21

2 0 0
                                    

{imessage}

Caedie: jo uuwi na ako

Jolina: No! Bakit ka ba nag-walk out? Nasaan ka na?

Caedie: nasa square.

Jolina: jan ka lang. pupunta ako jan.

-

{caedie}

Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matulog. Parang panaginip lang lahat to. Sana magising na ako.

"Cads,"

Tumunghay ako. Nakita ko si Jolina na may hawak na shake. "Oh,"

Kinuha ko yung shake niya at uminom.

"Umalis ka agad sa stage, may gagawin pa."

"Hindi ko kinaya eh,"

Ngumiti naman siya. "Yie! Di kinaya si Juan Karlos!"

"Hindi, iba."

"Ano?"

"Wag na."

Tumayo ako at bumalik sa gym. Nakalimutan ko kasi yung wallet ko doon sa may table.

Pinapasok uli ako nung guard tutal ako naman daw ay 'muse' ng SBO.

Pumunta ako sa backstage at doon sa room ko kanina. Kinuha ko lang yung wallet ko at lumabas na.

Kaso may walang hiyang bumangga sakin.

"Sht. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Ang sakit!" Napahawak ako sa ulo ko. Paano ba naman, pagkalabas ko ng pinto, tinakbuhan agad ako.

"Ay sorry po!"

"Teka!" Sabay pa naming sabi.

"Caedie!"

Nakupo! Bakit pa po ba nakabangga ko itong lalaking ito.

Hindi ako tumingin sa kanya at lumabas na agad ng room.

"Wait, Caedie!"

Hindi ako tumigil. Ayoko na muna, masyadong madaming nangyari ngayong araw na to. Sana naman hindi siya yun.

"Caedie galit ka?"

Napahinto ako. Hindi dahil dun sa sinabi niya. Parang bigla akong nahilo. Napasandal ako sa dingding.

"Oh, okay ka lang?" Naramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko. Gusto kong tanggalin pero umiikot na talaga yung paligid ko.

"Caedie?"

Hindi na ako nakalingon sa kanya kasi bumigay na yung tuhod ko at dumilim na ang paligid.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon