7.2

655 16 0
                                    

JOVEN

Pagbalik namin sa lounge ay naabutan namin ni Joan sina Lizette at Weng na nakatingin lang sa isat isa.

Kahit hindi sila nagsasalita ay nakakaramdam ko ako ng mainit na tension sa pagitan nilang dalawa.

"Girls magkape muna kayo."

Pagkalapag ko sa kape ay saka ako hinila ni Lizette patabi sa kanya.

Tumabi naman si Joan kay Weng, "Ate Weng can I have a selfie with you."

"Yeah sure Joan." At saka nagselfie ang dalawa.

"Oh kuya ikaw naman."

"Okey." At kinuha ko ang celphone ni Joan, "Smile kayo ha."

"Kuya." At tumawa si Joan, "I mean you take a picture with Ate Weng."

"Ah, picture tayong tatlo."

"No I mean kayo lang ni Ate Weng."

"Naku Joan, nakakahiya naman kay Lizette."

"I dont think Ate Lizette will mind, its like taking picture to a celebrity naman eh. Di ba Ate Lizette?"

"Oo naman, I dont mind. Di naman ako selosa." Ang sabi ni Lizette, "Open minded ito noh."

"Oh, Kuya pumayag ang girlfriend okey na sa kanya." kinuha ni Joan ang phone niya sa akin at inabot yun kay Lizette, "Alam ko na para maniwala si Kuya na okey lang sayo ikaw na lang ang magtake ng pictures sa kanila."

"Hey Joan, thats too much." Ang saway ko sa kapatid ko.

"Okey lang sa akin, Joven. Celebrity naman itong si Weng eh." Kinuha ni Lizette ang phone ni Joan, "Magpose na kayo, Joven tumabi ka kay Weng."

Tinabihan ko naman si Weng sa kinauupuan niya, "My Love kaunting akbay naman kay Weng."

"Huh.." tinawag pa niya akong My love kung aakbayan ko naman si Weng.

"Akbayan mo na, bilisan mo, para matapos tayo rito."

Inakbayan ko si Weng at saka kami kinuhanan ng litrato ni Lizette. Sa susunod na pic naman ay kasama namin ni Weng si Joan.


LIZETTE

"Thanks Ate Lizette." Ang sabi ko kay Joan nang matapos ang trabaho ko bilang photographer nilang tatlo.

"Guys, I have to go. May presscon pa kasi ako mamaya and kailangan kong mag-ayos. Anyway If I have time dadalawin ko kayo sa place niyo ang sabi ni Weng sa amin.

"Salamat din pala Weng ha." Ang sabi ni Joven.

"Thanks ate." Ang sabi naman ni Joan at saka ito lumabas ng VIP lounge.

Tumayo na ako mula sa kinatatayuan ko, "Halika na."

"Wait." At saka ako hinila ni Joven upang tumabi sa kanya. Nilabas niya ang celphone niya, "Tayo naman ang magselfie."

"For what?" Ang tanong ko sa kanya.

"Para may pictures naman tayong dalawa sa celphone ko. Okey smile, Love." At nagselfie kami.

Lumapit sa amin si Joan, "Ako naman ang magpicture sa inyo Kuya." Inabot namin ang celphone ni Joven kay Joan upang kuhanan kami.

May posing kaming magkaakbay, magkayakap at cheeks to cheeks.

"Kiss naman."

"Hah?" Ang sabay namin nasabi ni Joven.

"Magkiss naman kayo. Mwuah mwuah tsup tsup."

Napatingin kami ni Joven sa isa't isa.

Humugot siya nang malalim na buntong hininga at saka inihanda ang labi niya na hahalik sa akin.

Napuno naman ng kaba amg dibdib ko maslalo na nang nilagay niya na ang isang kamay ko sa ilalim ng baba ko at inilapit niya na ang mukha niya sa akin.

Kung magkataon... it will be my first kiss....

Napapikit ako upang salubungin ang pagdampi ng aming mga labi.

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon