24

688 17 0
                                    

"Naku Mam, sobrang excited na ko for the baby." Ang sabi ni Diana sa akin nang sinamahan niya ako sa pagpapacheck up sa OB. "The new breed of Dela Rosa is coming."
"Oo nga eh."
"Lizette."
Natigilan kami ni Diana nang makasalubong namin si Weng-Weng. For sure pinagawa na naman niya ang ilong niya sa plastic surgeon niya.
"OMG! Si supermodel of the whole wide universe Wendy!" At saka excited na lumapit si Diana kay Wendy, "Pwedeng magpaselfie."
"Yes of course!" At saka nagpaselfie si Diana.
"Ay ang laki ng mukha ko ang lapit kasi sa camera." Tinignan ako ni Diana, " Madam, baka naman pwede niyo po kaming kunan ni Miss Wendy."
Pambihira! Nagiging kumportable na yata si Diana sa akin upang utusan niya ako na kuhanan sila ng picture ng babaeng bwisit sa buhay ko.
"Gusto mong mawalan ng trabaho?" Nakita kong namutla si Diana sa sinabi ko kaya ngumiti ako, "Sige kunan ko na kayo."
Kinuha ko ang celphone ni Diana at kinuhanan sila ng picture.
"Thanks Miss Wendy, youre so bait pala in person."
"Youre welcome." At tumingin sa akin si Weng, "Malaki na ang tiyan mo, ilang months na ba yan?"
"Next month na ang schedule ko."
"Wow, malapit na pala."
Tumango ako.
"Ay Mam tatawagan ko lang po yung driver natin ha. Excuse me lang po." At lumayo muna si Diana sa amin ni Weng.
"Have Joven told you na nagkita kami sa Cebu.?"
"Yah, tinawagan niya ako para ireport sa akin yan." Ang sabi ko sa kanya.
"Hindi ba niya nakuwento sa iyo kung anong nangyari sa Cebu?"
Napakunot ako ng noo. Ang hayop na lalaki na yun mukhang may itinatago sa akin.
"A-anong nangyari sa inyo?"
"I seduced him. Sabi ko sa kanya I will wait for him tutal I dont think na magsasama kayo ng matagal dahil masama ang ugali mo."
"Sinabi mo talaga yun sa kanya."
"Yah, sabi ko sa kanya mas mahal ko siya kumpara sayo. I made all this changes in my life para pumantay ako sayo."
"Oh, trying hard ka pala."
"Oo, mahal ko kasi ang asawa mo."
"So... anong sabi niya sayo. Kapag ba naghiwalay kami, babalikan ka niya?"
"Yun nga ang nakakatawa eh. He rejected me."
Saka ako nakahinga ng maluwag.
"Kasi di raw kayo maghihiwalay. Mahal ka raw kasi niya."
Napangiti ako, "Talaga."
"Mahal ka talaga niya. Hindi nagbago yun."
Nakaramdam ako ng pagkaawa kay Wendy. Alam ko mahal pa rin niya ng sobra si Joven at masakit na kahit anong sikap niya ay di pa rin nasuklian yun ni Joven.
"Im sorry. Alam ko mahal na mahal mo pa rin siya." Ang sabi ko kay Wendy, "Sana makahanap ng lalaki na ikaw na man ang mas mamahalin at magiging sobrang masaya ka sa kanya."
Ngumiti si Weng "Infairness sayo... mukhang nagiging mabait ka na. Maybe your husband have a great influence on you."
"Sana nga totoo."
"I have to back in NY. God bless sa magiging family niyo ni Joven. Pakisabi na lang sa asawa mo."
Tumango ako at umalis na si Wendy.

JOVEN

"Aray ko!!!" Ang sigaw ko habang mahigpit na hawak ni Lizette ang ulo ko, "Putsa Lizette Maawa ka naman sa bunbunan ko!"
"Hayop ka! Dapat lang yan sayo Joven! Ikaw ang may kasalanan nito!!!" Ang sigaw niya sa akin.
"Kasalanan ko?! Sino bang nagmakaawa sa akin na anakan ka?!"
"Letse ka! Kaya ayokong mag-asawa eh masakit manganak! Hayop ka talaga Joven!" Sabay umire si Lizette.
"Lizette yung buhok ko ang sakit!" Habang kasi naglilabor si Lizette ay maslalong humihigpit ang pagsabunot niyo sa akin.
"Dapat lang yan! Para maramdaman mo rin ang hirap at sakit na nararamdaman ko! Hindi na ako magpapabuntis uli! Promise!"
"Madam isang malakas na push pa!" Ang sabi ng OB.
At sabay kaming sumigaw ng "ARAY!!!"
After nang mahabang sigaw na yun ay may malakas na iyak kami ng bata na narinig.
Dahan-dahang binitawan ni Lizette ang buhok ko kaya napatuwid na ako ng pagtayo at sobran g saya ko nang makita ko ang baby boy na iyon.
"Ang baby natin Lizette..."
Ngumiti si Lizette nang makita ang baby na iniluwal niya tapos dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang magpahinga.

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon