{imessage}
JK: andito ako sa entrance ng hospital. nasaan ka?
Jolina: WHAT?! OMG JK BAKIT? HINDI PWEDE.
JK: fetch me o ako na mismo ang susugod diyan.
Jolina: ugh labajo. gulo ito jk!
JK: i dont care! i need to see caedie for myself.
Jolina: what for?
JK: if you wont tell me how she is, then i'll see for myself
Jolina: juan karlos wag nga!
JK: i'm giving you 5 minutes to fetch me or else
Jolina: you do have the stubborn side, don't you?
//
{jolina}
"JK,"
Lumingon siya sa akin. Naka-hoodie siya at may shades, tapos hawak niya ang phone niya sa kanang kamay niya.
"Wala kang kasama?" Tanong ko.
"Wala. Bakit pa ba ako magsasama?"
"Paano kung dumugin ka, labajo?"
Medyo yumuko siya para magpantay na kami. "Take me to her, please."
Inikutan ko siya ng mata pero natawa rin ako kasi hindi ko kayang tarayan itong si JK!!!
Hinila ko ang braso niya. Wait, OMG. Chill, Jo. "This way, sir." Magalang kong sabi.
Sumakay kami ng elevator at pinindot ko yung floor 8.
Tahimik lang kami. Ang naririnig ko lang ay yung pag-hinga ni JK. OMG. I still can't believe the fact na—okay, I got JK's number and we're texting like friends. Then he's here beside me as if we knew each other for a long time. Never have I imangined na parang kaibigan ang magiging turing ko sa kinababaliwan kong idol, at ganun din siya sa akin.
Bumukas yung pinto yung elevator sa 4th floor. Wala namang tao, kaya sinara ko na.
Kami lang ni JK ang nandito kaya tinanggal niya yung shades niya.
"Oh, namumutla ka?" Tanong ko.
"J-just worried." Sagot niya.
"Kay Caedie?" Tanong ko pa. "Teka nga, why do you treat us as if kakilala mo kami? Or I mean, kakilala mo si Caedie? Kung makapag-alala ka, daig pa akong best friend."
He was saved from answering me nung bumukas yung pinto uli ng elevator. Nasa 8th floor na kami. Sinuot na uli ni JK ang shades niya.
"Anong room ni Caedie?" Tanong ni JK.
"Dito," Sabi ko sa kanya. Lumiko kami sa isang hallway. Tahimik at madilim. Pundido kasi yung ilaw dito sa hallway na to.
Bakit kaya biglang naging apektado si JK para kay Caedie? Don't tell me may gusto siya kay Cads?! OMG.
"Uhm.. JK?"
"Bakit?"
"Ah, wala wala." Hindi ko masabi o maitanong sa kanya. Paano kung hindi pala? Nakakahiya na ang assuming ko masyado. Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng Room 154.
Bumungad sa amin ang maputing loob ng kwarto. Malamig dahil sa aircon at tahimik kasi tulog ang Mama ni Caedie sa tabi niya. Si Caedie naman, maputlang maputla, may oxygen at dextrose.
Naramdaman kong nag-tense up sa tabi ko si JK. Nakaramdam si Tita kaya nagising siya.
"Oh Jolina—" Natigil siya nang lumapag kay JK ang tingin niya. Napakagat ako ng labi.
"Ay, Tita sorry po, gusto lang naman po makita ni JK si Caedie. Ah, okay lang po, nakita na niya naman, aalis na po kami—"
"Its okay, Jo. Make him stay." Sabi ni Tita at tumayo na sa upuan niya. "I'll just go outside."
Tumango ako at pinanood si Tita na lumabas ng room.
Bumaling naman si JK sa akin. Wait, umiiyak siya? Hala.
"Gosh, JK naiyak ka?" Gulat kong tanong. Agad naman niyang pinunasan ang mata niya at umupo sa inuupuan kanina ni Tita.
"Bakit siya nakaganyan?" Tanong ni Caedie na parang batang nagpipigil ng iyak.
Oh, JK.
"N-nahihirapan—" I bit my lip. Teka, sasabihin ko ba talaga? Ugh. Jolina ano na tong ginawa mo. Wala nang atrasan to. Gah, papanindigan ko na nga to. "Nahihirapan kasing huminga si Caedie."
"Bakit?" Tanong pa niya. Bumaling nalang ako sa lamesa sa tabi ng kama ni Caedie at nagkunwari na hindi ko narinig ang tanong niya.
Please JK, wag mo nang ipagpilitan. Baka magalit sakin si Caedie.
Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na ipasabi ni Caedie ang sitwasyon niya kay JK eh. Paano niya nalaman na concerned si JK sa kanya?
Close ba sila? Naging close na ba sila? Kaagad?
"Jolina," Tawag sakin ni JK.
"Hmm?"
"Alam kong narinig mo yun."
"JK bawal ko ngang sabihin." Pangangatwiran ko.
"Please Jolina. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Caedie. Please." Nakatingin siya saakin at makinang ang mata niya. No, wag kang iiyak sa harap ko. Pigilan mo yan. Pigilan mo.
"JK—" Napahawak nalang ako sa ulo ko. Ugh. Jolina kasalanan mo to.
God, Caedie forgive me. I'm so sorry Cads. Si JK talaga ang nagpupumilit.
"May leukemia si Caedie. And its really bad."
Pagkatapos nun, napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko. Napaupo ako sa upuan.
Sorry Caedie. Hindi kita nasunod. Hindi din kasi malinaw ang rason para itago ko kay JK. Ni hindi mo naman sinabi sakin bago ka ulit magpahinga.
Yumuko si JK. At napatingin ako sa ceiling, ayokong umiyak ngayon.
May leukemia ang bestfriend ko.
Napatingin ako kay JK nung suminghap siya. Naiyak talaga siya.
"JK, tapatin mo nga ako," Sabi ko. I bit my lip. Sinusubukan kong hindi umiyak. "Kilala mo ba si Caedie?"
Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang lumuluhang mata. Hindi siya nagsalita, at patuloy na tumutulo sa pisngi niya ang mga luha.
"JK SAGUTIN MO AKO!" Sigaw ko. Napatayo na ako sa upuan. Hindi kasi pwede. Hindi pwedeng ganito siya ka-concerned kay Caedie kung talagan hindi sila matagal na magkakilala.
Umiling-iling si JK. Umiiyak na siya ng may tunog habang pinupunasan siya ang luha niya. Tapos hinawakan niya sa kamay si Caedie.
"JUAN KARLOS MAGSABI KA NG TOTOO!" Sigaw ko ulit. Sumakit ang lalamunan ko sa ginawa ko.
"Oo Jolina.." Mahina niyang sabi. Halos hindi ko na maintindihan kasi iyak siya ng iyak. "Kilala ko si Caedie."
Hindi ako makagalaw sa kinayatayuan ko. Tumayo na siya at tinignan ng saglit si Caedie bago nagpunas ng luha at lumabas ng kwarto. Nung bumagsak ang pinto ay saka palang ako natauhan. Agad akong lumabas at sinilip ang hallway. Pero nakita kong lumiko na siya.
"JK!"
Hindi na siya lumingon.