Ryu's POV
"Ryu, may practice tayo mamaya ha!"
"uhhmm.. Thea, hindi ako makakapunta" nakayuko kong sabi
tapos na ang klase pero may practice pa dapat kami kaya lang di ako makakapunta kasi kailangan kong magpunta sa doctor ko
"ah ganun ba? okay lang naman" nakangiti niyang sabi
"salamat ha! sige mauna na ko!" sabi ko at lumabas na ng classroom
nagdiretso ako sa labas ng school kung saan naghihintay ang kuya ko
"tara?" pumasok na kami sa loob ng kotse at pinaandar na to ng driver namin
these past few days kasi parang masyado na kong napapagod at baka anong komplikasyon ang mangyari sakin
pagdating namin sa hospital ay agad na kong chineck ng doctor
"okay naman po siya. bawas bawasan lang po masyado ang iniisip dahil baka ma-stress ka hija" nakangiting sabi ng doctor pero kahit sinabi niyang okay ako, may inireseta pa rin siyang mga vitamins at gamot
jusko po pagod na ko
~ * ~
Thea's POV
"tara na! bukas naman!"
"Thea! bakit nga pala wala si Ryu?" tanong ni Cain
"hindi ba dapat mas tanungin mo kung bakit wala si Klein?" balik tanong ko kay Cain
"eh! alam mo naman kung nasan yun!" sabi naman ni Cain
oo nga pala. wala kasi si Ryu at Klein
si Ryu pinuntahan ata yung doctor niya. medyo napapagod kasi siya these past few days kaya sinuggest ko sa kuya niya na magpacheck muna. si Klein naman, ayun nililigawan yung demonyitang babaeng hindi ko alam kung saan pinaglihi dahil sa sama ng ugali! sa lahat ng babaeng kilala ko dito sa buong university, siya ang pinakabully! jusko po! hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Klein dun!
"Thea, bakit wala nga si Ryu?" isa pa 'tong si Zeke! kulang na lang talaga iisipin ko na may gusto 'to kay Ryu eh! panay ang tanong! kanina pa!
"di ko nga alam. baka may pinuntahan!" asar na sabi ko. pano ba naman kasi! pa ulit ulit!
"oh? mainit ang ulo mo?" biglang sulpot netong si Xander kaya otomatikong nawala ang gusot sa noo ko
"kasi sila tanong ng tanong" mahinahong sagot ko
"pabayaan mo na yang mga yan! tara na" sabi niya
sa kanilang lahat, si Xander ang pangatlong matino. kung si Kyle, nasobrahan sa tino-- ay, matino pa ba yung minsan lang magsalita? sumunod naman si Zeke. kay Ryu nga lang dumadaldal yan kaya feeling ko talaga may gusto yan kay Ryu.
May gusto ako kay Xander pero hanggang dun na lang ako kasi alam ko may nililigawan siya. siguro hanggang magkaibigan na lang kami. hanggang bestfriends na lang siguro.
"uy! ang dami mo namang iniisip!" sabi ni Xander sa tabi ko at inalog-alog pa ko
bakit? marami ka ba?
"ahh wala.. iniisip ko lang si Klein" pagpapalusot ko
oo nga, ano na kayang nangyari sa panliligaw nun? for sure, busted nanaman yun!
BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Novela JuvenilThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...