baba at lumabas na ng bahay.
maglalakad lakad na lang muna ako kasi nakakaboring naman sa bahay atsaka sunday na ngayon kaya sulitin ko tong araw na to.
naglalakad lakad lang ako sa gilid syempre alangan sa gitna ng kalsada. ay, nako. kung anu-ano iniisip ko! ugh! nababaliw na ko!
habang naglalakad lakad ako sa may park dito samin ay bigla kong naramdaman na may tubig na pumatak sa may kamay ko kaya napatingin ako sa langit saka sunod sunod na pagpatak ng tubig ang naramdaman ko kaya naman naghanap ako ng masisilungan at nakita ko ang isang coffee shop kaya agad agad kong tinakpan yung ulo ko gamit yung bag na dala ko at tumakbo papunta dun.
pumasok ako sa loob ng coffee shop dahil lumalamig sa labas.
wrong timing naman kasi yung ulan eh!
"one frappuccino please"
ilang sandali lang ay nakuha ko na yung in-order ko. umupo ako sa bakanteng table sa may gilid at tumingin sa labas. ang lakas na ng ulan.
pinunasan ko yung nabasang braso ko tsaka humigop sa inumin na binili ko. siguradong mamaya pa titila tong ulan na to..
~*~
30 minuto na ang nakalipas pero ang lakas pa rin ng ulan. mas malakas pa sa kanina.
"Well, you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm trying to get back"kanina pa sila nagpapatugtog. napansin siguro nilang nagpapatila ng ulan yung ibang tao at nabobored na.
"miss, may kasama ka?" tanong ng isang lalaki.
"wala po" sagot ko naman
"pwede bang maki-upo? wala na kasing bakanteng upuan eh"
napatingin naman ako sa buong coffee shop at wala na nganh bakante kaya pina-upo ko na lang siya kasi pang apatang tao naman tong table ko kaya kaharap ko siya.
tinignan ko yung lalaki kasi kaharap ko siya. basang basa yung buhok niya. I mean, basang basa siya. nakapants kasi siya tas naka-white t-shirt tapos nakajacket na black. pati yung rubber shoes niya basa na rin. kawawa naman. ang pogi pa naman hahahaha.
I cleared my throat. medyo awkward kasi nakikita ko siyang nangangatog na sa sobrang lamig.
"I'm Cheol" pagpapakilala niya at inabot pa niya yung kamay niya.
"Ryu" sabi ko lang at nagshake hands kami. ang formal niya nakakaloka.
"so, bakit? basang basa ka?" curiosity kills. ohmy.
"may pupuntahan kasi dapat ako kaya lang biglang umulan" sagot niya kaya napatango tango ako.
bigla namang nagvibrate yung cellphone kong nakapatong sa table kaya tinignan ko kung sinong nagtext.
From: Kuya
Ryu where are you? sabi ng maid sa bahay umalis ko daw. wag ka magpapa-ulan.
sabi neto sa text kaya naman napangiti ako at nereplyan siya na nasa coffee shop lang ako atsaka ko naisip na magpasundo sa driver namin kaya lang parang ang rude naman kung iiwan ko tong lalaking nasa harap ko ng ganun ganun na lang kaya may naisip ako.
"uhmm.. pwede ko bang malaman kung uhmm.." napatingin sakin yung lalaki. naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"uhhmm.. kung ano.. kung okay lang ba sayo kung ano... kung pwede ko bang malaman yung size ng mga damit mo?" awkward na tanong ko at halatang nagtaka din siya sa tanong ko.
"kasi magpapasundo ako. mukhang wala kang kasama papadalhan sana kita ng damit.." sabi ko naman
oy! nagmamagandang loob lang ako ha!
pumayag naman siya at siya na yung kumausap sa driver namin. maya maya lang din ay dumating na yung sundo ko kaya naman lumabas na kami ng coffee shop.
"mauna ka na sa loob ng kotse para makapagpalit ka. dito muna ako" sabi ko kaya naman pumasok na nga siya sa kotse. paniguradong lamig na lamig na yun kasi di na tumanggi eh hahaha
ilang sandali lang din ay lumabas siyang may hawak na payong at yun nga sinundo niya ko sa may tapat ng pinto ng coffee shop at pumasok kami sa kotse.
"san ka?" tanong ko sakanya
"ha?" naguguluhang tanong niya
"ang ibig kong sabihin, saan ka pupunta para mahatid na rin kita" sabi ko kaya naman sinabi niya sa driver kung saan siya pupunta.
hanggang sa nakapunta kami dun sa lugar napupuntahan niya eh malakas pa rin yung ulan.
bago siya bumaba ng kotse, binagay ko sakanya yung payong at nagpasalamat siya tsaka siya umalis.
"uwi na po tayo" sabi ko sa driver namin kaya naman pinaandar niya na rin yung sasakyan.
ngayon ko lang napansin na subdivision din pala tong pinasok namin dahil kanina nagkekwentuhan kami ni Cheol.
nakatingin ako sa bintana at kitang kita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. pero isa ang pinakanapansin ko.
nang malapit na kaming makalabas ng subdivison ay may nakita akong babae at lalaking naghahalikan sa may waiting shed dun. mukhang pamilyar sakin yung lalaki.
"ma'am! malakas po yung ulan baka mabasa kayo" pero imbis na pakinggan yung driver namin, ibinaba ko pa rin yung bintana at pinahinto ko yung sasakyan.
tinignan ko ng mabuti yung lalaki atsaka yung babae at dun ko napagtanto na kilala ko nga yung lalaking yun.
napahinto sila. sigurong napansin nila na may nakatingin sakanila at di nga ko nagkamali dahik tumingin dito yung babae bago si...
"Kyle..."
BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...