JOVEN
"Nagmamakaawa ako sayo. Pakasalan mo na ako please. Kailangan ko lang para sa pamilya ko." hinawakan ni Lizette nang mahigpit ang laylayan ng T-shirt ko tapos iyak siya ng iyak.
Ito na ba yun? Ito ba ang ibig sabihin kaya lagi kong napanaginipan ang nangyari sa amin nong college.
Naiitindihan ko kung bakit siya ganon kadesperada i-please ang pamilya niya.
Napadaan ako non sa Dean's office nang lumabas ang Lolo ni Lizette, ang kanyang ina at si Lizette sa office.
"See Papa, sabi ko sayo eh, candidate si Lizette bilang Suma Cum Laude." ang pagmamayabang ng kanyang ina sa Lolo niya.
"Ha, si Leandro rin naman ha, dapat Suma Cum Laude rin siya non kundi lang siya..." tapos nakita ko ang matalim na tingin ng Lolo ni Lizette sa kanya. Yumuko na lang si Lizette.
"Papa, ginagawa naman ni Lizette ang best niya."
"Yah, pero mas the best pa rin kung buhay ang Kuya niya yun. Kung nabubuhay lang si Leandro malamang pinapatakbo na non ang DLR, hindi sana tayo namomoblema ngayon kung sino ang magpapatakbo ng negosyo natin kapag nagretiro na kami."
"Lolo, I promise, Im going to be the best President of DLR."
Tinignan siya ng Lolo niya mula ulo hanggang paa, "Babae ka iha, ang dapat sayo mag-asawa at padamihin ang angkan natin. I dont think you can do it."
Tapos saka siya tumakbo at nagkulong sa fire exit at doon nag-iiyak.
Kung may tao man na pinakanaiintindihan ang sitwasyon ngayon ni Lizette ay ako yun. Doon siya inaasahan ng pamilya niya, ang bigyan sila ng new breeds of Dela Rosa.
Yumuko ako at pinag-masdan muli ang iyak na iyak na si Lizette. Hindi pa rin niya binibitawan ang T-shirt ko.
Inalis ko ang mga kamay niya sa damit ko at umupo ako upang tignan siya ng diretso, "Tahan na."
Hindi pa rin siya huminto sa kakaiyak.
"Bakit ba ako lang ang nakakakitang umiiyak ka?" ang tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin, "Ayoko pa namang makita kang umiiyak."
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya, "Gusto mo ba talagang pakasalan kita?"
"Nagmamakaawa na ako sayo..." ang sabi niya. Tapos hikbi pa siya ng hikbi sa kakaiyak.
Tumango ako, "Sige na pakakasalan kita."
Ayyy! Ano ka ba Joven Jacinto! Nagpapakatanga ka na naman sa babaeng yan!
Grabe! Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Feeling ko tuloy nong nagsabog ng katangahan ang Diyos sa daigdig na ito... Sinapo ko lahat.
"May kailangan tayong puntahan." hinila ako ni Lizette palabas ng restaurant at isinakay ang kotse niya.
Nagulat ako ng pinark niya ang sasakyan niya sa isang hospital at dali-dali kaming pumasok ron.
"We have an appointment for Dr Agustin." ang sabi ni Lizette sa receptionist kaya agad naman kaming pinapasok sa clinic ng Doctora na iyon.
"Siya ba ang sinasabi mo Lizette?"
Tumango si Lizette, "Sige na Joven pumasok ka na." tinulak niya ako para umupo sa bed ng clinic na iyon tapos sinarado niya ang kurtina at laking gulat ko nang pumasok si Doktora sa kurtina na may suot na gwantes.
"Hubarin mo na yang pants mo."
"A-ano po?"
"Wag ka ng mahiya, doctor ako, marami na akong nakitang ganyan, iba't ibang sizes, iba't ibang kulay at iba't ibang amoy." ang sabi ni Doc.
Wala na akong magawa kundi hubarin ang pants ko sabay na doon ang panloob ko.
Nashock na lang ako sa mga kasunod niyang ginawa sa akin at mas nagulat ako sa mga tanong niya tungkol sa sobrang pribado kong buhay.
Pambihira ano ba itong pinasok ko?
d9
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...