What the hell! At saan naman ako kukuha ng lalaking magiging asawa ko. Ayokong mag-asawa! I dont want to be attached in any relationships dahil balakid lang yan sa pangarap ko na maging pinakamagaling na Presidente ng DLR. Kainis! Bakit pa kasi may retirement eh! Pwede bang ako na lang ang Presidente ng DLR forever.
"Madam." ang sabi ni Diana, "Iniregister ko na po ang name niyo sa Blinddate.com."
"Kailan... Kailan may sasagot sa akin."
"Madam depende po."
"A-anong depende?"
"Depende po kung may magkakainteres sa inyo."
Inayos ko ang suot ko, "For sure naman yun di ba? Maganda ako, matalino, achiever and most of all I am Lizette dela Rosa, the President of DLR. For sure maraming lalaking gustong pakasalan ang isang tulad ko."
Napakamot ng batok si Diana, "Ah eh yan kung...."
"Dont tell me they will not like me for that's so impossible. Im almost perfect."
"Sabagay Madam, iba-iba naman ang taste ng lalaki rito sa mundo. Malay nga natin may magkamaling magkagusto sa inyo."
Napataaas ang kilay ko sa sinabi ni Diana. Nagkamali? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ako kagusto-gusto?
"What? At bakit siya magkakamali na magkagusto sa akin. ANg swerte nga niya dahil kung magkataon napakagandang isda ang mabibingwit nya."
"Eh kasi naman po Madam, ito po kasi yun, ang mga lalaki may ego po. Kalimitan ng lalaki natatakot sa mga babaeng katulad niyo... Na almost perfect."
"Ganon?" ang sabi ko. Kaya ba kahit anong papuri ng ibang tao tungkol sa akin ay walang nanligaw sa akin... Anyway maliban sa isa.... During my teen days.
"Basta, maghihintay ako, maghihintay ako na may magyayang makipag-date sa akin."
Lumipas ang limang araw.... Sampu... Isang buwan... Na naging dalawang buwan... Hanggang sa naging anim na buwan. Walang nagresponse sa blinddate.com ko.
Im already losing hope at ang mas nakakapagpapressure pa sa lahat eh yun araw-araw akong kinukulit ng parents ko tungkol sa pag-aasawa at pagkakaanak.
"Madam!" muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong kape nang biglang pumasok si Diana sa kuwarto ko at nagtitili.
"Madam! Papurihan natin ang Diyos Madam. Ang bait talaga ni Lord! Alleluia!"
"Ano bang..."
"Madam, may nagyaya nang makipagdate sa inyo."
"Date? Sa akin?"lumakas ang tibok ng puso ko at halos mapaluhod ako sa kaligayahang nararamdaman ko, "Thank you Lord."
Mr. George Griego, thirty nine years old, engineer at higit sa lahat bachelor. Yun nga lang wala siyang pic sa profile niya, ang daya naman pero okey lang ang importante he is inviting mo for a date. I dont think that physical features matters, ang importante he is willing to marry me and give me a child.
Pinaayos ko ang magiging date ko kay Engineer Griego kay Diana, mula sa perfect restaurant kung saan kami magdidate hanggang sa total make over ko.
Gusto ko maging super ganda ako para di makatanggi si George sa alindog ko.
Bumaba ako sa restaurant kung saan nagpareserve si Diana. Sabi ni Diana isa itong bagong restaurant na I must try.
Okey, mukhang bago nga, maganda ang kanilang mala cowboy/ country side ambiance at mukhang masarap ang mga rib steak nila rito.
"AKo yung guest na pinareserve ni Diana Pineda." ang sabi ko sa waitress na sumalubong sa akin.
"Madam Miss Diana reserved for two, wala pa po ba ang kasama niyo?"
"Am..." tinignan ko ang paligid. Nasaan na kaya ang George na yun, dapat naman kasi naglagay siya ng profile pic niya para may clue man lang ako kung paano ko siya makikilala.
"He's on the way." kunwaring tinignan ko ang phone ko, "Am, malapit na raw siya at hintayin ko na lang daw siya sa loob."
"Sige po Mam." sinamahan ako ng waitress sa table na pinareserve ni Diana. And like my instruction maganda ang pwesto na yun. Medyo malayo sa ibang customers na kumakain, maganda ang ventilation, cozy at higit sa lahat mabango... Ang pinakaimportante sa lahat.
Good job Diana!
Lumipas ang thirty minutes... Wala pa ring George Griego na lumapit sa akin. Naglalaway na ako sa rib steak na nakikita kong inoorder ng mga nasa kabilang table. Napahawak ako sa tiyan ko, sumisigaw na ito ng gutom.
"Mam, are you okey?"
"Yah, I'm nagtext lang yung ka-date ko, traffic lang daw."
"Gusto niyo na po bang iserve na namin yung foods niyo?"
Napahawak muli ako sa tiyan ko, I cant deny it. Im very hungry!
"Yes please."
Tumango naman ang waitress at ilang sandali ay dinala na nila sa table ko ang steak.
Hmmm... Not bad... Malambot ang karne, malasa ang ingredients nya and the gravy is so delicious. Ang sarap nga ng steak dito.
Nagblurp na ako sa sarap ng steak nila pero wala pa ring George Griego na lumalapit sa akin. Baka naman... Niloloko lang ako ng lalaking yun... Baka naman walang George Griego na nageexist sa mundong ito. Oh my! I think naloko ako, sinubukan ng manlolokong yun kung talagang seryoso ako sa pakikipagdate and maybe... He is just around pinagtatawanan ako dahil mukha na akong desperadang tanga na naghihintay sa kanya.
This is so embarassing!
"Excuse Mam?"
Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin.
"Ikaw?"
"Ikaw?" ang sabi rin niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" sabay naming natanong sa isa't isa.
"Wait. Dont tell me, you are George Griego?"
Ngumiti siya sa akin. Oh no! This cannot be!
George Griego is Joven Jacinto... Ang dati kong manliligaw!
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomansaTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...