After 2 months...
JOVEN
"Welcome Delegates of Philippine Restauranteur Conference"
Yun ang nakalagay sa harapan ng 5star hotel na venue ng conference namin ni Martin dito sa Cebu.
Sa totoo lang hindi ko feel magpunta sa conference na ito, unang una kasi buntis si Lizette at ayoko siyang iwan pangalawa hindi ko alam pero masama ang vibes ko sa conference na ito. Siguro dahil sobrang pinipilt ako ni Martin na sumama sa conference na ito kahit ayoko.
Ang hiningi ko na lang na sign kung sasama ako o hindi ay si Lizette... kung papayag o hindi.
"Conference thats good. Dont lose that opportunity malaking tulong yan sa business mo. Exposure din yan. Dont worry about me, I can manage myself, Diana is always with tapos sila Mama and Papa."
Yun ang sagot niya sa akin kaya heto ako ngayon sa Cebu, dalawang linggo ko ring di makakasama ang Misis ko at sigurado akong mamimiss ko siya.
Paglapag ng eroplano namin sa airport ay nagtext ako sa kanya checking kung kamusta na siya.
"Im okey dont worry about me Im fine. Enjoy sa conference." Ang reply niya sa akin.
Pagdating namin sa hotel ay tinawagan ko siya para kamustahin.
"Joven, okey lang ako." Ang sabi niya sa akin sa phone.
"Eh nakokonsensya kasi ako na wala ako riyan sa tabi mo." Ang sabi ko sa kanya.
"Wala kang dapat ikonsensya kasi pinayagan kitang magpunta riyan."
"Lizette... ano kasi...."
"Joven, Joven. Focus on your business there saka may mga meetings ako. Wag mo muna akong tawagan okey. Wag kang makulit."
Nahalata kong nayayamot na si Lizette sa pag-aalala ko sa kanya.
"Im sorry kung naistorbo kita."
"Okey. Basta wag ka ng tumawag uli kung wala ka namang problema okey and dont worry I will call you kung may problema naman ako rito. Enjoy there."
At saka niya binaba ang phone.
"Hey Dude. Kumalma ka nga. Sabi ng Misis mo okey lang siya kaya okey lang siya and enjoy Cebu! Dude don tayo sa pool area ang daming chikas don, nakabikini may mga puti. Makakalimutan mong may asawa ka na pala."
"Shut up. Pinalalapit mo naman ako sa kasalanan niyan eh."
"Dude Im just reserving your heart kapag bumalik ka na sa pagkabinata." Sabi ni Martin, "Maliban na lang kung napag-usapan nyo ng dalawa na totohanan na ang lahat."
"Wala pa kaming pinaguusapang ganon." and how I wish meron.
"Eh di ayos! Alright!" Hinila ako ni Martin papunta sa pool area, "Lets go Dude hanap kita ng magiging second wife mo "
Sa pool area ay umupo kami ni Martin sa isang tabi habang nakahalumbaba na pinagmamasdan ni Martin ang mga nakabikini na babae ron na usually ay mga puti.
"Grabe panalo rito Dude. Ano Dude ituro mo sa akin kung sino ang gusto mo riyan sa mga yan at popormahan natin."
Umiling ako, "No thanks Dude. Ikaw na lang."
"Ay Sus corny naman nito." Napatingin si Martin sa isang bahagi ng pool, "Look whos here Dude. Hindi mo tatanggihan ito."
Napatingin ako sa tinitignan ni Martin.
Sa isang bahagi ng pool ay umahon ang isang blonde at sexy na foreigner na may suot na puting bikinis.
Umiling ako kay Martin, "Mauubos tayo ng ingles diyan."
"Eh hindi naman yung foreigner yung tinutukoy ko... yung kasama niya."
Sumunod na umahon ang isang morenang babae na nakasuot ng red bikini.
Lumingon ito sa amin at nagulat ako nang makitang.... si Weng? Anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
Lãng mạnTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...