39

1 0 0
                                    




{jolina}

     Nasa ospital si Caedie.

Ilang minuto ko ulit tinitigan ang text ko kay JK bago tumingin kay Caedie na nasa tabi ko ngayon at natutulog. 

May nakakabit sa kanyang isang bag ng dugo na sinasalin sa kanya. Tapos may bell sa tabi ng kama niya, sa may lamesa para kung sakaling magising siya.

"Cads, bakit mo naman naisipang gawin yan?" Tanong ko. Kaming dalawa lang naman ang nandito eh. "Wala talaga akong tiwala sa hobby mong yan eh. Bakit ba kasi pinayagan ka mag-knife throwing lessons ng nanay mo? Tignan mo ang nagagawa mo ngayon."

Hindi siya sumagot. Syempre tulog. Ako lang naman tong kinakausap ang tulog eh. Pero baka makatulong. Baka nariring niya at naiintindihan.

"Pero wala na akong magagawa, nangyari na. Loka loka ka talaga. Wag mo nang gagawin ulit yun ha. Magwawala ako."

Kinuha ko ang sandwich sa gilid ng lamesa niya. Hindi naman niya ito makakain kaagad. Akin nalang. Gutom pa ako eh.

"Excuse me," May kumatok nanaman. Lumingon ako habang binubuksan ang sandwich. Pumasok sa loob yung nurse. Tumango lang ako at tinignan na niya yung dextrose. Hindi ko na pinansin yung ginagawa ng nurse sa binuksan ang TV.

Naglipat lipat ako sa mga channels hanggang sa napunta ako sa isang channel na nag-rereplay nung mga episode last Sunday.

At ang guest ay si Andrea Brillantes.

"Yes, it is." Masayang sagot ni Andrea. "Actually he can be my big brother already. He's so fit for it and I've always wanted an older bro."

"Oh. Well Juan Karlos, if you're watching this, here's Andy Brillantes asking you to be her bro. A'ight? Okay. Hahaha so moving on..." Sabi nung host. Ah. Tungkol nanaman to kay Juan Karlos. JK everywhere. Gad.

Pinatay ko nalang ang TV at maingay din kasi, baka makasama kay Caedie... baka lang, I really don't know. 

Sumandal ako sa upuan ko at kinain ang sandwich. Nandun parin ang nurse, tinitignan ang kalagayan ni Caedie.

"Miss, kelan kaya siya magigising?" Tanong ko.

"Ma'am as for now, baka after a day magising na siya. Nagpapahinga lang ang katawan niya at nagrerecover kasi kakasalin palang ng dugo sa kanya." Paliwanag ng nurse. "Unless may iba pang factors na pipigil sa recovery niya. But I doubt it."

"Ah. Thanks."

Kung magsalita itong nurse, parang mas bagay siya sa position ng doctor. Napakaprofessional niya magsalita.

"Miss, bakit hindi ka nagdoctor?" Tanong ko pa.

"Soon to be, Ma'am. It's currently my training." Sabi niya. "Why'd you ask?"

"Wala lang. Mas bagay kasi talaga sayo ang pagiging doctor. Kasi as I can see, responsible ka at mukhang matalino at alam na alam ang mga gagawin." Sabi ko.

"Oh. Hahaha. Salamat, pero that's not how it works. Lahat ng gustong mag-doktor dadaan sa napakahabang pag-aaral. I'm not exempted." Sabi niya. "Sige, if you need anything, just talk to the nurse's station over the walkie talkie. I need to go."

Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng room.

"Nakakanosebleed naman kausap si Ate." Bulong ko. Naramdaman kong nag-twitch ang kamay ni Caedie. Napalingon ako.

"Cads?" Tanong ko. "Gising ka ba?"

Pero hindi na siya nag-respond. Bumalik nalang ako sa pagkain at tumitig sa pader.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon