{caedie}
Kahit naman anong gawin ko, talo parin ako. Kasi ako, confirmed na na may gusto sa kanya. Kaya eto ako ngayon, nakakulong sa kwarto ko at umiiyak. Mabuti nalang at walang nakakarinig sa akin. Ayoko nang kaawaan nila ako.
Kanina pa dapat ako naghapunan, pero sinabi ko nalang sa kanila na masama ang pakiramdam ko at matutulog na muna ako.
Tumunog din kanina ang phone ko. Nag-text si Jolina ng;
Oh, kamusta?
Hindi ko siya sinagot. Sa tingin ko alam na niya yun. Baka sinabi na sa kanya ni JK. Bahala sila jan. Ganyan naman lagi eh. Kahit iba ang may kasalanan ako palagi ang humihingi ng tawad. Kasi ako yung biktima, nasaktan at naloko, ako parin dapat ang mag-sorry. Ganyan naman talaga diba? Ako palagi. Ang gagaling niyo eh. Matapos niyo akong lokohin at pag-tripan, kayo pa ang may ganang magalit?
Kahit na gustong gusto kong magalit kay JK, hindi ko magawa. Una, dahil hindi ko talaga alam kung sino si poser. Pangalawa, at dahil hindi ko pa alam ang lahat, hindi pa ako pwedeng mag-react ng negatibo. Pangatlo, paulit-ulit na ako. Syempre kahinaan ko yang katapat ko ngayon ugh.
Matutulog nalang ako. Sana bukas pag-gising ko okay na ang lahat. Sana lang.
~
{imessage}
JK: kamusta po?
~
Pag-gising ko, nakita kong nalaglag ang phone ko sa sahig. Shet. Bakit ko kasi tinabi sa higaan!
Pinulot ko, kaso may crack na ang screen. Patay, ang malas naman oh.
Sinubukan kong buksan pero ayaw mag-open. Ayaw mag-on. Shet hindi pwede. Ikaw lang ang kakampi ko! Hindi!
Ilang beses kong bigay todo na pinindot ang power button pero ayaw talaga bumukas. Pakshet.
Pati ba naman phone ko ipagkakait pa sakin? Grabe na ha. Karma ko na ba ito sa katarayan ko? Bakit ba nangyayari to sa buhay ko?
Ipinasok ko nalang sa drawer ng bedside table ko ang kawawa kong phone. May kumatok sa pinto kaya nagkunwari akong natutulog.
"Caedie?"
Boses yun ni Mama.
"Caedie?" Tawag niya ulit. "Gising ka na ba?"
Hindi ako sumagot. Ipinikit ko ang mata ko at narinig na bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Caedie anak," Sabi ni Mama. "May pasok ka ngayon."
Umiling ako. Alam kong Lunes ngayon. Alam ko na dapat bumangon na ako pero hindi ko pa kayang pumasok sa school. Papasok nga ako, lutang naman. Edi mas mabuti nang mag-absent.
"Masama parin pakiramdam ko eh," Sabi ko kay Mama. Tumango siya. "Sige. Matulog ka na ulit. Ihahabilin ko nalang kay Jolina na mag-take down ng lahat ng mamimiss mo today."
"Hindi Ma." Singit ko. "Wag na. Ako nalang ang magtatanong. Busy din yun eh."
"Oh sige na. Matulog ka na. Maaga pa. Aalis na ako maya maya. Ikaw na bahala sa bahay. I-lock mo ang pinto kapag nasa taas ka lang. Wag ka magpapapasok ng iba ha. Mag-init ka nalang ng gusto mong pagkain mamaya. Mag-uuwi ako ng dinner." Paalala niya. Tumango nalang ako. Naramdaman ko siya na tumayo at lumabas na ng kwarto ko.
Huminga ako ng malalim at natulog ulit.
~
Mag-isa na lang ako ngayon sa bahay. Umalis na si Mama para sa trabaho niya. Sinubukan ko ulit buksan ang phone ko pero hindi talaga bumubukas. Ugh.
