JOVEN
"Pangit ba?"
"H-ha? Hindi ah, ano, amm..." teka saan ko na ba kukunin ang mga sasabihin ko. Parang na tameme ako sa itsura niya. Paano ba naman sa dating niyang yan parang hindi na siya ang malditang Lizette na nakilala ko.
"Kitam Mam, di makapagsalita si Sir Joven sa itsura niyo ngayon." ang tukso sa kanya ng kanyang sekretarya.
"Joven, tapatin mo nga ako. Bagay ba sa akin o hindi?" pamewang na sinabi niya sa akin. Doon ko na realize ang katotohanan na panglabas na anyo lang ang nagbago sa kanya pero siya pa rin si Miss Sungit na Lizette na nakilala ko.
"Bagay. Bagay sayo. Halika na nga at hinihintay na tayo nila Papa sa bahay."
LIZETTEKung ikukumpara sa bahay namin ay di hamak naman na walang-wala rito ang bahay nila Joven.
Parabg size lang ng kusina namin ang kabuuang bahay nila Joven. Malaki-laki nga lang ang bakuran nila, maslalo na sa likuran kung saan nakatanim ang mga alagang organic herbs, vegetables at fruits ng tatay ni Joven.
"My future wife welcome to our little mansion, Jacinto Residence. The home of the great chefs of the Philippines."
Pagpasok mo sa bahay nila ay maiisip mo talagang mga chefs ang nakatira roon kasi kusina ang may pinakamalaking parte sa bahay nila.
"Nice. Parang bahay na kusina lang ang laman." ang sabi ko kay Joven.
"Hey Kuya." lumitaw sa isang corner ng kusina ang isang teenager na babae na may suot na apron at may bitbit na mixing bowl"Kainis ka hindi mo man lang tinext na darating na kayo. Hindi pa ako tapos sa bini-bake ko."
Ngumiti si Joven at inakbayan ang kapatid niya, "Okey lang yan. Pang merienda naman natin yan eh. Am, Lizette si Joan, sister ko. Joan, Ate Lizette mo."
Ningitian ko si Joan at nakipagbeso-beso ako sa kanya, "Hi Joan nice meeting you. You are pretty pala talaga."
Wifey Material rule no. 1- Matutong mambola and always say positive things sa ibang tao.
Ang reference ko ang listahan kung paano maging wifey material written by my secretary Diana
"Thank you Ate. Ikaw nga riyan ang super ganda sa taste ng Kuya ko."
Inilagay ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko, "Naku di naman masyado. Tamang ganda lang."
Rule # 2- Be Humble.
"Am Si Papa?" ang tanong ni Joven sa sister niya.
"Nagluluto lang sa pugon Kuya."
Bumalik sa kitchen table si Joan at hinila ako ni Joven sa likuran ng bahay nila kung saan andon ang Papa niya at gumagawa ng old style ng pagluluto na iniihip ang apoy sa ulingan.
"Papa andito na kami ni Lizette."
Tumingin sa amin ang Papa ni Joven. Eew, ang itim na ng Papa niya dahil siguro sa kanina pa siya nagluluto sa harap ng ulingan.
Tinignan ko ang kamay ng Papa ni Joven, super dirty non pero kahit pa man ay inabot ko ang kamay at nagmano sa kanya, "Mano po. Good Morning po."
Dahil sabi sa listahan ni Diana:
#4 Wag kang maarte.
at # 5 Magmano sa mga nakakatanda dahil isa kang dalagang Pilipina.
"Maganda ka naman pala sa personal." at ngumiti ako, "Kaya pala patay na patay sayo ang anak ko, kahit na noon ay...."
"Papa." pinigilan siya ni Joven. Pero alam ko naman ang ibig sabihin ng Tatay niya... na ang tanga ng anak niya na patulan pa ako after nang panghihiyang ginawa ko noon sa kanya.
"Joven pauupuin mo muna yang bisita mo sa dining, matatapos na itong niluluto ko at magpaahin ka na."
Sinamahan ako ni Joven sa dining room nila at tinawagan niya ang kasambahay nila para ihanda ang mesa.
Dala-dala ng kasamahan nila ang mga plato nang tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang mga ito sa kanya, "Tulungan ko na po kayo."
Ngumiti ang matandang kasambahay nila sa akin, "Naku salamat iha ah."
At saka ko nilagay ang mga plato at kutsara isa-isa sa dining table.
Rule # 6 Be matulungin
Bumalik si Joven sa dining area at napangiti siya nang maabutan niya ako sa pag-aayos ng lamesa.
"Wow! Ikaw ba yan?"
Tinignan ko lang siya at bumalik sa ginagawa ko.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, "Kung ganyan ka ba naman palagi baka seryosohin ko na ang pagpapakasal sayo."
Inalis ko ang kamay niya na nasa balikat ko at binulungan ko siya, "I just need to do this."
"Sabi ko nga." at inilapag niya ang niluto ng Papa niya na Paella de Jacinto.
Napainhale exhale ako sa nakakahalina na amoy ng nilutong Paella ng Papa niya.
"Sira diet ko nito." ang sabi ko sa kanya.
"Alam mo okey lang sa akin kahit lumobo ka pa kaya wag mo ng isipin ang pagdadiet na yan."
"Palibhasa hindi ka babae kaya nasasabi mo yan."
"Ang advise ko sayo just be yourself and enjoy the foods." at bumulong siya sa akin, "Kung gusto mong magustuhan ka ng pamilya ko."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Thanks for the pressure."
"The foods are ready." ang sabi ng Papa niya ng pumasok ito ng dining area dala ang isang bowl ng entree na niluto nito na super bango.
"Mukhang masarap po yan. Ano po ang tawag diyan?" ang tanong ko sa Papa niya.
"Its my new recipe, Sinampalukang Manok sa Gata."
"Its intriguing Pa." ang sabi ni Joan nang pumasok ito sa dining area na may dalang cake, "While here is my own version of Tiramisu."
Napatigil ako sa paghinga sa mga katakam-takam na pagkain sa harapan ko.
"Ang sasarap. Kung alam lang ng pamilya ko how lucky Iam to eat the delicious dishes made by the famous Jacintos. They love your cook Chef. Lagi nga po kaming kumakain sa hotel na pinagtratrabahuhan niyo po noon para makatikim ng luto niyo."
"Im happy that the Dela Rosas like my dishes."
"Alam niyo po chef, my family is really excited to see you and taste all of your dishes."
At sinimulan ko nang tikma pagkaing inihain sa akin ng pamilya Jacinto.Hmmm... ang sarap talaga, parang gusto ko na tuloy pangarapin na tumira sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomantikTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...