6.
JOVEN
"Mahal kita eh... noon. Mahal kita noon."
Napiyok ako sa sinabi ko.
"Im sorry."
Ang narinig kong sinabi niya sa kabilang linya.
"Ano uling sinabi mo?"
Tama ba yung narinig ko nagpapasorry sa akin si Lizette dela Rosa?
"Ha wala." Ang pagdedeny after kong malinaw na narinig sa phone na talagang nabanggit niya ang salitang SORRY. Mapride talaga itong babae ito.
"So I think dapat makisama pa ako ng mabuti sa pamilya mo para magustuhan nila ako. Siguro more bonding pa ako with your family."
LIZETTE
"Mam dapat makipagclose ka sa family niya, umpisahan mo sa sister niya,tutal pareho kayong babae. Mag shopping bonding kayo, malling. Bilhan mo ng magagandang damit."
Katulad ng payo ni Diana ay ganon nga ang ginawa ko. Tinawagan ko si Joven para isama sa date namin si Joan upang panoorin ang movie na gusto nitong panoorin. Its a rom-com movie na puno na kacheesehan.. at hindi ko maintindihan ay bakit kailangan pang tumili ng tumili ni Joan sa loob ng sinehan sa sobrang kakiligan niya sa paborito niyang love team.
"Grabe noh, sobrang nakakakilig talaga ang KathNiel." ang hindi makaget over na reaction ni Joan after naming manood ng sine. "Saka grabe ang guwapo talaga ni DJ. Di ba Ate Lizette?"
"Ha? Am.. yah." Tapos tumingin ako kay Joven, "Pero mas guwapo ang Kuya mo."
"Kitam Joan! Sabi ko sayo eh, mas pogi ako sa crush mo! Kaya love na love ko itong My Love ko." At hinalikan niya ang ulo ko.
Hindi ko alam ... o siguro nasanay na ako... pero I feel comfortable kapag kinikiss niya ako sa pisngi at sa ulo ko.
"Eeeww... ang pangit kaya ni Kuya. Hmp! Magmimilk tea nga muna ako." Saka kami tinalikuran ng kapatid niya upang bumili ng milk tea.
"Walang respeto sa Kuya niya yun ha."
Natatawa lang ako sa kanilang magkapatid. Ang kulit nilang mag-asaran.
"Himala, tumatawa ka."
Natigilan ako... oo nga... parang ang tagal na nang huli akong tumawa... masyado yata akong naging serious sa buhay ko.
"Maganda yan. Maganda ka."
Bigla akong namula sa sinabi niya.
"Maganda ka kapag tumatawa. I remember nong huli kitang makitang humalakhak."
"Kailan ba yun?" Ang tanong ko sa kanya.
"Sa Fire Exit."
Naalala ko nga non. Iyak kasi ako ng iyak nang makita niya ako sa Fire Exit kaya binigyan niya ako ng jokes para tumahan ako.
Actually ang corny ng mga jokes niya pero dahil siguro sa sobrang lungkot ko noong mga panahon na yun ay napapatatawa niya ako at naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"Ang corny mo kaya non."
"Pero natatawa ka."
"Napilitan lang akong tumawa."
"Kunwari ka pa natuwa ka sa mga hirit ko non eh. Yung Lizette, puzzle ka ba? Binubuo mo kasi ang buhay ko eh. Yung crayola ka ba... binibigyan mo kasi ng kulay ang buhay ko."
"Kaya kita binasted non, di ko na kinaya ang mga baduy mong pick up lines." Ang sabi ko sa kanya.
"Kunwari ka pa kitang kita ko kaya sa mga mata mo non na kinilig ka sa mga banat ko."
"Hay naku ewan ko sayo."
Nagulat kami nang biglang magsigawan ang mga tao sa mall at nagsiguran ang mga tao sa isang bagong bukas na signature clothes store.
"Anong meron?" Tanong ko kay Joven.
Nagkibit balikat si Joven, "Ewan ko. Baka may artista."
"Yuck, artista lang yan noh kung magkagulo naman sila. Umaarte lang yang mga yan pero ang totoo, wala naman silang pinag-aralan."
"Insecure ka lang. Kasi ikaw mataas ang pinag-aralan mo at leader ka ng DLR pero di ka pinagkakaguluhan."
Dumating na si Joan dala-dala ang binili niyang milk tea.
"OMG Kuya! Lets go there."
Ano ba itong si Joan, ang cheap. Interesado masyado sa mga artista.
"Bakit sino ba yung andon?"
"Si Wendy Crew, yung nanalong Fil-Am model sa NewYork."
Nagtatakbong lumapit sa crowd si Joan.
"Halika tignan natin." Ang anyaya sa akin ni Joven.
"No way." Ang sagot ko sa kanya, "Ang dami kayang tao. Ayokong makiepal diyan noh."
Hinila ni Joven ang kamay ko, "Wag ka ng umarte riyan kung gusto mong magustuhan ka ng kapatid ko."
I cant believe na ginagawa ko ito. Sumisiksik ka sa crowd para lang makita namin ang Wendy Crew na iyon or whoever she is.
Pumanik sa flatform ang isang skinny, morena at matangkad na babae at kumaway ito sa mga tao.
"Hi Good afternoon po. Salamat po sa pagpunta rito para sa opening ng first YSG outlet dito sa Pilipinas "
Nilabas ni Joan ang celphone niya ang kinuhanan si Wendy.
Napatitig ako sa model na yun.... hmmmm... parang may kamukha siya...
"Kuya kamukha ni Wendy yung ex mo, si Ate Weng." Ang sabi ni Joan habang tinitignan ang pic ni Wendy sa CP niya.
"Oo nga noh... parang ngang siya si Weng." Ang sabi ni Joven.
No way! Ang babaeng maitim ang kili-kili noon na patay na patay kay Joven ang sikat na model sa New York!
Paano nangyari yun? I mean... paano tumangos ang ilong niya at higit sa lahat paano kuminis ang kilikili niya.
"Joven?!"
Natigilan ang lahat at napatingin ang lahat kay Joven nang marinig namin ang boses na iyon.
Binaba ni Wendy ang hawak niyang mic at bumaba ng flatform upang lumapit at yumakap kay Joven.
OMG! Totoo nga... Wendy Crew is Rowena Santos!
tSKy
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...