18

449 10 0
                                    

LIZETTE

"Wait lang sandali lang ito." ang bulong niya sa akin.

"A-ano bang gagawi..."

Humiga rin siya sa damuhan katabi ko at saka itinaas ang celphone niya, "Magandang magselfie dito.. Smile!"

Ngumiti naman ako.

"Oh wacky face naman." ang sabi niya.

"Paano mag wacky face?" tanong ko sa kanya. Pasensya niya di nga ako mahilig sa selfie di ba.

"Grabe wacky lang di marunong. Gayahin mo na nga lang ako." at nag fish pout siya na ginaya ko naman.

"Ayan ha, marunong ka ng magwacky."

Umupo na siya sa damuhan at inalalayan niya ako sa pagtayo.

"Halika, magbike naman tayo sa kabila." at umangkas muli ako sa bike niya para mamasyal muli.

Umaga pa lang ay inihatid na kami ng van sa port papuntang Sabang island.

Inikot namin ang buong Sabang Island at naglakad sa Village nila kung saan puro bato ang bahay.

"Ang titibay ng mga ito noh, panglaban sa bagyo." ang sabi ni Joven.

"Yes Sir. Sir pwede po kayong sumilip sa isa sa mga bahay, mababait naman po ang mga nakatira dito."

Huminto kami sa isang bahay na bato at nagpaalam si Joven na tignan ang bahay na iyon.

"Sige po Sir, pumasok po kayo." ang sabi ng may-ari.

"Dios mamajes." ang sagot ni Joven sa kanila sa Ivatan.

Pumasok kami sa bahay at panay selfie ni Joven sa paligid ng bahay.

Napatingin ako sa isang sulok ng bahay kung saan may matandang mag-asawa ang magkahawak kamay habang nakaupo sa rocking chair.

"Hello po." ang bati ko sa kanila.

"Inang at Tatang ko." ang sabi ng may-ari ng bahay.

"Parang ang lalakas pa nila, ilang taon na sila?"

"Ninety years old si Inang at ninety one naman si Tatang. Medyo bingi na nga sila at di na makalakad ng maayos pero ang sweet pa rin nilang dalawa."

Mukha nga kasi mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay nila sa isa't isa.

"Teka, Lizette, pa picture tayo sa parents niya." ang sabi ni Joven.

"Naku sige okey lang yan." ang sabi ng may-ari ng bahay at nagpapicture nga kaming mag-asawa sa kanila.

"Ang sweet nga nila, hindi sila nagkakahiwalay." ang sabi ko.

"Bagong kasal ba kayong dalawa?"

"Ay oo." ang sabi ni Joven, "Honeymoon nga namin ngayon eh."

"Sana maging katulad din ng mga magulang ko ang pagsasama niyo."

Napatingin si Joven sa akin.

"Yung matibay at punong-puno ng pagmamahalan. Masarap din kasing magkaroon ng masaya at buong pamilya kahit simple lang katulad ng pamilya namin."

"Sana nga..." sabi ni Joven.

"Dios Machivan sa inyong dalawa." ang sabi ng mayari.

"Thank you po." at saka kami lumabas ng bahay na iyon ni Joven.

Nagkatinginan kami ni Joven habang naglalakad. Hindi ko alam kung bakit siguro ay parehas kami ng iniisip...

Na kaming dalawa ni Joven... Hindi magiging katulad ng dalawang matandang mag-asawa sa bahay na iyon.... Kaming dalawa... Temporary lang.

Hapon naman kami nakasakay ng bangka pabalik sa mainland. Nagulat kami sa malakas na alon na tinatawid namin, may pumapasok pa sa loob ng bangka at nakakahilo ang pagewang nito kaya di ko mapigilan ang mapahawak nang mahigpit sa braso ni Joven.

Naramdaman siguro ni Joven na natatakot ako kaya inakbayan niyo at nikayap.

"Ang sweet naman ng honeymooners." ang biro ng tour guide sa amin.

"Natatakot kasi si Misis eh."

Salamat sa Diyos na sa kabila ng malakas na alon ay nakabalik kami ng matiwasay sa port.

"Hilong-hilo Misis niyo Sir ha." ang sabi ng mga kasama namin sa bangka dahil nakakapit pa rin ako ng mahigpit kay Joven habang naglalakad kami sa Port.

Ngumiti si Joven at inalalayan ako sa pagsakay ng van.

"Sir, umiinom po ba kayo?" ang sabi ng tour guide.

"Medyo, bakit may ipapatikim ba kayo sa aking local wine niyo?"

JOVEN

Sa dining area ng Villa nilabas ng tour guide ang pinagmamalaki nilang Arius wine. Local wine ng Batanes.

"Malakas ba ang tama nito?" ang tanong ko sa kanila ng binibigyan nila ako ng shot.

"Depende kung malakas kayong tamaan Sir."

Ininom ko ang isang shot, "Uy, masarap ha." at inalok ko si Lizette, "Gusto mong tikman?"

Uminom din si Lizette, "Sarap nga."

Binigyan pa nila kami ng ilang shots at nang medyo parang nahihilo na ako ay tumigil na ako, "Brad, tama na. May amats na ata ako."

Napatingin ako kay Lizette, patuloy pa rin ito sa pag-inom. HIndi ko naman iniexpect na malakas pala sa inuman itong napang-asawa ko. Akala ko naman kasi puro trabaho lang ang inatupag niya sa buhay.

"Isa pa..."

"Lizette awat na, tinamaan ka na."

"H-hindi okey lang yan..."

"Lizette tama na." binuhat ko si Lizette upang ipasok na siya sa Villa namin dahil mukha talagang may tama na siya... Wala na kasi siya sa sarili niya.

"Uy, gusto ko pang uminom... Nakakainis ka naman eh."

Ibinaba ko siya at inupo sa kama, "Lizette, tama na. Mabilis ka palang malasing pambihira ka."

"Pambihira ako? Ikaw ang pambihira! Anong ginawa mo sa akin?"

"Anong ginawa ko sayo?"

"Ginagayuma mo ba ako?"

"Hanggang nga ngayon sinusupladahan mo pa rin ako tapos sasabihin mo ginagayuma kita."

"College pa lang tayo ginagayuma mo na ako... Nilalabanan ko lang yung bisa ng gayuma mo."

Natigilan ako. College pa lang kami? Anong ibig niyang sabihin?

"Yung kabaitan mo maslalo na yung mga yakap mo... Nakakagayuma yun."

"Anong ginayuma kita nong college?"

"Una pa lang kitang nakita non sa block section natin... Pagpasok mo pa lang sa room natin non... Ginayuma mo na ako. Napatingin na ako sayo... Hindi ko alam kung bakit."

"Una pa lang nakita..." nong time na yun kaklase ko nga si Lizette, pero hindi naman ako attracted pa sa kanya non.

"Maslalo na nong sa fire exit non. Dito..." at itinuro niya ang puso niya, "Nahuli mo ako rito... Tagos na tagos..."

Pero bakit nya ako binasted at naatim na ipahiya sa ibang tao.

"Sorry ha. Kahit nakukuha mo na ito... Matigas ito eh... Pero sa totoo lang... Nakakaadik ka." ang dagdag pa niya, "Adik na adik ako sayo."

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Nasa tamang pag-iisip ba siya. Bukas kaya maalala niya ang mga pinagsasabi niya sa ako ngayon.

Pero bahala na... Ang importante nalaman ko ito...

"Joven... Binibigyan kita ng permit... Lets make love..."

Hindi ko na kayang palampasin pa ang pagkakataon.

Hinablot ko ang batok niya upang halikan siya.

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon