25

743 15 1
                                    


JOVEN

Pinagmamasdaan ko ang pamilya ni Lizette kasama ang Papa at ang kapatid ko habang pinagpapasapasahan nila at pinagnamasdan ang anak naming si Lionne.
"Hay, akala ko hindi ko na maakay ng ganito ang apo ko sa tuhod." Ang sabi ng Lolo ni Lizette habang akay-akay ang apo, "A new breed of Dela Rosa and Jacinto of course."
Nakita kong ngumiti si Lizette. Nagtagumpay siya... nakita niyang natuwa ang Lolo at ang pamilya niya.
"Sana magaling din siyang magluto ng Paella de Jacinto noh." Ang sabi ng ina ni Lizette.
"Dont worry balae, kahit bata pa siya tuturuan ko na yang magluto." Ang biro naman ni Papa.
Tumingin sa akin si Lizette at hinawakan ang isang kamay ko, "Can we talk for a while?"
Tumango ako, nagpaalam kami sa mga magulang namin at lumabas muna kami ng mansion.
"Thanks. They are satisfied." Ang sabi ni lizette, "Yung mga ngiti ng pamilya ko... maslalo na si Lolo. Ang tagal kong pinangarap yan. Feeling ko ngayon, they are grateful for me." Ang maiyak-iyak niyang sinabi.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya, "You dont have to say thank you. Ako pa nga dapat ang magpasalamat sayo kasi... mahirap din kayang magbuntis pero nilabas mo pa rin siya sa mundong ito. Nilabas mo ng maayos sa mundong ito ang anak natin."
Ngumiti siya tapos yumuko siya.
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Para bang may gusto kaming sabihin sa isa't isa pero di naman masabi.
"P-paano pala yung..."
Natigilan ako. Kung wag ko na lang kayang ipaalala sa kanya yun. Okey naman kami eh. Masaya naman kami.
"Anong paano pala?" Ang tanong niya sa akin.
"Paano pala yung bata kapag nasa office ka na. Yung breast feeding?"
Natawa siya, "Bago ako umalis from office maglalabas muna ako at ireref yun. Ayoko rin kasing magkulang sa nutrisyon yung anak natin kahit nagwowork ako."
Tumango ako, "Pwede pala yun."
Eh tayo bilang forever... pwede rin ba?
"Yung tungkol pala sa..."
Tapos natigilan siya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa pagkuha natin ng Yaya sa bata. Am nagvolunteer si Manay Ine na siya na lang daw. Parang gusto ko na rin kasi tiwala ako kay Manay."
"Ah yun lang ba. Di napagusapan naman natin na yan na si Manay Ine na lang ang magaalaga sa bata."
Napakamot siya sa kanyang ulo, "Oo nga pala."
"Lizette! Joven! Mukhang kailangan ng palitan ng diaper ng anak niyo!" Ang sabi ni Mama, "Kayo ang magpalit para matuto kayong mag-alaga ng baby niyo."
"Sige po." At sabay kaming pumasok muli ng mansion.

LIZETTE

"Ay ang cute cute talaga ni Baby Lionne." Ang sabi ni Diana habang pinapakita ko sa kanya ang mga pics ni Lionne sa CP ko, "Sana magmana sa Tatay, mabait."
Napataas ako ng kilay, "So gusto mo talagang masisante sa trabaho sa sinabi mong yan."
"Joke lang naman Madam. Sana rin naman magmana sa inyo ng ... talino, katapangan at higit sa lahat may dedication bilang tagapagmana ng Dela Rosa Group of Companies."
"Yan, umayos ka ha." At saka ko naman tinignan ang pictures ng anak ko.
"Eh Madam, matanong ko lang, kailan ko po ipapatawag si Attorney?" Ang tanong ni Diana.
"Attorney? Bakit mo tatawagin si Attorney? May kaso ba tayo?" Ang tanong ko sa kanya.
"Madam ang ibig sabihin nakalimutan niyo na?"
Natigilan ako. Si Attorney.. . Para sa annulment ni Joven.
"Yah si Attorney. Hindi ko naman nakalimutan yun kaya lang..."
"Kaya lang ano Madam? Nainlove na kayo?"
"Hindi noh. I mean, tatlong buwan pa lang ang anak namin ang pangit naman kung hiwalayan na agad. Baka isipin ng pamilya ko kaya ako nakisama kay Joven dahil gusto kong magkababy. Palampasin siguro natin muna ng ilang araw or ilang buwan. After a year, hayaan na muna nating mag isang taon si Lionne."
"Eh sige po, sasabihin ko kay Attorney. Kasi naman po nong naka maternity leave kayo lagi po akong kinukulit sa CP ko. Eh kailan niyo daw kakailanganin ang serbisyo niya."
Napabuntong hininga ako.
I think kaunti ang mga magasawa naghihiwalay ngayon kaya nangungulit ang abugadong yun.
"Sabihin mo na lang sa kanya after a year. Magaalaga muna kami ng bata."

"Lionne, baby, andito na si Mommy." Ang sabi ko pagpasok sa mansion at naubutan ko ang baby ko bitbit ng Tatay niya.
"Napapaaga ang uwi natin. Akala ko ba gusto mong maging the best CEO ng DLR?" Tanong sa akin ni Joven nang kinuha ko sa kanya ang bata.
"Eh may baby eh, saka na muna na yang CEO na yan, best mommy muna eh. Saka teka ikaw din kaya ang aga mong umuwi Mr. Chef?"
"Eh sa baby din saka gusto kong ipagluto ng masarap na pagkain yung nanay ng anak ko."
Napangiti ako, "Talaga pinagluto mo ako?"
"Nakaahin na sa mesa."
Bitbit si Baby ay nagpunta kami sa mesa kung saan nakaahin ang masarap na Paella de Jacinto.
"Wow, Lionne look oh, ang sarap ng niluto ni Daddy sa atin."
"Uy, Lizette akin na muna yung anak mo para makakain na muna kayong mag-asawa sabi ni Manay Ineng at saka ko inabot sa kanya ang bata at lumabas sila ng dining room.
Pinaglagyan ako ni Joven ng Paella sa plato at nang matikman ko ang niluto niya grabe walang pinagkaiba yun sa luto ng Papa niya.
"Alam mo Joven tama si Mama eh dapat kahit bata pa si Lionne ituro mo na sa kanya itong specialty niyong pamilya."
"Para kahit wala na ako matitikman mo pa rin ang Paella namin."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Ammm..." tapos ningitian ko siya, "Ikaw talaga."
"Mapapatawad mo ba ako kung sisirain ko ang pinagusapan natin?"
"Alin don?" Ang tanong ko sa kanya.
"I want you Lizette

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon