JOVEN
After kong ihatid si Lizette sa bahay nila ay agad akong umuwi sa amin at naabutan ko sila Joan at Papa na nanonood ng cooking show sa TV.
"Im back." Ang sabi ko sa kanila, "Papa, Joan, what do you think of Lizette? Di ba sabi ko naman sa inyo nagbago na siya."
"Kung hindi siguro namin siya kilala iisipin namin na mabait nga siya." Ang sabi n Joan, "Infairness to her Kuya, she can act."
"Hey Joan, dont be so mean to her."
"Sorry Kuya pero sa tuwing maiisip yung ginawa niya sayo noon, I cant help myself to be mean to her."
"Anak, hindi mo naman maalis sa amin ang mag-isip ng di maganda riyan sa girlfriend mo. Nakilala natin siya bilang isang babae na walang puso. Nagwoworry lang kami sa iyo, ayaw ka naming masaktan uli."
"Pa, Joan, naiintindihan ko kayo kung di ko pa rin kayo makumbinse na nagbago si Lizette. Pero asahan niyo na I will not give up on her and hindi rin ako gigive up sa inyo na matanggap niyo siya."
"Kamusta?" ang tanong ni Lizette sa akin nang bago ako matulog ay tumawag siya sa akin, "Gusto na nila ako noh. Ang galing ko talaga noh."
"Am..Lizette, hindi kasi ganong kadali sa kanila na tanggapin ka eh."
"Thats impossible! Super nice ko kaya kanina. Saka ang warm kaya ng pag welcome nila sa akin kanina."
"Ganon naman talaga ang pamilya ko, hospitable kahit sa may masasamang ugali katulad mo."
"Pagdiinan bang masama ang ugali ko." Ang sabi niya sa akin, "Baka naman kaya hindi pa rin ako magustuhan ng pamilya mo kasi sinisiraan mo ako sa kanila."
"Hindi ah, kung alam mo lang kung anong pagsisinungaling na ang ginawa ko para maniwala silang mabait ka na. Well, hindi mo naman masisi ang family ko, after nong ginawa mong panghihiya sa akin non. Iniisip nila baka saktan mo lang ako uli."
"G-ganon ba talaga ka negative ang impact non sayo..."
"Siyempre ang kapamilya ayaw ka nilang makitang nasasaktan."
"Talaga? Ganon ang family mo sayo?"
"Oo naman eh ganon naman talaga ang pami.." natigilan ako ang bigla kong naalala ang nangyari noong kabataan namin ni Lizette, ang eksenang iyak-iyak siya sa Fire Exit dahil sa nasaktan siya sa sinabi ng Lolo niya.
"Ammm... ano kasi...grabe naman kasi talaga ang nangyari sa akin non. Ayokong pumasok non dahil sa kahihiyan, lagi na lang akong nakakulong sa kuwarto at umiiyak."
"Iniyakan mo talaga ako?"
"Oo naman! Mahal kita eh!"
At bigla akong natigilan ang nagulat sa mismong salita na lumabas sa bibig ko.
Mahal kita...
k�rɄ6
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
Roman d'amourTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...