Day 23 (part 1)

28 2 0
                                    

Ryu's POV

(Wednesday - 8:43 am)

good morneng pelepens!

"hhmmmggg~" nag unat unat ako habang nakapikit kaya napadilat naman ako nang may maramdaman akong katabi ko.

nakaangat yung kamay ko nang dumilat ako at tumingin sa tabi ko.

Kyle?! ba't? ba't katabi ko 'tong lalaking 'to?! bakeeet??!!

ay gaga! oo nga pala eh kasi to gabi. parang ewan lang ahaha. well, nandito ako ngayon sa kwarto nila Xander at kami lang dalawa oo pero walang nangyare samin ha! wag kayong byuntae! sapakin ko kayo! hahaha

so ayun nga kasi! nung hinatak niya ko kagabi, nagpunta kami sa hotel restaurant tas kumain ng hapunan tas akala ko nga eh dederetso na ko sa kwarto namin ni Thea kaya lang pinakuha pala niya ko ng damit tas gagu yun kasi underwears palang nadadala ko hinatak na agad ako dun sa kwarto nila sabi niya ang bagal ko daw. tas ayun! ngayon. suot ko yung t-shirt niya. nakakaloka lang kasi bra at panty lang suot ko sa ilalim nun habang siya naka-shorts lang na hanggang tuhod tas naka-white na sando pero ang hot talaga niya! hahaha so ayun nga! nagmovie marathon lang kami kahapon. jusme! kakilig talaga! kasi nasa kama kami malamang habang nanonood tas nakasandal kami sa headboard ng kamay tas naka-akbay siya sakin tas yung ulo ko nakasandal sa balikat niya kaya sobrang magkadikit kami kagabi!

"nnrrrnggg!!!" impit na tili ko habang kagat yung kumot. kasi kinikilig ako! naalala ko nanaman! hahaha kakire!

Ryu, kumalma ka. contain your feels kung gusto mo pang makasama ang lalaking katabi mo ngayon..

ugh! napatingin ulit ako sa lalaki sa tabi ko tsaka niyakap siya.

bahala na kung mahuli niya ko. susulitin ko na lang yung mga araw diba na nakakasama ko pa siya. di naman natin kasi alam kung kelan ba...

ugh! Ryu nagiging madrama ka nanaman!

napa-iling na lang ako sa mga iniisip ko.

napahigpit na lang ako ng yakap kay Kyle at isinubsob yung mukha ko sa dibdib niya at pumikit na lang para matulog ulit kaya lang gumalaw siya kaya tumingala ako para tumingin sa mukha niya pero hindi ko tinanggal ang pagkakayakap ko. nakapikit pa rin siya pero gumanti siya ng yakap kaya naman napakagat ako sa labi ko para pigilan yung kilig at iwasang mapangiti pero wala eh. nakangiti ako habang naka-lipbite!

"good morning..." he said in a husky voice

ghad ba't ang sexy nun?! bakit ang hot ng pagkakasabi niya nun?! ghad!!

"good morning" sabi ko habang nakangiti pa rin

napatigil ako sa pagtitig sakanya nang may biglang kumatok. napatingin naman ulit ako kay Kyle na nakatingin na sakin kaya naman naramdaman kong namula yung pisngi ko.

"u-uhhmmm.. m-may---"

"hoy! Kyle! Ryu!" sigaw ni Thea sa labas kaya nanlaki yung mata ko.

"hala! si Thea!" sabi ko at napa-upo naman ako kaya napa-upo din siya.

tinignan niya yung kama ni Xander at tumingin ulit sakin tsaka tumayo para siguro buksan yung pinto dahil halos sirain na ni Thea yung pintuan kaya naman sumunod ako kay Kyle at nagtago sa likod niya nang buksan niya yung pinto.

kalahati lang ng katawan niya yung nakalabas at yung ulo niya.

"hoy Kyle! nasaan si Ryu?!!" sigaw ni Thea

"bakit?" cool na tanong ni Kyle kaya naman napahawak ako sa likod siya at parang kurot ko yung sando niya.

"anong bakit?! tadyakan kita dyan! tabe ka nga!" sigaw ni Thea pero hindi kumilos si Kyle kaya naman sumilip naman ako sa gilid ni Kyle at ngumiti kay Thea tsaka nagpeace sign kaya lang hindi lang pala si Thea ang nasa labas. kundi lahat sila!

"RYU?!" gulat nilang sabi kaya naman mas lalo kong pinalawak ang ngiti ko with eye smile pa.

"h-hello..." sabi ko na lang

"gaga ka! ba't dyan ka na tulog?! ba't naglock kayo ng pinto?! anong ginawa niyo ha?!" sunod sunod na tanong ni Thea

"w-wala!" sabi ko. eh pano! napakabyuntae! kung anu-anong iniisip!

"anong wala?! halika nga!" hahatakin na sana niya ko kaya lalong napahigpit yung kapit ko kay Kyle dahilan para mapatingin siya sakin.

"di pwede!" sigaw ko.

"anong hinde?!"

"hindi talaga pwede.." sabi ko kaya naman inakbayan ako ni Kyle

hindi talaga pwede kasi wala akong shorts!

"hoy! bitawan mo si Ryu!" akmang hahatakin niya ko kaya naman umiwas ako.

"mauna na kayo kumain! susunod kami!" sabi ko.

"sigurado ha?! oh sige. halika na't magsikain!" ani at umalis na nga.

nang makaalis sila ay hinatid na muna ako sa kwarto ni Kyle atsaka naligo na siya sa kwarto nila at ako naman sa kwarto namin

~ * ~

Thea's POV

umakto kaming nakaalis na pero ang totoo ay nagtatago lang kami sa gilid gilid.

"Jiro wag ka malikot!" saway ko sakanya.

"ayan na! lalabas na sila! sshhh!!" sabi ko at tinignan ang palabas na sila Kyle at...

"gosh!" mahinang bulong ko.

eh pano ba naman? suot ni Ryu yung t-shirt ni Kyle at at...

"is she wearing any shorts behind that shirt?"

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon