"I want you Lizette, kayo ni Baby Lionne."
Natulala ako sa sinabi niya sa akin.
"Sa pagsasama natin narealize ko, Lizette, mahal na mahal pa rin kita."
Boink!!!
Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip ko ang imagination na yun.
Okey! Lets go back to reality.
"I want to have a vacation with the Jacintos. Gusto rin kasing makita ng mga kamaganak ko si Lionne."
Natawa ako sa sinabi niya, "Asus, akala ko naman kung ano na. Wala naman sa pinagusapan natin na ipagdadamot ko sa pamilya mo yung bata."
"Eh iniisip ko baka ayaw mong mattach sa pamilya ko ang bata."
"Joven, maldita ako, pero sa pagiging tatay ng anak ko di ko kayang ipagdamot yun sayo. Mabait kang tao sabi nga ng mahadera kong sekretarya sana sayo magmana ng ugali yang anak mo."
Natawa siya, "Wish ko rin yun."
"So talagang masama ang ugali ko?"
"Ikaw ang unang nagbrought up na maldita ka." Ang sagot niya.
"Anyway kailan ba yang lakad niyo na yan?"
"Ikaw kung kailang weekend ka pwede."
Nagulat ako sa sinabi niya, "Kasama ako?"
"Oo naman. Bakit hindi ka ba Jacinto?"
Oo nga pala. Sa ngayon ako pala si Lizette Dela Rosa Jacinto.
"Oo nga." Ang sabi ko, "Im free this weekend."
Ngumiti siya sa akin, "Sige I will tell them."Sa isang Villa sa Tagaytay kami nagpunta kung saan overlooking ang Taal lake.
Buong maghapon naming di nahawakang mag-asawa ang anak namin dahil pinagpapasapasahan siya ng mga Tita at pinsan ni Joven.
Pero ang mahilig kumarga kay Lionne ay ang Papa ni Joven.
"Alam niyo dati tutol na tutol ako sa pagpapakasal kay Joven dito kay Lizette eh." Ang sabi ni Chef sa mga kamaganak niya.
Hinawakan ni Joven ang kamay ko siguro iniisip niya baka naoffend ako sa sinabi ng Tatay niya. Ayos lang naman yun, totoo naman. Its my fault naman kung bakit agad siyang natali sa akin.
"Pero nang lumabas ang apo ko, I realized thats the best decision that my son ever made kasi kung walang Lizette... walang Lionne."
Tapos napangiti ako. Wow! Best decision ever made. Sana di nga pagsisihan ni Joven ang lahat.JOVEN
"Joven, iniwan ko muna si Lionne sa sister mo ha. Gusto niya kasi siya muna ang magalaga maghapon sa pamangkin niya. Okey naman ang kapatid mo di ba?" Ang sabi ni Lizette pagpasok niya sa kuwarto namin.
"Sanay naman sa bata yun. Laging nagmimission sa mga orphanage yun. Dont worry about her."
Tumabi sa akin sa kama si Lizette at kinuha ang kumot.
Ang ganda-ganda ng Villa na ito...
Ang ganda ng ambiance...
Ang bango-bango...
Tapos ang Misis ko...
Napakaganda...
Parang trip kong makaisa.
Pwede kaya?
Dinikit ko ang katawan ko kay Lizette at niyakap ito.
"Tulog na." Tinapik niya lang ang braso ko.
"Baka pwedeng mag-ask ng permission..."
"Joven ano ba.."
Baka pa siya makatanggi ay agad ko nang hinawakan ang mukha niya at hinalikan siya.
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
عاطفيةTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...