22- LIZETTE

681 14 1
                                    

LIZETTE

Hay salamat. I call off the day.

I finished my scheduled meetings smoothly.

Na-accomplish ang dapat iaccomplish.

Its all done.

Umupo ako sa swivel chair ko napapikit.

Nakakapagod. I want to take a nap.

Hinawakan ko ang tiyan ko.

"Magrerest muna si Mama anak ha."

Papikit na ako nang biglang nagring ang phone ko.

Si Joven.

Hay akala ko pa naman after 5 hours na di siya nagtitext at tumatawag ay tuluyan na siyang di mangungulit sa akin.

Sinagot ko ang phone ko, "Hello Joven, ang kulit mo na naman. Di ba sabi ko sayo Im okey dont worry about me."

"Lizette... may sasabihin ako sayo..."

Kinabahan ako sa tono ng boses niya, "A-ano yun?"

"Andito si Weng. Nakacheck in din siya sa hotel namin."

Napaupo ako ng tuwid. Shet that girl! Is she stalking my husband?

"T-talaga? Oh wow. Eh bakit daw siya andiyan?"

"Sinasamahan niya yung British Chef niya na kaibigan na speaker dito sa conference."

"Ah... oh... I see..."

"Ayos lang ba sayo?"

Ang tanong niya sa akin.

"Luluwas na lang ako diyan at di ko na tatapusin ang conference."

"No. Andiyan ka na. Dont worry about me. Im fine with it." Ang sabi ko.

"Okey lang ba talaga sayo?"

I wish I can say Im not okey... Im not fine with it... Im afraid of Weng.

Pero I cant...

During college

"Alam mo ba mukhang si Weng at Joven na." Ang narinig ko non habang nasa loob ako ng cubicle ng girls CR.

"Hindi nga. Gosh, natauhan na si Joven kay Lizette kaya pinatulan na niya yang si Weng na matagal ng nagpapacute sa kanya."

"Siguro nga. Kung di nga naman siya kayang mahalin ng taong mahal niya eh di doon na nga siya sa taong nagmamahal sa kanya."

"Di naman kasing ganda at talino ni Weng si Lizette pero pagdating naman sa ugali mas okey naman siya kesa kay Lizette."

"Oo naman noh. Di mahirap mahalin yang si Weng."

Hindi ako makapaniwala...na isang Weng na maitim ang kili-kili ang ipagpapalit niya sa akin.

Its just a rumor, pwedeng hindi yun totoo. Hindi yun totoo... hindi niya ako ipagpapalit sa Weng lang na yun.

Naglalakad ako sa corridor ng school namin nang makarinig ako ng kaluskos sa ilalim ng hagdanan.

Napasilip ako sa ilalim na iyon.

"Baby..."

Familiar ang boses na iyon sa akin.

"Wala namang tao eh."

"Kahit na."

"Isang saglit lang."

"Saglit lang ah."

"Promise saglit lang."

Dahan-dahan kong sinilip pa ang ilalim ng hagdanan na iyon.

At doon ko nakumpirma ang lahat.

Si Joven nakaupo siya habang nasa kandungan niya si Weng at naghahalikan sila.

Napatakip ako ng bibig at napaatras.

Hindi ako makahinga...

"I love you Baby." Ang narinig ko pang sinabi ni Joven kay Weng.

Nanginginig na ang gilid ng aking mga mata kaya umalis na lang ako sa lugar na iyon.

Paano kung at this very moment maulit uli ang lahat. Magrekindle sila ng sweet pasts nila? She might seduce him... maslalo na ngayon na ubod na siya ng ganda.

She might seduce and he might left me.

Tawagan ko kaya siya. Sabihin ko kaya sa kanyang Im not okey with it, Im not fine and Im afraid of Weng. Ano bang gagawin ko?

Agad kong kinuha ang celphone ko at tinawagan ko si Joven.

"Lizette." Pabulong ang boses niya, "Anong problema?"

Pinakinggan kong mabuti ang background niya... baka kasi may boses ng malanding babae.

"Where are you?"

"Nasa conference hall. May nagtotalk."

"May ireremind lang ako sayo. Idadagdag ko na lang sa kontrata natin."

"Ano yun?"

"You... you cannot commit adultery habang pinagbubuntis ko ang anak natin at habang hindi pa nagsisimula ang annulment process natin."

"Ah, o-okey." Ang sagot niya.

"Kaya... wag kang makipaglapitan sa mga malalanding babae riyan sa Cebu."

Narinig kong natawa siya sa kabilang linya. Shocks, nakakahiya, pinagtawanan niya ako. Mukha na ba akong paranoid na asawa?

"Noted." Ang sabi niya.

"Sige na." At saka ko binaba ang phone.

Napatakip ako ng mukha at di ko mapigilang mamula.

Eehhhh.... ang OA ko yata.... nakakahiya.

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon