2- LIZETTE

776 17 0
                                    



LIZETTE

Napakunot siya ng noo sa akin, "George what?"

"Ahmmm... No nothing."

"Sabi ng staff ko kanina ka pa raw naghihintay dito pero di pa dumarating ang kasama mo. Boyfriend mo ba yun?" tanong niya sa akin.

"Parang ganon na nga." ang sagot ko sa kanya. Diyahe naman kasi kung sasabihin ko sa kanyang Im having a blind date, baka sabihin nito pagkatapos ko siya ilampaso noon ay eto ako... Trying hard na makipagrelasyon.

"Eh, nasaan na raw siya?"

Hindi ko na kaya ang kahihiyang mangyayari sa akin dito. Maslalo na't sa harapan pa ng lalaking pinahiya ko noon ako mapapahiya ng ganito. Kunwaring binuksan ko ang phone ko.

"Oh, nagtext pala sya sa akin. Oh no, he cant come, biglang nagkaemergency meeting sa office nila kaya bumalik siya ng office."

Napailing si Joven, "Mas priority ang work kesa sayo. Bagay kayo, magkalevel kayo ng lalaking yan."

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Pinaalala niya sa akin ang sinabi ko sa kanya noon na hindi ka magkalevel.

"Ano bang ginagawa mo rito? Are you stalking? Di ba sinabihan na kita noon pa na tigilan mo ako."

Natawa siya sa sinabi ko, "Kapal ng mukha mo Inday. Ilang years na iyon, anong akala mo sa akin? Di pa rin maka move on, ang haba ng hair mo. Hoy, hindi lang ikaw ang babaeng pwede kong gustuhin sa mundong ito." napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, "Pero alam mo, parang nagbago ka ng aura ngayon, mukha ka ng pa-cute na babaeng naghihintay ng jowa niyang umaasang sisipot sa date nila."

Tumayo ako. Hindi na kasi nakakatuwa ang pang-aasar niya sa akin, "Alam mo, nakakatawa ka. Nakakatuwa yung mga pang-aasar mo sa akin. Akala ko pa naman naka-move on ka na, eh bakit parang bitter ka pa rin?"

Kinuha ko ang wallet ko at nilapag ko sa mesa ang bill ko, "Siyanga pala, ang pangit ng lasa ng steak mo!"

Nagpanic siya nang nagtinginan ang ibang customers sa sinabi ko.

"Lasang sabon, nakakatakot nga, baka bumula ang bibig ko. Ang pangit din ng service niyo, maslalo na ikaw." at dinuro ko siya, "Ikaw pa naman ang manager dito!"

"Everybody!" ang sabi ko sa mga customers, "I suggest na wag na kayong kumain sa restaurant na ito dahil porke't ang sama ng lasa ng pagkain nila ay sobrang pangit pa ng ugali ng Manager nila. I strongly not recommend this restaurant."

Tapos tumingin ako kay Joven.

Nagpapanic na siya nang makitang nagtatayuan ang mga tao sa restaurant niya, "Lizette, bawiin mo ang sinabi mo sa kanila. Wag mong gawin ito sa restaurant ko"

"No, no, no. Joven Jacinto kilala mo ako. Alam mong kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na hindi kita gusto." sabay kuha ko sa shoulder ko, "By the way, bilang sympathy ko na rin sa malapit ng magsara mong restaurant. Keep the change na lang sa bill ko." at pagkatapos ay lumabas na ako sa restaurant na iyon.



"Naku po!" ang sabi ni Diana nang maikuwento ko sa kanya na di ako sinupot ng George na iyon, "Baka nga manloloko po iyon Madam. Sorry po Madam."

"Tama ka siguro Diana, hindi talaga ako kagusto-gusto."

"Madam, hintay lang tayo, darating din si Mr Right sa inyo." ang sabi ni Diana.

"Ang masama pa ron may nangbad trip pa sa akin kagabi, yung manager ng steakhouse na iyon."

"Si Sir Joven po ba? Yung may-ari?"

"You know him."

"Eh sa kanya po ako nagpareserved eh. Alam niyo po Madam, balita ko, binata raw yun, walang attachment."

"Hindi na kataka-taka yun Diana. Kaklase ko yan noong college, napakajologs niya kaya wala talagang magkakamaling boyfriend-in siya." ang sabi ko. "Wait... I-research mo nga yang lalaking yun. Alamin mo kung totoong no attachments nga siya."

"Akala ko po ba jologs? Eh bakit mukhang interesado kayo?" ang tanong sa akin ni Diana.

"Jologs nga, pero... Pwede ng pagtiyagaan, basta ang importante mabibigyan ako ng anak. Research him, and I want results first day in the morning."

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon