29

727 19 0
                                    

JOVEN

Sa bahay bakasyunan ng mga Dela Rosa nagyaya si Lizette na magpunta sakto rin kasi napakalamig ng klima ngayon sa Baguio. Daig pa namin ang nangibang bansa.
Sobrang traffic nga lang sa Baguio kaya ang tagal naming natengga sa may gilid ng Burham park.
"Grabe ang crowded na masyado rito sa Baguio." Napatingin ako kay Lizette. Nakahalumbaba lang siya na nakadungaw sa bintana, tinitignan ang mga matatandang nageexercise sa Burham Park.
Pinagmasdan ko siya habang nakatingin sa bintana... parang nanginginig ang mga mata niya.
Parang nagiging emosyonal siya sa matatandang nageexercise. Bakit naman?
Napatingin ako sa isang matandang lalaki kung saan inabutan niya nang tubig ang isang matandang babae at pinunasan ang likuran nito na basa ng pawis.
Ilang sandali pa ay ganon din ang matandang babae sa kanyang asawa.
They are old... but it is cute and sweet.
Sana maranasan ko rin yan.
Maranasan namin yan.
Pinunasan ni Lizette ang mga mata at saka tumuwid ng upo at nagfocus mula sa pagmamaneho.
"Sobrang traffic na talaga rito."
"O-oo nga." Sagot ko sa kaniya.
"Gusto mo ako naman ang magmaneho baka pagod ka na."
Umiling ako, "H-hindi naman. Relax ka lang diyan. Lets make this last vacation together the best vacation ever." At ningitian ko siya.

Maganda ang location ng bahay bakasyunan ng mga Dela Rosa sa Baguio. Nasa mataas siya na lugar na napapalibutan ng Pine Trees.
After naming maghapunan ni Lizette ay binuksan niya ang fireplace dahil sa lamig ng lugar na iyon.
Naghanda ako ng wine na maiinom namin sa gabing iyon.
Tinabihan ko si Lizette na nakaupo sa carpet at pinagmamasdan ang apoy mula sa fireplace.
"Wine?" Inabot ko sa kaniya ang isang kopita ng alak at ininom niya ito.
"Paano ba natin iispend ang last vacation natin together?" Ang tanong ko sa kanya.
"Ikaw magtanong ka. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin sa akin."
"Ako lang ang magtatanong? Dapat salitan. Lady's first." Ang sabi ko sa kanya.
"Ako talaga ang gusto mong magtanong?"
"Bahay niyo ito, you are the host."
"Sige, first question..." tapos nag-isip siya, "Okey ito na lang. Joven, are you mad at me?"
"No." Ang sagot ko agad.
"Liar."
"Hindi nga talaga. Kasi usapan natin mula sa simula. Ito yung pinagusapan natin at umagree kaya bakit ako magagalit sayo? Oh ako naman ang magtatanong. Kung sakaling nagpakita sayo yung kablind date mo noon, tapos okey naman siya. Will choose a stranger like him or ako na may past sayo bilang magiging temporarily husband mo?"
"Ikaw."
"Siguro kasi di mo siya kilala. Takot ka na baka pagsamantalahan ka nong tao."
"Another factor. My turn. Are you still mad at me?"
Napakunot ako ng noo, "The same question?"
Umiling siya, "Hindi. Are you still mad at dahil pinahiya kita noon at binasted kita sa harapan ng madaming tao noong teenagers pa tayo?"
"Hindi na." Ang sagot ko sa kanya. "Ako naman. Masaya ka na ba ngayon?"
Tumingin siya sa akin at saka umiling, "Im not completely happy."
"Bakit?" Ang tanong ko sa kanya.
"Its not your turn to ask."
"Okey anong tanong mo?"
"Will you stay?" Nagulat ako sa tanong niya, "Will you stay with me for the rest of our lives?"

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon