30

850 20 0
                                    

LIZETTE
"Will you stay with me for the rest of our lives?" Ang tanong ko sa kanya.
"Why do you want me to stay? Di ba ang usapan natin..."
"Mahal kita." Ang sabi ko sa kanya, "Mahal na mahal kita."
"Nasasabi mo lang yan kasi may anak tayo. Narealize mo na ba na kailangan ng anak natin ng isang buong pamilya?"
Umiling ako, "Mahal kita... matagal na." Tapos di ko mapigilang umiyak, "Mula pa noong sa fire exit."
Kinuha ko ang bag at nilabas ko ang treasury box ko. Inabot ko yun kay Joven.
Nagulat si Joven sa laman ng kahon na iyon.
Yung panyo na bigay niya sa akin.
Yung empty pack ng chocolate.
At isang tuyot na bulaklak mula sa bouquet na sinira ko noon sa harapan niya.
"Ang ibig mong sabihin..."
"Mahal na mahal kita pero I choose na saktan kita noon kasi ayaw ni Lolo na magkaboyfriend ako. Pero yung ginawa ko sayo non, hindi lang ikaw ang nasaktan... ako rin. Ang sakit-sakit pakawalan ng taong nagpapaligaya sa akin. Im so sorry Joven if I hurt you so badly." Tapos di ko mapigilang umiyak sa harapan niya, "I love you so much Joven. Please stay. Gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda natin at hanggang lumaki ang anak natin. Gusto kong maging katulad tayo nila Mama at Papa at nang iba pang old couples na nakikita natin yung kahit mapuputi na ang mga buhok nila, kahit masakit na yung mga kasukasuan nila at kahit mahina na ang mga tuhod nila... andiyan pa rin sila para sa isa't isa."
"Paano yung pinagusapan natin nong una?"
"Ayoko na non. Pwede bang kalimutan na natin yun?" Ang tanong ko sa kanya.
Hindi siya makasagot.
Please Joven pumayag ka na sa alok ko.
"Nasaan na ang pride mo? Nasaan na ang bossy na Lizette na nakilala ko?"
Napayuko ako. Tama siya. Hindi na ako ito. Kahit ako nalilito rin.
"Hindi ko na rin alam. Bakit? Hindi mo na ba ako kayang mahalin uli?"
"Sinong nagsasabi sayong mamahalin kita uli?" Ang tanong niya sa akin.
"Ako... nagmamakaawa ako. Mahalin mo ako uli."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko, "I cannot love you again."
Napapikit ako.
"Kasi di naman nawala ang pagmamahal ko sayo."
Napadilat ako sa sinabi niya.
At bago pa ako muling nagsalita ay sinalubong niya na ng halik ang labi ko.
Its a kiss that will take forever...

After four weeks...

"So hows the separation?" Ang tanong sa amin ni Atty Masinlac nang pinuntahan namin siya sa law office.
"Are you now filing annulment Mrs Jacinto?"
Nagkatinginan kami ni Joven.
"Im sorry Atty. We have changed our mind." At saka namin hinawakan ang kamay ng isa't isa, "We decided to stay together for our rest of lives. Kasama ang anak namin at ang magiging anak namin..." saka ako napatingin sa tiyan ko.
"Buntis ka uli?" Tanong ng abugado.
"Im four weeks pregnant for our second baby."
Napayuko si Joven, "Sorry Attorney. Null and void na ang usapan namin ni Lizette tungkol sa annulment."
"Ano pa bang magagawa ko? Tinamaan kayo ng pag-ibig eh. Actually its not my first time to handle a case like this, yung planong maghiwalay tapos kapag pinaghiwalay mo naman magkakabalikan uli. Hay minsan kasi sa buhay ng isang tao kailangan niyong mag-away, magkagalit or magkalayo ng landas para marealize niyo na mahal niyo pala ang isa't isa."
Napangiti kami pareho ni Joven. Nakarelate kaming dalawa ron.
"Well. Best wishes for both of you. Love one another. Maswerte kayo... mahal niyo ang isat isa. So siguro hindi ko na kailangang kulitin ang assistant mo tungkol dito."
Natawa ako sa sinabi ni Atty.
"Final answer na yan."
Hinawakan namin ng mas mahigpit ang kamay ng isa't isa.
"Final answer!"

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon