LIZETTE
"HIndi po kami titigil hanggang di niyo ibinabalik sa kanilang mga pwesto ang mga empleyadong pinagtatanggal niyo. Dadalhin namin sa korte ang kasong ito." ang sabi ng President ng union sa akin.
Hindi ako makapagsalita sa harapan ng union na iyon. Ang dami nilang demands ang daming reklamo... Di ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa kanila at sa magiging kalagayan ng DLR.
"Ang problema sa inyo iniisip niyo lang ang ikaangat ng kumpanya niyo at hindi ang kalagayan ng mga tao niyo. Anong klase kayong Presidente? Nakausap rin namin ang Papa niyo kahit siya nagulat sa pinagkakagawa niyo." dagdag pa ng union, "Hindi ganyang ang pamilya niyo Madam. Maayos kaming pinakatunguhan ng Lolo at ng mga magulang niyo, kaya nga madaming empleyado rito ang hindi na piniling umalis sa kumpanya niyo dahil mabuting trumato ng mga tao ang pamilya niyo."
Napapikit ako...
Im feeling so weak...
And now nararamdaman ko na kung gaano na naman kadisappoint ang family ko maslalo si Lolo sa ginawa ko sa DLR.
Malamang makakarinig na naman ako ng sumbat sa kanya.
"Anong gagawin niyo ngayon Madam?"
Ang totoo hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
"Im sorry." lumabas ang salitang yun sa bibig ko. "Let me handle this case and I will talk also to my family regarding this. Asahan niyo na magpapatawag ako ng another union meeting for this."
Dapat sa ngayon lumilipad kami ni Joven patungong Amerika... Pero heto ako ngayon lumilipad ang isip, ang utak sa malaking problemang hinaharap ko.
"Madam, nauna na po ang Mister niyo sa mansyon. Malamang hinihintay na po kayo non don. Baka pinagluto pa po kayo ng masarap na pagkain. Masarap po magluto ang asawa niyo." ang sabi ng driver sa akin.
Hindi ko alam kung mafifeel ko pa ang buhay may asawa sa sitwasyon ko ngayon maslalo pa kanina na nagkasigawan kami. For sure galit sa akin yun.
Pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong ako ni Joven.
"Kamusta? Nakausap mo ba yung presidente ng union? Hows the talking?"
Tama si Manong driver, hinihintay ako ng asawa ko.
"Ipinagluto na kita ng hapunan."
Tama muli si Manong driver na ipinagluto niya ako ng pagkain.
Tumango ako kay Joven at nagpunta sa dining room dahil nagugutom na rin naman talaga ako.
"Lizette..."
Nagulat ako nang kinuha niya ang isang kamay ko.
Lumapit siya sa akin at saka niya ako niyakap.
Natulala ako sa ginawa niya. Bakit di sinabi sa akin ni Manong Driver na yayakapin ako ni Joven... Nagulat tuloy ako.
Hindi ko alam kung may magic ang mga yakap na yun dahil I feel comfort in his arms.
Sa sobrang comfort ay di ko tuloy mapigilan na gumanti rin ng yakap sa kanya at di ko pa rin mapigilan ang umiyak sa mga balikat niya.
Its been years nang huli itong mangyari sa akin with the same person, Joven Jacinto. Hindi ko talaga alam kung bakit I feel comfort sa tuwing malungkot ako at katabi ko siya.
Like when I was in college at nahuli niya akong umiiyak sa hagdan at inabutan niya ako ng panyo.
Talent kaya talaga niya ang magbigay ng pakiramdam sa tao.
Kung talent nga niya... Maswerte ako dahil kasama ko siya.
"Im sorry kung naging pakialamero ako kanina." ang sabi niya sa akin.
"Im sorry din kung napag-initin kita ng ulo." ang sabi ko sa inyo, "Joven... Favor please..."
"Ano yun?"
"Im feeling so weak right now... Yakapin mo pa ako ng matagal."
After niya akong pagbigyan sa five minutes more pa na yakap at pinakain ng hapunan ay nagtungo kami ni Joven sa meeting room ng mansion kung saan naghihintay ang pamilya ko.
"Am, hinatid ko lang po si Lizette, lalabas na po ako." ang sabi ni Joven sa pamilya ko.
"No Joven." ang sabi ni Lolo."Parte ka na rin ng pamilyang ito kaya you must heard this."
"Pero Lo, tungkol po kasi sa DLR yan." ang sabi ni Joven.
"Kahit na. Ang asawa mo ang may problema." ang sabi ni Lolo kaya tumabi si Joven sa tabi ko.
"Akala ko you are going to be the best President of DLR. Eh ano yang ginawa mo?" ang sabi ni Lolo sa akin.
"Im sorry, I made a poor decision." ang sagot ko.
"Papa, wag na tayong magsisihan at sumbatan pa ang apo niyo. Lets just fixed this problem."
May nilabas na papel si Lolo at ibinigay yun sa akin, "Present this to the union."
"Anak, ibalik natin yung mga taong ni-lay off mo and then yung mga ayaw namang bumalik bigyan natin sila ng magandang early retirement package." ang sabi ni Mama.
"Salamat po."
"Wag mo kasing akuin ang lahat ng mag-isa ka lang." ang sabi ni Lolo, "Humingi ka ng tulong sa amin. Pakinggan mo ang opinyon namin dahi matagal na kami sa industriyang ito. May kasama ka at hindi ka nag-iisa maslalo na ngayon na andiyan na si Joven sa buhay mo."
"Sorry po ulit at salamat po rito." ang sabi ko sa pamilya ko.
"Ano okey ka na?" ang sabi ni Joven nang makapasok na kami sa kuwarto namin.
"Oo." humiga ako sa kama at saka naman humiga si Joven sa sofa ng kuwarto katulad ng ginawa namin sa suite ng hotel.
"Matulog ka na. Sweet dreams."
Pinagmasdan ko siya habang natutulog siya sa sofa.
Kung matutulog siya sa kama ko.. Mayayakap niya ako... Mamimiss ko ang yakap niya. Eh bakit ba parang naaadik na ako sa mga bisig niya?
"Lizette anak."
Nagising si Joven nang marinig ang boses ni Mama na kumakatok sa kuwarto namin.
Agad siyang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga at tumabi sa akin sa kama.
Tumayo naman ako at pinagbukas ng pintuan si Mama.
Nagpanggap na tulog si Joven na nakahiga sa kama ko.
"Naistorbo ko ba kayong mag-asawa?" alam ko kung anong iniisip ng Mama ko.
"Hindi naman po Ma, nakatulog na nga po si Joven eh." ang sagot ko.
"Im just checking kung kumportable ba kayong mag-asawa dito."
"Okey naman Ma, no problem." ang sagot ko.
"Sige goodnight anak." at saka isinarado ni Mama ang pintuan.
Nang bumalik ako sa kama ko ay saka tumayo naman si Joven.
"Katait na tayo ron."
"Joven wag na." ang sabi ko sa kanya.
"Huh?"
"Dito ka na lang sa tabi ko."
"P-pero... Sigurado ka... Di ba... No touch?"
"Baka kasi may pumasok dito bigla sa kuwarto ko at mahuli tayong magkahiwalay na natutulog kaya dito ka na lang... Pero... No touch pa rin."
Ngumiti si Joven, "Katulad nang pinag-usapan hangga't di mo sinasabi sa akin walang mangyayari."
At ngumiti rin naman ako ng ngiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...