10

708 15 0
                                    


LIZETTE

Ang hayop na lalaking ito nagulat pa siya nang makita niya ao kausap ang ex niyang may maitim na kilikili... Noon.

"L-lizette, a-anong ginagawa mo rito?"

"I have my appointment with my OB. Eh ikaw, what are you doing here? Di mo naman sinasabi sa akin na may sakit ka. Eh di sana sinamahan pa kita rito, eh di sana naalagaan kita."

"Oh! Marunong ka palang mag-alaga?" ang sabi ni Weng, "Para kasi noon puro aral ka lang. Wala ka ngang pakialam kung lumuhod sa harapan mo si Joven noon eh."

Napalunok ako at napairap sa babaeng ito... Sinusubukan talaga niya ang kamalditahan ko.. Pwes ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kamaldita.

"Noon yun, pero iba na ngayon." at saka ko kinuha ang braso ni Joven, "I love him na. Anyway, hindi naman importante ang past ang importante yun ngayon at yung magiging future namin bilang husband and wife."

"Am... Lizette... Ang totoo niyan..." kinabahan ako sa sasabihin ni Joven, "Kami ni Weng, may usapan kaming magkikita at mag-uusap dito sa hospital."

Bigla akong napabitaw sa kamay ni Joven, "Anong dapat niyong pag-usapan ng retokadang babaeng ito?"

"Lizette calm down, may ibang tao." ang sabi ni Joven sa akin.

"Ano ha?! Makikipaglandian ka na naman dito tapos iiwan mo ako?"

"Lizette, mali ka ng iniisip."

"Eh anong gusto mong isipin ko?"

"Mahal kita!"

Napanganga ako sa sinabing iyon sa akin ni Joven.

JOVEN

Pagkauwi ko sa bahay namin after ihatid non si Lizette sa kanila ay nakatanggap ako ng phone call mula sa isang unknown number.

"Hello?"

"Hi." isang pamilyar na boses yun. "Hindi mo ako makikilala in person pero siguro naman sa boses maaa-identify mo na ako. Hindi naman nagbago ang boses ko."

"Weng-weng... Este Wendy ka na pala."

Natawa siya sa kabilang linya, "You can call me whatever you want, basta kung saan ka kumportpable, you can call me Wendy, you can call me Weng-weng or pwede ring Baby."

Natawa naman ako sa sinabi niya, "I can call you Wendy, I can call you Weng but I cant call you Baby. May girlfriend na akong iba."

"I know. SInong mag-aakala na after all these years makukuha mo rin ang gusto mo na magkatuluyan kayo ni Lizette. Its all my fault... Na sa akin ka na kasi noon.. Pinakawalan pa kita."

"Lets not rekindle the past Weng." ang sabi ko sa kanya, "Siguro magkaiba lang ang fate nating dalawa."

"Ang fate mo to be with your first love for the rest of my life while iba naman sa yung sa akin. Anyway tama ka naman, let us not rekindle the past, mahirap na baka di matuloy ang kasal niyo dahil sa akin. Ang ganda ko pa naman ngayon."

"Alam mo, ang ganda mo talaga ngayon. Teka bakit ka pala napatawag at saan mo nakuha ang number ko."

"Sa steakhouse mo. Dont worry di nagkagulo sa steakhouse mo, nagdisguise ako. Pero sa isang staff mo nagpakilala ako and asked for your number, nagustuhan kasi ng team ko ang steakhouse mo gusto sana naming gamitin ang ang resto mo for our meeting for one of our client."

"Sure, sure, malaking exposure yan sa business ko."

"I will visit my doctor sa hospital na lang tayo magkita."

At saka niya sinabi sa akin ang hospital at ang clinic number.

"Sige puntahan kita ron. Thanks."

Yun, yun lang talaga ang pakay ko kay Weng at ang malas ko naman dahil nagkataon namang nasa hospital din na yun si Lizette.

Naman... Sa daming hospital sa Maynila bakit dito pa kami nagkitakita... Malaking gulo ito.

"Mahal kita!" ang sabi ko kay Lizette bago pa pumatok ang eskandalo sa hospital na iyon.

Nakita kong tulala siya. Tulalang-tulala at di na nakapagsalita pa.

"Kaya pwede ba wag ka ng magselos kay Weng. Nakipagkita ako sa kanya rito dahil gagamitin ng team niya ang restaurant namin."

"Ha? Am... G-ganon ba?"

"Oo kaya pwede ba wag ka ng magselos at wag ka ng mageskandalo dahil may ibang tao rito. Paano na ang DLR kung magwawala ka rito?"

Napatango siya sa akin, "Okey, pero I will not allow you na kayong dalawa lang ang mag-uusap. Dapat kasama ako."

"Weng, ayos lang ba?" ang tanong ko kay Weng.

"Am... Sure, ayos lang." ang sagot niya sa amin.

Sa isang coffee shop na katabi ng hospital kami nag-usap usap na tatlo.

Awkward... Parehas kaming di makapagsalita ni Weng... Siguro dahil sa tensyon na kasama namin si Lizette.

"Oh, akala ko ba may business matters kayong pag-uusapan? Mag-usap na kayo." ang sabi ni Lizette, "Wag niyo akong alalahanin, ayos lang ako rito. Im fine." at saka niya hinigop ang kape niya, "I will just enjoy my coffee here."

"Am... Anyway mga ilang oras niyo ba gagamitin ang steakhouse?" ang tanong ko kay Weng.

"Three hours lang. Ayos na yun."

"Good, maliit lang kasi ang resto ko and I need to close my resto para sa event niyo."

"Okey, I understand.it will be a exclusive one." sabi ni Weng.

"Okey din yun, at least di magkakagulo sa steakhouse dahil sa iyo." ang sabi ni Lizette.

Tumingin ako sa kanya akala ko ba hahayaan niya lang kami ni Weng na mag-usap.

Ngumiti si Lizette, "Im sorry, di ko napigilan ang sarili ko."

"Anyway." at nilabas ko ang dala kong contract, "Ito na yung contract pati na rin yung mga details."

"Wait lang." ang sabi ni Lizette at saka niya kinuha ang kontrata na dala ko at binasa ito, "Im just checking, alam niyo naman baguhan lang itong My loves ko sa business baka mamaya may mali siyang mailagay." at ipinagpatuloy niya ang pagbasa sa contract, "Okey, it seems na malinaw naman itong kontrata na ito." at saka niya inabot ang kontrata kay Weng.

Ngumiti si Weng, "Napakasupportive mo namang fiance." ang sabi niya kay Lizette.

"Siyempre." ang sabi ni Lizette, "Mahirap na, baka mamaya may malagay siyang mali sa kontrata at malusutan siya. Mahirap kayang malusutan."

"So Lizette, takot ka pa lang malusutan."

"Oo naman. Ayoko kayang nadedehado ako. Yung akin dapat exclusively akin lang at walang pwedeng makiagaw."

Nakaramdam ako ng tensyon sa mga sinasabi ni Lizette.

"Lizette, tama na. We are just doing business here."

"Business matter naman yung sinasabi ko." ang sabi ni Lizette, "Ikaw talaga My loves, masyado kang praning."

Napailing na lang ako kay Lizette, "Weng, thanks pala for choosing us."

Ngumiti si Weng sa akin, "Talagang pipiliin kita, I mean ang restaurant, bilib din kasi ako sa talent mo sa pagluluto, mana ka kasi sa Papa mo."

Napataas ng kilay si Lizette, "Nagkapirmihan na kayo di ba? Siguro naman pwede na kaming umalis dahil madami pa kaming aasikasuhin tungkol sa kasal namin."

"Oh sure sabi ni Weng, you can go ahead. Alam ko naman busy kayo sa kasal niyo. You know what Joven, you are so lucky to have Lizette, mukha kasing ayaw ka na niyang pakawalan. Siguro mahal na mahal ka niya."

Napatingin ako kay Lizette. Hindi ako makasagot. Yes she doesnt want to lose me, kasi kailangan niya ako. Kailangan niya ng tatay sa susunod na henerasyon ng pamilya nila.

"Mahal na mahal ko si Joven." napatingin ako kay Lizette.

"Mahal na mahal ko siya."


OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon