{caedie}
My whole body was sore. Talagang ang tindi ng hapdi. Sinubukan kong imulat ang mata ko. Pero parang kahit simpleng pagmulat ng mata sobrang sakit na.
Nanatili lang akong nakapikit pero gising na gising ang diwa ko. Kung nasaan man ako, sana wala sila dito.
Pero mali dahil may narinig akong nag-uusap. Hindi ako nag-iisa dito.
"Caedie may bisita ka..."
Si Jolina. Hindi pa ako patay. I wish were. Wala akong pakialam kung sino man ang bisita na sinasabi niya. I'm sure walang maitutulong yun sa akin.
"Sabi ng nurse tulog pa daw siya, nagpapahinga." Sabi ni Jolina. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero sure ako na hindi yun si Mama.
Biglang kumirot ang braso ko. "Agh!"
"Hala! Caedie gising ka na?" Tanong ni Jolina. May kamay na dumampi sa noo ko.
"Narinig ko siya eh," Sabi pa niya. "Hindi ko lang alam yung sinabi niya."
May footsteps na nag-click sa sahig tapos kinausap niya si Jolina. "Sige, ako muna ang magbabantay sa kanya."
Napakunot ako. Well I don't know kung kumunot ako, parang wala na akong control sa sarili ko. Hindi ko halos maramdaman ang sarili ko.
Sumara ang pinto at narinig ko ang pag-ingit ng upuan sa tabi ko. Matagal na tumahimik, makakatulog na sana ako nang maramdaman ko na may kamay sa pisngi ko.
"Caedie," Tawag ni JK. "Sorry. Sorry, magpagaling ka na."
It took half of my dearest energy to open my eyes. At nakita ko na ang curly-haired boy with brown eyes.
"Caedie..." Mukhang nagulat si JK. "M-may kailangan ka ba? Nagising ba kita? Tatawag ba ako ng doktor?"
Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba nananaginip lang ako? Si JK ba talaga to?
"Caedie?" Tanong niya.
Umiling ako. Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa pisngi ko. Tinitigan ko lang siya. Para bang hinihintay ko siya na maglaho tapos didilim na ulit ang lahat. Kaso hindi siya naglaho. Nandyan pa din siya, nakatingin lang din sakin.
Pumikit na ulit ako. Nagsalita ulit siya pero hindi ko na minulat ang mata ko.
"Caedie pwede ba kitang kausapin?" Tanong niya. "Kahit hindi ka na sumagot. Gusto ko lang sabihin to sayo."
Tumango ako.
"Alam mo ba napakasama kong tao? Kasi hinayaan kitang gawin yan sa sarili mo. Dapat hindi ko na pinairal tong walang hiyang pride ko, napahamak ka tuloy." Sabi niya. "Napanaginipan ko na kasi to. Ayoko na maulit yun. Please, Caedie hayaan mo akong bumawi sa ginawa ko. Aalagaang kita hanggang sa gumaling ka. Tapos ikaw na ang bahala sa gusto mong gawin ko. Kung gusto mo na lumayo na ako... t-tatanggapin ko. Basta gumaling ka."
Automatic na may tumulong luha kahit nakapikit ang mata ko. Bakit niya ginagawa sakin to? Bakit niya sinasabi na babawi siya sa akin? Siya pa nga itong dahilan ng lahat. Ginagawa niya lang ba to para malinis ang pangalan niya?
Baka siguro nagloloko lang siya. Hindi naman niya yun gagawin. Naalala ko pa yung pagkamasungit niya nung isang araw. Yung tipong parang wala na siyang pakialam sa akin kung makatingin. Tapos ngayon, nandito siya, nahingi ng sorry at aalagaan daw ako? Seryoso ba siya?
Winahi niya ang buhok sa noo ko at binulungan ako. "Hinding hindi na kita iiwan, sasaktan, at pababayaan. Pangako ko na ito. Ikamatay ko man."
Nagtagumpay ako sa pagtago ng gulat ko. Tutal hindi ko pa naman kaya igalaw agad agad ang katawan ko. Pero mas nagulat talaga ako sa sinabi niya ngayon kaysa kanina. JK, ano ba to? Sana naman maintindihan kita.
Inilagay niya ang ulo niya sa tabi ng leeg ko at nakatulog na siya. Hindi nagtagal, ako rin.
