JOVEN
Ilang beses na pasensya at sorry ang narinig ko kay Lizette nang ikiniwento niya sa akin ang tungkol sa Atty Masinlac na yun. She hired her noon pa para mag-ayos ng paghihiwalay namin.
"Oh gosh, bad timing talaga. Panira ng araw, pasensya na Joven, makulit talaga yang abugado na yan."
Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Lizette, "Thats okey. Kakausapin natin siya kung yan ang gusto mo."After ng party sa isang pribadong closed room ay andoon kaming tatlo... kami ni Lizette at ni Atty Masinlac.
"Katulad nang pagkaexplain ko kay Mrs Jacinto dapat ngayon palang pinaplano natin ito dahil mahirap magpaannul ng kasal dito sa Pilipinas."
"So... anong ikakaso niyo sa akin to annul this wedding."
Alam ko naman. Sa hiwalayang ito... ako ang palalabasing may kasalanan para maiwan sa mga dela Rosa ang custody ng bata.
"Adultery ba? Psychological incapacity ba?"
"Joven..." alam ko nahihiya pa rin sa akin si Lizette kahit napagusapan na namin yun noong una pa.
"Am... Mr. Jacinto Im still weighing on the grounds kasi ibinilin sa akin ni Miss Lizette na gusto pa rin niyang makapiling mo pa rin ang bata habang lumalaki ito."
Katulad nga ng sabi ni Lizette sa akin... hindi niya nga ipagdadamot ang bata.
"So anong kailangan kong gawin?" Ang tanong ko kay Attorney.
"Wag na kayong magsama sa iisang bahay. Simulan niyo ng wag magsama."
Napayuko ako.
Hindi pa kami nagfafile ng annulment hindi na kami pwedeng magsama?
"On that masasabi naming nawala na ang feelings niyo sa isat isa at di na kayo magkasundo."
"Agad-agad ba? Bukas ba start na niyan?" Ang tanong ko sa abugado.
"Ang harsh naman. Kaiisang taon pa lang ng anak niyo out of the kulambo agad. Make a situation. Paunti unting hindi paguwi ni Mister hanggang sa di na nga siya tuluyang umuuwi tapos file na ng annulment." Ang suhestiyon ng abugadong iyon sa amin.LIZETTE
"Are you okey with that?" Ang tanong ko kay Joven habang binababa niya ang mga gifts ni Lionne sa van namin.
"Pinagusapan natin yun di ba? Umoo naman ako kaya tanggap ko yun." ang sagot niya sa akin.
"Joven alam kong deep inside nasasaktan ka dahil tatay ka ni Lionne kung gusto mo..."
"Sssh...." tapos ngumiti siya, "Im okey. Its really okey." At ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga regalo sa bahay.
I think...
Hindi niya ako maiintindihan...
Ang ibig kong sabihin kanina...
Joven kung gusto mo... wag na nating iannul ang kasal natin. Joven magsama na tayo habang buhay.
"Joven teka lang."
At napahinto siya sa paglalakad.
"Bago natin simulan yung sinasabi ni Attorney baka pwedeng magbakasyon muna tayo... yung tayong dalawa lang... padespedida na lang natin sa isa't isa. Kung okey lang sayo."
Tumango siya sa akin, "Okey. Kung yan ang gusto mo."
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...