Thea's POV
"Thea hindi ka talaga sasama?"
nandito ako sa kwarto ngayon kasama si Ryu. actually, magsiswimming si Ryu kaya maiiwan ako dito
"oo eh. masama pakiramdam ko. susunod na lang siguro ako mamaya"
"okay..." sabi niya at lumabas na ng kwarto
ugh! ano bang nangyayari sakin?
kaninang umaga kasi...
nagsusuka ako pero wala naman akong sinusuka. alam niyo ba yung feeling na nasusuka ka pero wala kang ibang niluluwa kundi laway? nakakainis na ha!
na upo ako sa kama at humawak ng mahigpit sa bedsheet. feeling ko kasi masusuka nanaman ako! ayoko na!
ang alam ko kasi, wala naman akong kinaing kakaiba. pati kanina di ako kumain kasi wala akong gana!
napatingin ako sa bintana kasi wala lang. feel ko lang! bakit ba?!
habang tumingin ako sa bintana, na alala ko nanaman yung nangyari
amfuts nama eh!! eto kasi yun...
*FLASHBACK*
"naka-lock yung pinto?" takang tanong ni Xander at napatingin sakin
"gago ka! wag mo kong tignan!" sabi ko. pano kasi! pag tumitingin siya sakin nakayuko! tangina nang iinsulto eh! kagago!
"naka-lock talaga eh" sabi ni Xander kaya naman napasandal na lang kami sa pader
"sa kwarto niyo na lang kaya ako matulog?"
"gago ka talaga?! isa lang kaya kama namin ni Ryu! tas dun ka matutulog?!" singhal ko sakanya
"oh eh ano? wala naman tayong gagawin ah?" sabi pa neto kaya wala naman akong nagawa kundi dun siya patulugin kesa naman sa labas siya matulog diba? kawawa naman
"eh kung kumuha ka kaya ng kwarto ulit?" suggest ko pero wag na lang daw baka malugi yung tatay ni Ryu kaya no choice talaga. yung ibang boys ayaw din mga abnormal!
"whoa! pagod na ko!" ani Xander at nahiga sa kama
"hoy! sa lapag ka---"
"yo! guys!"
napatingin ako sa pinto at nandun sila Klein at..
"bakit may mga alak kayong dala?!!" tanong ko pero nilagpasan lang nila ako at tuloy tuloy na nagsipasok sa kwarto
mukhang mga lasing na tong mga to. tsk!
sumunod na lang ako sakanila dahil sasakit lang ang ulo ko pagpinaalis ko sila
hinihintay ko silang antukin para umalis na kaya lang nakaka-ilang shots na kami pero wala pa rin. medyo na titipsy na nga ko pero itong mga kasama ko sobrang lasing na
"oy uwi na ko. hahahaha"
"sama ako. uwi na tayo honeeeey"
"sige honey tara na hihihi"
mga lasing na talaga. ang kukulit na eh.
"uy samahan ko na yung mga yun ahh. kayo na bahala"
"ako diiiiin"
hinintay ko na lang na lahat sila umalis sa kwarto. inaantok na ko. may tama na rin kasi ako eh pero nakakapag-isip pa naman ako ng tama.
isa pa tong si Xander eh. hay nako.
inalalayan ko na si Xander na humiga dun sa kama namin ni Ryu. alangan naman kasing sa labas ko to patulugin diba?
"Thea..."

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...