JOVEN
Pagkagaling ko sa mansion ng mga Dela Rosa ay tumuloy ako sa Culinary School kung saan nagtuturo doon ang isa sa pinakamagaling na chef sa Pilipinas na si Chef Jon Jacinto.
"For our final output, lets put the fried white onions on the side and the dip. And that's it!" nagpalakpakan ang mga estudyante niya, "Let's start our food tasting."
Nagpuntahan ang mga estudyante at sinimulang kainin ang kanyang signature na Roasted Chicken ala Jacinto.
Nakita ako ni Papa sa pintuan ng kitchen classroom nila kaya inalis niya ang kanyang apron at lumapit sa akin.
"Napadaan ka?"
"May hinatid lang ako then naisip ko lang dumaan dito." ang sabi ko sa kanya.
Pinaupo niya ako sa isang mesa doon at pinagtimpla ng kape sa cofee maker.
"Hinatid? Bakit may girlfriend ka na?"
Ngumiti ako kay Papa. Kahit hindi naman talaga sa ngalan ng pagkukunwari ay kailangan panindigan kong may girlfriend na nga ako, "Yes."
"Sino? Gaano na katagal yan?"
"Days pa lang Pa. Ah schoolmate of mine noong college."
"Hindi naman si Weng-weng yan?"
Umiling ako.
"Sino ba yan?" ang tanong ng Papa ko habang humihigop siya ng kape.
"Its Lizette. Lizette dela Rosa."
At nabuga ng Papa ko ang kape niya, "That girl! Langya! Binalikan mo yung babaeng yun?! Eh di ba kasumpa-sumpa yung ginawa non sayo nong college ka. Pinahiya ka niya sa buong University tapos sasabihin mo sa akin ngayon na kayo na?"
"Eh Papa, mahal ko pa rin eh."
"Anak naman!" tumayo si Papa. Nong time kasi na binatsed ako noon ni Lizette ay nakita ni Papa kung paano ako nalungkot sa mga pangyayari. Ayoko na ngang pumasok sa school noon dahil sa kahihiyan.
"Im sorry Pa, ganon talaga eh. Mahal ko. Sana matanggap niyo si Lizette para po sa akin."
Pambihira nga naman. Akala mo kung magsalita ako tunay na pinaglalaban ko itong si Lizette sa Tatay ko. Paano na kung malaman ng Papa ko na ang relasyon namin ni Lizette ay may expiration date? Panigurado baka sumpain niya ng tuluyan ang babaeng yun!
"Why do I need to meet your father?!" ang tanong sa akin ni Lizette sa phone.
"Alangan namang ikaw lang may karapatan ipakilala ako sa pamilya mo. May pamilya rin ako at ayokong biglain siya na magpapatali ako sayo ng isang taon. Saka di ba gusto rin siyang makilala ng pamilya mo?" ang paliwanag ko sa kanya ng nayamot ako sa tono ng pananalita niya na parang nagrereklamo siya.
"Okey fine. I will meet your father."
"Oo nga pala. Oorient muna kita bago kayo magkita ng Tatay ko. Ang totoo niyan, di pa rin nakakamove- on ang tatay ko sa panghihiyang ginawa mo sa akin noon."
"What?! Eh anong gagawin ko?"
"Sabi ko naman sa kanya nagbago ka na." ang sabi ko kay Lizette, "Hindi ka na yung dating Lizette dela Rosa na masungit, suplada o sobrang maldita. Isa ka ng mahinhin, sweet at dalagang Pilipina."
"And did he believe you?"
"Siyempre hindi." dahil sabi ni Papa imposible na raw magbago ang ganong tao na may ganong kalalang ugali. "Kaya nga magpa-impress ka sa Papa ko. Magpakasweet ka, magpakahinhin na parang di makabasag na krystal."
"Ang hirap naman non. ANg hirap naman ng standards ng Papa mo."
"Pwes kayanin mo kung gusto mo pang matuloy ang kasal na ito."
"I will think of it. Maybe I will try my best." ang sagot niya sa akin.
s3p3JZa#
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...