LIZETTE
"Uhmmm..." pagkamulat ko nang mga mata ko ay natagpuan ko si Joven na mahigpit na nakayakap sa akin, "I miss you." ang sabi niya sa akin at saka hinalikan ang noo ko.
Anong klaseng Lizette ako? Bakit ko siyang hinayaang yumakap sa akin ng ganito? Hinayaan ko siyang halikan ako, hawakan ako nang ganito? Hindi ito ang usapan namin nong una pero bakit ako yata ang unang bumibigay?
Or kaya ito nangyari dahil kay Weng-weng?
GUsto kong ipakita sa kanya that Im still better than her kahit pa may nangyari sa kanila sa Cebu.
Dahan-dahan ko inalis ang mga kamay nya sa akin at kinuha ang kumot para ipangtakip sa katawan ko.
Dinampot ko ang tuwalya sa isang silya at saka ako pumask ng bathroom upang maligo.
Habang tumatagal nagiging halata na yata ang lahat... Ang lahat ng nararamdaman ko... Ang lahat ng itinatago ko.
Pagpasok ko non sa classroom ay tumambad sa table ko ang isang panyong pangbabae.
Kinuha ko yun at tinignan, "Sino mayari ni.." natigilan ako nang makitang may sulat pala sa ilalim ng panyo na iyon. Kinuha ko ang papel ang binasa ko nakalagay don.
That it incase na umiyak ka at wala ako sa tabi mo... J J.
Napangiti ako. Pa-JJ pa siya eh alam ko namang si Joven Jacinto siya.
Hinawakan ko ang panyong iyon and for 24 hours.... hindi ko siya binitawan. Its like Im holding on with that JJ for almost 24 hours.
Pagpasok ko sa school ay nakasalubong ko si Joven.
Huminto siya sa paglalakad nang makita niya ako sa lobby.
"Thanks for this." Ang sabi ko sa kanya nang pinakita ko ang panyo.
Ngumiti siya sa akin, "Ayos ka na ba?"
Tumango ako sa kanya.
"Good. Am... Lizette, nagmeryenda ka na ba? Gusto mong kumain?"
"Sure treat ko." Sabi ko sa kanya, "Libre ko para sa panyo na binigay mo sa akin."
"Manlilibre ka para sa panyo, eh mura lang yan. Ako na, sagot na kita."
"Bahala ka."
At sabay kaming nagpunta sa canteen ng araw na iyon.
We talked anything that time, school, family and...
"May boyfriend ka na ba?" Nagulat ako nang bigla niyang tinanong sa akin yun.
"Why are you asking?"
"Nag-iingat lang. Tayo lang dalawa dito baka may makakita sa atin at isiping nagdidate tayo pagselosan pa ako."
"Dont worry walang magseselos."
"Weh sa ganda mong yan."
"Wala nga. FYI aside from my family ikaw lang ang lalaking nagsabing maganda ako."
"Maganda ka naman talaga. Nahihiya lang yung mga yun kasi Dela Rosa ka. Saka alam nilang palaaral ka at sobrang tahimik. Para kasing mahirap kang kausapin at mahirap magreach out sayo. Kung siguro hindi nangyari yung sa Fire Exit hindi rin kita makakausap ngayon."
"Thanks Joven. Kasi di ka nagdalawang isip na icomfort ako sa Fire Exit."
Kinabukasan ay pumasok ako sa classroom na may nakalapag na nachocolates sa lamesa ko.
"Wow ang sweet!" Ang sabi ng mga iba kong kaklase nang makita ang tsokolate. J cocoa ang pangalan ng chocolate. Isang special chocolate na gawa ni Chef Jacinto.
Binuksan ko ang chocolate at kumagat ron. Grabe ang sarap! Purong cocoa! Dinaig ang mga Swiss Dark Chocolates.
Sa wrap ng chocolate ay may nakasulat don at binasa ko iyon.
I hope that this chocolate you will give you happiness. JJ.
Napangiti ako. Yes indeed.
Hanggang sumapit ang February 14, alam ko may inihanda si Joven at di naman niya ako binigo nasa kalagitnaan kami ng klase nang kumatok ang isang janitor sa room namin.
"Ano yun?" Tanong ng prof.
"Mam, may bulaklak po para kay Miss Lizette dela Rosa."
Naghiyawan ang buong klase habang lumalapit ako sa janitor upang kunin ang bulaklak."
"Ang sweet naman ng boyfriend ng batang ito." Biro ng prof ko sa akin.
Ngumiti ako at binasa ang letter ni Joven.
Happy Valentines Day!
Sorry ha, hindi mo muna ako makakasama ngayong Valentines Day. Humingi kasi ng tulong ang Papa ko na tulungan ko siya sa Hotel dahil madami silang guests ngayon.
Bawi ako sayo bukas.
After class sa room 401.
Love, JJ.
Kahit wala ang prescence ni Joven ay halos naglulundag ang isip ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Ang saya-saya... masarap umibig... maslalo na sa isang lalaking katulad ni Joven Jacinto.
"They are so beautiful iha." Ang sabi ni Mama nang ipakita ko sa kanya ang mga bulaklak na Valentines gift sa akin ni Joven, "Dalaga na talaga ang anak ko at mukhang malapit na ring magkaboyfriend. Paalala ko lang sayo anak ha, kapag boyfriend mo na yang si Joven ipriority mo pa rin ang pag-aaral mo, wag kang magpapabuntis ng maaga."
Napakunot ang noo ko, "Of course mag-aaral ako ng mabuti at hinding hindi ako magpapabuntis hanggat di ako kinakasal. Ayoko atang madisappoint kayo sa akin noh, maslalo na si Lolo. Magiging Presidente ata ako ng DLR."
"Thats my girl."
Ilang sandali pa ay pumasok ng salas sina Papa at Lolo.
"Papa." ang sabi ni Mama kay Lolo, "Look oh dalaga na ang apo mo mag manliligaw na."
Napansin namin ni Mama na hindi ngumiti si Lolo.
"Wow ang ganda talaga ng anak ko. Mana sa Lolo niya magandang lalaki." Ang sabi ni Papa pero di pa rin ngumiti si Lolo.
"Paano ka magiging Presidente ng DLR kung nakikipagboyfriend ka habang nag-aaral." Ang sabi ni Lolo.
"Lo hindi ko naman..."
"Wag mong unahin ang mga kalandiang yan and focus in your studies. Yan ay kubg gusto mong patunayan sa akin na magiging magaling kang leader ng kumpanya natin." At saka tumuloy si Lolo sa kuwarto niya.
That evening... halos bumaha ng luha sa kuwarto ko.
Bakit ba ayaw ni Lolo na maging masaya ako?
Ang sakit-sakit... Im feeling broken.
Totally broken.
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016
RomanceTatanggapin mo ba ang isang alok na kasal mula sa taong matagal mo ng minamahal yun nga lang may kondisyon... Hindi yun forever. Lizette dela Rosa, siya lang naman ang nag-iisang heredera ng DLR group of companies. Isang babae na bukod sa kanyang st...