35

3 0 0
                                        




{caedie}

Nagising ako ng masakit ang ulo ko. Paulit-ulit ko kasing iniisip yung nangyari kahapon. Yung mga sinabi ni JK sa akin kahapon, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Nagi-guilty ako sa pag-walk out sa kanya kahapon. Nadala na naman ako ng emotions ko. Tuloy parang nalungkot siya. Galit ba ako sa kanya? Hindi ko din alam eh. Kasi for some reason, hindi ako naniniwala na siya yung poser kahit na ang dami nang  pruweba. I need more...I think.

Pero ayokong magtampo sa akin si JK!! Ayoko na magka-layo na naman kami dahil sa simpleng tampo na yan. Pati yang poser poser na yan.

Tinignan ko ang phone ko. Walang bagong message. Hindi siya nagtext. Ewan ko, parang nadisappoint ako. Kasi umaasa ako na mag-tetext siya para matanong ko sa kanya kung sino siya.

Aish! Ang aga aga namomroblema agad ako.

Nag-paalam ako kay Mama na aalis muna ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa mall po, makikipagkita ako sa kaibigan ko." Sabi ko. "Kay Jolina."

Pumayag si Mama at nag-ayos na ako. Tinext ko si Jo na magkikita kami sa mall ngayon. Kailangan ko siyang kausapin.

Pero papaalis na ako ng bahay nang tumawag sakin si Jo.

"Cads,"

"Bakit? Papaalis na ako." Sagot ko.

"Wait. Wag nalang sa mall. Nandito ako sa coffee shop sa malapit sa school. Gumawa kasi kami ng kaklase ko ng project dito." Sabi niya.

"Ha? Bakit?"

"Maganda ang ambiance dito, tahimik. Lalo na't nakaka-comfort ang amoy ng kape." Sabi niya. Nararamdaman kong naka-ngiti siya sa tono ng boses niya. "Sige na Cads. For sure nasa bahay ka pa lang."

Napataas ang kilay ko. "Paano mo nalaman?" Tanong ko at lumingon lingon sa paligid, hinahanap siya. Pero wala siya dito.

"I know you, duh. Pag sinabi mong papunta na ako, it means 'papalabas pa lang ako ng sala namin'." Sabi niya.

"Okay fine fine. Jan na lang. Basta pay attention, may ikukwento ako sayo. I need an advice."

"You've come to the right person, baby!" Sabi niya with accent. "It's me, Jolina. Your adviser for life."

Tumawa nalang ako at nagpaalam sa kanya. Wala akong mararating kung kakausapin ko lang si Jolina sa phone. Umalis na ako ng bahay at pumunta na sa coffee shop na sinasabi niya.

Malinis at maganda ang labas ng coffee shop. Pwede mo lang lakarin simula dito papunta sa school. May mga table sa labas ng shop na may malalaking umbrellas. May watercolor art din na nakadikit sa glass wall ng coffee shop na may nakalagay na 'Coffee Place'.

Pumasok ako sa loob at nakita si Jolina na naka-upo sa table na pang-dalawa. May kinakalikot siya sa phone niya, mukhang nag-tetext. Nakatalikod siya sa pintuan kaya hindi niya ako nakikita. Lumapit ako sa kanya.

"Jo,"

Napalundag siya sa gulat. "Holy sh-Caedie! I could have died!" Reklamo niya.

Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko. "Shh. Ang ingay mo!" Saway ko.

"Sige na, maupo ka na." Sabi niya. Umupo na nga ako sa harap niya at nag-order siya ng frappe.

"So what brings you here?" Tanong niya, ayan na naman yung accent niya.

"Uh, the cab?"

"Gah. You git. Okay fine, kwento mo na." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon