{juan karlos}"Oh, kamusta, kayo na?" Tanong ni Jolina.
Umiling ako. "Hindi,"
"Ano? Bakit?" Tanong niya. Tumungo lang ako. "Palpak ba?"
Hindi ako umimik. Bakit kasi hindi ko nagawa ang lahat ng makakaya ko kanina. "Jusko, Juan Karlos! Yan pala ang kahinaan mo! Andyan na yung moment, kayo nalang sa gym, tapos hindi ka pa umamin?!"
"Umamin na ako, Jo." Sabi ko at tinignan ang sapatos ko. "Hindi siya naniwala."
"Ay tanga," Bulong ni Jolina. "Bakit naman?! May saltik din tong si Cads eh. Sarap batukan!"
"Basta. Bakit ba gustong gusto mo?" Tanong ko kay Jolina.
Umupo siya sa tabi ko ng nakangiti at tumitili. "OTP kaya kayooo! Childhood otp's pa! Oh diba? Matchy!"
Umiling nalang ako at inangat ang ulo ko para pagmasdan ang gym.