LIZETTE
Mahal na mahal ko si Joven.
Shocks! Nasabi ko yun! Paano ko nasabi yun na ganon kadali.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito. Bakit ako kinakabahan?
"Lizette, ayos ka lang?" ang tanong sa akin ni Joven habang nagdadrive siya.
"Oo naman. Bakit mukha ba akong di okey?"
"Kanina ka pa kasi namumutla."
Napahawak ako sa magkabila kong pisngi, "Namumutla ako?" hinawakan ko ang leeg at ulo ko, "Pero wala naman akong sakit."
"Gutom ka ba?"
"Hindi naman. Siguro ang init lang. Ang init lang talaga, naiinitan ako, lalakasan ko lang ang aircon mo ha." at saka ko nilakasan ang aircon.
"Grabe ka namang mag-init." ang sabi niya sa akin, "Hindi naman ako nakahubad."
Napataas ako ng kilay sa kanya, Aha, masyado na siyang kumportable yata sa akin at medyo nababastos na niya ako ng ganito.
"Mainit ang panahon Joven, panahon ka ba?"
Ngumiti siya na parang natatawa pa, "Sorry ha, sabi mo kasi kanina ... Mahal mo ako eh."
Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya, "Scripted lang yun."
"Scripted ba yun? Kinilig kasi ako." tapos ngiting ngiti siya, "Para kasing alam mo yun... Tumagos sa puso ko yung mga sinabi mo."
"Scripted yun, wag kang feeling."
"Feeling, okey feeling ko lang na nagseselos ka kay Weng kanina."
"Excuse me, hindi ako pinagseselosan ang Weng weng na yun. Sinisigurado ka lang na di ka na niya maaagaw sa akin."
"So possesive." ang sabi niya sa akin, "Yan pa naman ang gusto ko, yung possesive."
"Yah, possesive ako kasi I need your capacity to give me a child. Hay naku, tumuloy na nga tayo sa bahay at hinihintay na tayo ng pamilya natin."
Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin ang Papa at kapatid ni Joven na si Joan kakuwentuhan ang pamilya ko.
"Youre Paella is really delicious!" ang narinig kong pagpuri ni Lolo sa nilutong Paella ng Papa ni Joven.
"We are here, pasensya na po kayo at pinauna ko muna ang pamilya ko rito, may dinaanan lang akong business meeting. Alam ko po kasi excited na kayong matikman ang specialties ng pamilya namin kaya pinauna ko na sila." ang explanation ni Joven sa pamilya ko.
"Iho, buti at naisip mong paunahin ang pamilya rito, we are really enjoying the foods." ang sabi ni Mama.
"Thanks Tita."
"No iho, from now on you can call me Mama. Alam ko naman kasing na-miss mo rin yun mula ng mawala ang Mama mo."
Ngumiti si Joven, "Oo nga po eh, matagal na nga rin kaming walang tinatawag na Mama."
"And you can call me Papa." ang sabi naman ng Papa sa kanya.
"And of course call me Lolo." ang sabi naman ni Lolo sa kanya.
"Wow, salamat po sa pag welcome sa akin sa pamilya niyo, Papa, Mama at Lolo."
"So may nakausap na ba kayong wedding coordinator?"
"Yah, nakakuha na kami nang isang magaling na coordinator, they can prepare the wedding for two months."
"Thats good, but how about the after the wedding? What are your plans?"
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomansaTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...