31. A Not Temporary Finale

1.2K 35 7
                                    

"When I was young, wala akong ibang pangarap sa buhay kundi ang maging magaling na leader ng DLR. Bata pa lang ako may vision na ako sa company na ito. I want DLR groups the best company not only here in the Philippines but in the whole world. On that I will not only make DLR the best one but the best for my family, the dela Rosa. DLR is the most precious and important heritance that I got from my family.
When I got married, I thought it will be the end of my dream. I felt kasi that my life will be divided into many parts, a mother, a wife and DLR leader. Pero as I enter marriage, nagkamali ako ng hinala. I become a better person in marrying and having children. In fact they serve as my inspiration in working better for the company. My husband helped me in managing the company, he is a shoulder to lean, my adviser and my favorite cook kapag stress ako sa trabaho.
Lagi kong tinatanong sa sarili ko, did I become what I dreamed of? Naging magaling kaya akong leader ng DLR? What do you think guys, did I satisfy you all? Hindi ako alam, maybe you have different opinions regarding that. But when my Lolo past away, I remember his last words for me. Lizette, my apo, you did a very a good job. He told me that I did a good job, a dream come true to me.
Now that Im retiring here, I will grant another dream for myself, I will assign my beloved son, Lionne Jacinto as the new CEO of DLR group of companies. Anak always remember what we have thought you. And I wish na sana... mas magaling ka pa sa akin. Take good care of DLR.
To all who work in me for almost 45 years, maraming salamat at mahal ko kayo."
Nagtayuan ang mga nasa loob ng auditorium nang matapos ang speech ni Lizette.
Tumayo rin at pumanik sa si stage si Lionne na may dalang bouquet para sa kanyang ina at sinamahan ito pababa ng stage.
"Iho, I told you dont give me a grand despidida party. Ibinigay mo na lang sanang regalo sa mga empleyado mo ang iginastos mo rito."
"Dont worry about it Mama. Masaya ngayon ang mga empleyado mo, they got a bonus. Saka di naman kalakihan ang nagastos namin dito."
Ngumiti si Lizette, "Good Job son." Naalis ang ngiti sa mga labi niya, "Naalala ko tuloy ang Papa mo. Nasaan na kaya siya?"
Hinawakan ni Lione ang kamay ng kanyang ina, "He is okey Ma."
"Madam!" Nagtatakbong pumasok ng auditorium si Diana, "Mam, nagkakagulo po sa labas."
"What is this Lione? Akala ko ba binigyan mo ng bonus ang mga empleyado eh bakit nagkakagulo sa labas?"
Nagkibit balikat lang si Lione at dali dali silang dumungaw sa bintana ng building upang silipin ang kaguluhan sa labas.
"Magprotesta! Wag matakot!" Ang sigaw ng raliyista, "Magprotesta! Wag matakot!"
"Mga kasama, handa niyo ba akong samahan sa laban kong ito!"
Napatingin si Lizette sa nagsalita na iyon sa megaphone.
"Opo!"
Napangiti siya sa nakasulat sa hawak nitong placard "Happy Retirement! I love you Lizette!"
"Retired CEO Lizette Dela Rosa Jacinto! Gusto kong malaman mo, kahit na retired ka na, maputi na ang buhok natin, kulubot na ang balat natin at sa tanda nating ito, gusto kong ipagsigawan pa rin sayo ang nilalaman ng puso ko. Lizette mahal na mahal kita! At ngayong pareho na tayong retirado we may now spend are days full time together, hindi lang sa akin, kundi sa mga anak natin at sa mga apo natin! In so proud of you Misis ko at mahal na mahal kita."
Di mapigilan ni Lizette ang maiyak sa sinabing iyon ng kanyang asawa kaya kasama sina Lione at Diana ay dali-dali silang sumakay ng elevator at lumabas ng building.
Paglabas niya ng building ay sinalubong siya ng apat na anak niya at mga apo niya na may dalang tarpaulin.
"Happy Retirement Mama! We are so proud of you! We love you!"
Sinalubong niya nang yakap ang kanyang pamilya sa supresang ito sa kanya.
Nang mayakap niya ang lahat ay napatingin siya kay Joven na may hawak pa ring placard at may dalang bulaklak.
"Mahal na mahal na mahal din kita Mr. Joven Jacinto!"
Lumapit siya rito ay hinawakan ang isang kamay nito, "Thank you dahil wala kang sawang nagmamahal sa akin. Salamat sa pagpapasensya mo at pagtitiis mo kahit na medyo may pagkamaldita at workaholic ako. Ngayon retired na ako, I promise my time will be devoted to you. Only you."
Naghiyawan ang mga tao sa paligid niya at saka niya niyakap nang mahigpit ang kanyang asawa at hinalikan ang kanyang Mister.

Their sweetness is infinite and their romance is really adorable.
Ito ang love story nila Lizette at ni Joven and how their temporary marriage turns into forever.

THE End.

🎉 Tapos mo nang basahin ang OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016 🎉
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon