"J-joven... ahhh..."
Ang ungol niya habang hinahagkan ko ang leeg niya.
Parang lumabas lahat ng kawalang hiyaan sa katawan ko.
Siguro ay dahil sa ilang buwan na din kaming nakafocus kay Lionne kaya ganito na lang ang kasabikan na nararamdaman ko.
Sandali akong tumayo upang hubarin ang pants ko nang...
"Joven wait..."
"Ha?"
"Baka masundan natin agad si Lionne."
"Eh ano naman..." natigilan ako.
Yung usapan... for sure yun ang naalala niya.
Biglang parang may dumaan na malamig na hangin between us hanggang sa mawala lahat ng init na nararamdaman ko kanina.
Inayos ko ang pagkasuot ko ng pants ko at nahiga sa kama.
"Tama ka matulog na nga lang tayo."LIZETTE
"Happy Birthday Lionne!" Ang sabi ng mga bata pagkatapos nilang kantahan ng birthday song ang anak namin ni Joven.
"Mga kids kumain muna tayo ha tapos ipagpatuloy natin mamaya ang birthday party ni Lionne." Ang sabi ng host kaya umupo ang mga bisita at nagstart ng kumain.
"Kumain ka muna." Ang sabi sa akin ni Joven habang karga si Lionne, "Ako na muna ang bahalang dalhin ang mga anak mo sa mga bisita."
"Thanks ha. Ito ko kasi sila Diana wala pa. Nagwoworry ako, baka naligaw yun."
"Parating na yung mga yun. Sige asikasuhin muna ni Baby ang mga bisita niya." At nagpunta nga ang mag-ama sa bawat table upang kamustahin ang mga bisita.
Tinawagan ko si Diana dahil nagwoworry na ako sa kanila, "Diana asan na ba kayo?"
"Mam andito na kami." At nakita kong kumaway si Diana kasama ang iba naming kasamahan sa trabaho.
"Hello Madam." Ang bati sa akin ng mga staff ko.
"Buti nakarating na kayo. Sige maupo muna kayo."
Umupo ang mga kaofficemates at nagsimula ng kumuha ng pagkain.
"Diana naligaw ba kayo?"
"Naku Madam pasensya na, meron lang kasing makulit na nagpumilit na sumama."
Napakunot ako ng noo, "Sino?"
"Happy birthday to your son Mrs Jacinto." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Atty Marie Masinlac.
"Attorney, you are here."
"Katulad nang ibinilin mo kay Miss Diana, after the first birthday of your son."
"Attorney, parang wrong timing naman ata. Nagpaparty kaming pamilya."
"Right timing lang Mrs Jacinto. Kasi katulad nang napagusapan natin bago kayo ikasal, your annulment needs a story... a long term plan para maapprove ng korte. If we will start talking about it now mangyayari agad ang hiwalayang gusto mo."
Napatingin ako kay Joven.
Nakatingin siya sa amin ni Attorney. Mukhang nagigets nya na ang pinaguusapan namin.
"Kumain ka muna Attorney, after the party magusap tayo kasama ang asawa ko."
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...