Day 15

35 2 0
                                    

Ryu's POV

wednesday.

nandito kami ngayon at nagkaklase. boring. history kasi yung subject namin ngayon. oo mahina talaga ako dyan. pinipilit ko namang absorbahin yung mga dinidiscuss ng mga teacher namin eh kaya lang di talaga. walang nasasagap yung utak ko.

"okay, class dismissed! we have a quiz tomorrow okay?" sabi ng teacher at lumabas na ng room

"Ryu, tara na sa studio!" aya ni Thea

"mauna na kayo. may bibilhin pa ko sa canteen" sabi ko habang inaayos yung gamit ko. nagc-crave kasi ako sa sterilized milk eh

"ahhh oh sige. mauna na kami ha! sunod ka na lang!" sabi ni Thea at lumabas na nga sila ng room

pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, agad akong naglumabas ng room at nagpunta ng canteen kaya lang pagbukas ko ng pinto ng canteen, biglang may bumuhos sakin na malamig na tubig

"oh my gosh!" gulat na sabi ng mga babae sa may gilid

lahat ng estudyante sa canteen nakatingin sakin. napa-estatwa ako sa kinatatatyuan ko at tinignan ang basang basang damit ko

"sorry! I'm so sorry!" sabi nung babae at lumapit sakin

duon lang ako natauhan atsaka niyakap ang sarili ko. para akong nag-ice bucket challenge. may yelo kasi yung tubig tapos naka-aircon pa dito sa canteen kaya doble dobleng lamig ang nararamdaman ko

"ikaw kasi Stacey! sabi mo si Steffie yung dadating?!!" inis na sabi nung babaeng nagsorry sakin kanina

"oo nga! si Steffie nga yung nakita ko kanina!" depensa naman nung Stacey

"what happend here?"

napatigil yung dalawang babaeng nag-aaway kanina at napatingin sa likod ko na nanlalaki ang mata. hinatak ako patalikod nung lalaking nagsalita at nagulat ako nang makitang si Kyle pala yun

"the fcvk?! what happend?!!" inis na sigaw niya dun sa mga babae

"a-ah.. w-we.. we didn't m-mean it! h-hindi naman namin alam na s-siya pala yung parating! hindi dapat para sakanya yan!" depensa nung babae

"tsk!" yan na lang ang nasabi ni Kyle at hinatak niya ko paalis dun sa canteen

niyakap ko ang sarili ko gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak niya yung kanang kamay ko

"aish!" sabi niya at medyo dinikit niya ko sakanya

napayuko na lang ako at hindi na umimik. nilalamig kasi talaga ako.

umakyat kami sa 3rd floor at nagpunta sa locker

"san locker mo?" sabi niya habang naglalakad

"dun" tsaka tinuro yung locker ko kaya nagpunta kami dun

"buksan mo" sabi niya kaya sinunod ko naman

"extra-pants lang ang meron ka?" tanong niya

napakagat ako ng labi atsaka tumango

"aish!" kinuha niya yung pants at sinara yung locker ko

nagamit ko na kasi yung extra-tshirt ko dyan noong isang araw

"oh! magpalit ka na" sabi niya at binagay sakin yung pants pati yung t-shirt

napatingin ako sakanya

"ano? magpalit ka na! magkasakit ka pa niyan!" sabi niya at hinili ako papunta sa cr

"uhmmm.. kasi pati yung bra ko basa. kung magpapalit ako, mababasa din to" tsaka tinaas yung mga damit na dala ko

"aish! sandali. diba may driver ka?" napatango ako sa tinanong niya at nagulat ako nang bigla siya tumakbo na sa tingin ko ay pupunta siya sa parking lot

napabuntong hininga ako

buti na lang talaga at hindi pinapasukan ng tubig yung bag ko para hindi nabasa yung notebooks ko

pumasok ako dun sa cr para hindi masyado malamig and after 10 minutes, may kumatok dun sa pinto

"Ryu, eto na oh!" sabi niya pagkabukas niya ng pinto at inabot sakin ang isang pouch na itim

"thanks" sabi ko at sinarado na niya yung pinto

buti nalang talaga at may extra ako sa kotse. jusme. akala ko wala eh! binuksang ko yung pouch at nag-iisang pair na lang pala to ng undies atsaka ng bra

agad na kong nagpalit ng damit ko at lumabas. paglabas ko, nakita ko yung driver namin kaya inabot ko sakanya yung pouch atsaka yung mga basang damit ko pati na rin yung bag ko

"thank you po" sabi ko at umalis na nga yung driver namin

napatingin naman ako kay Kyle na nakatingin sakin kaya napayuko ulit ako

"hayst. sino ba kasi yung mga babaeng yun?" tanong niya

"ewan ko.. wala naman akong nakakaaway pero feeling ko may mang-aaway na sakin ngayon.." sabi ko habang nakayuko at sinusuklay yung basang basang buhok ko gamit ang kamay ko

"bakit naman?" tanong niya ulit kaya napatingin ako sakanya

"eh diba sikat ka! dami kayang nagkakagusto sayo!" sabi ko at tumingin ulit sa ibang dereksyon

naku! mababasa ng konti tong t-shirt ko! mahaba kasi yung buhok ko atsaka straight

"subukan lang nila na guluhin ka!" sabi niya at hinili ako papalapit sakanya. "lagot sila sakin" dugtong niya at naglakad na nga kami papunta sa studio habang naka pulupot yung kamay niya sa may bewang ko

parang nagiging komportable ko pag kasama ko siya

I feel safe when I'm with him...

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon