this bit will be in point of views.
{caedie}
"Hindi ka talaga pupunta?" Kulit pa saakin ni Jolina.
"Saan, sa aquaintance?"
"Oo?"
"Pupunta malamang! May mga kainan kaya dun sa square, sabi nila may KFC pa daw." Sabi ko.
"Tss. Pinakaba mo ako ah." Sabi ni Jolina.
"Eh bakit, ano naman kung hindi ako pupunta?"
"Ayokong ma-stuck sa mga SBO sa party no! Syempre kunyari pipilitin mo akong hilahin para makalayo na sa mga Officers, duh." Paliwanag niya.
Student Body Organization Officer itong si Jo, kaya minsan busy din, minsan naman walang kwentang VP.
"Ah, ganun?" Sabi ko. "So gagamitin mo lang akong props?" Sabay batok sa kanya.
"Oy hindi ah!" Reklamo niya.
"Grabeng vice president internal to!" Asar ko.
"Hey, VP internal parin ako, so I have some rights, Caedie Jane."
Itinaas ko ang kamay ko. "Okay, okay suko na ako."
Lumapad naman ang ngiti sa mukha niya. "So final na? Pupunta ka na talaga?"
"Yes, Ms. Jolina Campano." Magalang kong sabi at nag-bow pa.
"Yeeeeess!" Nagfist bump siya sa ere. Tinignan ko lang siya. Ang high nito.
Pero bigla siyang tumahimik at humarap naman sa akin.
"Pero sa mallshow ni JK, hindi ka talaga pupunta?" Tanong niya. Nag-iba na ang ekspresyon ng mukha ko. Badtrip, eto na naman.
"Hindi nga. Bakit ba ang kulit mo?" Mataray kong sabi. "Hindi na nga ako magpapaka-t;nga sa juan karlos na yan."
Sumimangot siya pero agad na wala at tumango nalang siya.
"Okay, pupunta na ako sa locker ko." Sabi ko. Lumakad na ako papalayo sa kanya. Tapos naramdaman ko na may humila sa braso ko.
"Wait, caedie kung pupunta ka sa aquaintance, sino partner mo?" Tanong ni jolina.
"IDK, wala pa akong naiisip." Sabi ko. "Hanapan mo nalang ako, vice."
"Talaga?"
Tumango ako. "Ano, keri?"
"Yes boss!" Sabi niya at sumaludo pa. Tumawa ako at umalis na papuntang lockers.