27

2 0 0
                                    




eto na guys 💙💙

{juan karlos}

Nasa labas na kami ng room ni Caedie. Hinahanda ko na ang magiging reaksyon niya kung makita niya ako. Hinahanda ko na ang reaksyon ko.

"Ready?" Tanong ni Jolina. Tumango ako.

Hindi niya muna binuksan ang pinto.

"Alam mo Juan Karlos, ramdam ko na may itinatago ka eh," Sabi niya. Pinipigilan niya na umiyak. "At ramdam ko rin na para kay Caedie yun."

Tinignan ko siya. Nagpunas siya ng luha na tumulo sa pisngi niya.

"Bakit ka naiyak—"

"JK please. Kung ano man yun, sana para sa ikabubuti ng kaibigan ko." Sabi niya. "Wala si Tita dito ngayon. Do what you have to do."

Umiling ako. "Jo wala naman akong dapat gawin—"

"Meron JK. Meron. Alam mo yan." Pagpupumilit niya. "Itext mo nalang ako kung okay na." Sabi niya sabay punas ulit ng luha at naglakad na papalayo.

Paano na to? Bahala na.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Caedie. Nakita ko siya doon na nakasandal ang ulo sa headboard at nakapikit. Alam kong gising siya.

"Caedie," Tawag ko.

Tumaas ang kilay niya. "Jo?" Tanong niya.

"Hindi. Si JK to,"

Namulat siya. "J-JK?! Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit ako at naupo sa tabi niya. "Caedie, binibisita lang kita." Sabi ko.

"Pero—bakit? JK okay lang ako. Hindi mo na ako kailangang makita ng ganito." Sabi niya.

Caedie, gustong gusto ko na sabihin sayo. Sana maintindihan mo, Catherine.

Winahi ko ang buhok niya sa mukha niya. "Okay lang, Caedie. Magpahinga ka lang." Sabi ko.

Umiling parin siya.

"Sige na. Baka mapasama ka pa niyan." Sabi ko.

"So sinabi nga sayo ni Jo." Sagot niya. "Ugh. Sabi kong wag sabihin."

"Kahit naman hindi sabihin ni Jo, hahanap pa din ako ng paraan para malaman ko ang sitwasyon mo." Mahinang sabi ko. Ang ganda niya talaga. Siya parin yung Catherine Divine ko na nakilala dati. Siya parin si CJ. Mahal ko parin siya.

"Bakit?" Tanong niya. Nagniningning na ang mata niya na parang iiyak na siya. "Bakit mo ginagawa to JK?"

Ako naman ang napapikit at umiling. Sorry Caedie. Hindi ko pa kayang sabihin ngayon.

Natahimik kami saglit. Pumikit siya ng mata at isinandal ulit ang ulo niya sa headboard. Ang putla niya parin. Tuyo parin ang labi niya. Parang pagod na pagod na siya.

Kapit lang Caedie. Hinihintay pa kita.

"Salamat," Sabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet nung sinabi niya iyon.

"Wala yun," Sabi ko. Dahan dahan kong inabot ang kamay niya. Hindi ko na mapigilan. Miss na miss ko na siya. Hinawakan ko ito. Nagulat siya ng kaunti, pero buti nalang at hindi niya inalis. Napangiti ako.

"JK, may naaalala ako sayo," Sabi niya.

Nagulat ako bigla. Tumingin ako sa kanya pero nakapikit parin siya. "S-sino? Ano?"

Tumawa siya ng maiksi. "Wala. Yung kabataan ko lang. Miss ko na yung mga oras na yun. Ang saya saya ko."

"Pagaling ka. Ipaparanas ko ulit sayo yun kung gusto mo," Sabi ko.

Ngumiti lang siya.

Niramdam ko pa ulit ang kamay niya sa kamay ko. Ayokong bumitaw. Ayoko. Ganito nalang.

"Bakit mo ginagawa to, JK?" Tanong niya.

"Kasi espesyal ka, Caedie. Kaibigan kita." Sagot ko. Tumango siya. "Jan ka lang?" Tanong niya.

Hinigpitan ko ng kaunti saglit ang hawak sa kamay niya. "Dito lang ako,"

Tumango ulit siya at ibinaba ang ulo sa kanyang unan. Pinanood ko siyang matulog. Hindi na ako makapigil. Gusto ko siyang yakapin. Miss na miss na miss ko na siya.

Marahan kong idinampi ang daliri ko sa pisngi niya. "Tulog lang." Mahal ko. Ngumiti ulit siya saka tuluyang natulog. Iniyuko ko na rin ang ulo ko sa tabi niya at natulog.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon