Ryu's POV
6:45 na ng umaga at ngayon ay pababa na ko ng hotel para kumain dahil excited na ko mag... JET SKI!!! hahahah eh kasi naman punyemas! kahapon nakalimutan ko mag-jet ski! yan tuloy! umaga ako magjejetski today! hihihi! sila Thea? ayun tulog pa! hayaan na sila hahaha!
~ * ~
Thea's POV
okeh okeh! good morning ebrebadeh! aha! nagtataka siguro kayo kung bakit ang saya saya ko no? hahaha well... wala lang. bakit?! masama maging masaya?! maligo na nga!!
~ * ~
Jiro's POV
hey yo everybody! I'm awake! hahaha ang hyper ko ngayon. hindi ko alam kung bakit. ewan. parang gusto ko lang maging hyper ngayon. wala lang. trip ko lang. ganun.
ngayon ay, tapos na akong maligo at hinihintay ko na lang matapos tong si Cian na naliligo pa lang. diba kasi na una ako? alangang magsabay kami niyan eh bakla pa naman yan! naku mapagsamantalahan pa ko! mahirap na! tsk tsk
~ * ~
Klein's POV
"hoy Xander! magsigising na kayo! punyeta!" sigaw ni Cian. kanina pa to ngawa ng ngawa palibhasa gutom na.
"dapat talaga nandito si Ryu eh tsk" sabi ni Thea. wala daw kasi si Ryu sa kwarto.
"san ba kasi yun?" sabi naman ni Zeke. bobo netong mga to! uso naman kasi tawagan.
yun nga. dahil matalino ako at ako ang nakaisip nun, tinawagan ko na si Ryu. naka-ilang ring muna bago niya sagutin.
<oh? napatawag ka?>
"uhhmm... kasi kailangan ka namin eh. ayaw kasi gumising nila Xander. kulang na lang balibagin na namin."
<ahh.. sige. wait lang ha. papunta na ko>
at ayun binabaan ako. bastusing bata..
~ * ~
Thea's POV
"whoa! sarap talaga ng pagkain nila dito" sabi ni Cian habang nakabuka pa yung bibig dahil sa pagkaing mainit na sinubo niya agad
"nga pala, ba't ganun kayo?! kulang nalang balibagin namin kayo eh! tas sa massage lang pala kayo magigising?!" inis na reklamo ni Jiro habang may laman pa yung bunganga niya
"ewan ko rin eh" sagot ni Xander pero si Kyle nanatiling tahimik at kumakain
oo nga pala, wala dito si Ryu. matapos niya kasing gisingin sila Kyle, umalis agad siya. sabi niya may gagawin lang daw siya at kumain na lang daw kami kasi nauna na siya kanina. naka-swimming suit nga siya kanina eh. I mean yung two piece niya kasi diba wala nga siyang ibang pang swimming kundi yun lang atsaka okay na rin yun. sexy naman siya at di naman hipon atsaka beach naman to noh! para na rin may karamay ako hahaha
"pero uy! anong feeling sa umaga babaeng maganda at sexy ang una mong makikita?" tanong ni Cian kaya binatukan naman siya ni Klein
"alam mo ikaw, napaka mo! kumain ka na nga lang!" sabi neto kaya kumain na nga kami
matapos namin kumain ay lumabas na kami ng restaurant. syempre gusto naman namin matry magswimming ng umaga noh! hindi puro hapon lang!

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...