44

7 0 0
                                        




{caedie}

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Pero nakapikit muna ako.

"Caedie gising na..."

Hindi ako kumibo.

"Caedie..." Nagtakip ako ng kumot.

"Oh my God, Cads!"

Kinuskos ko ang mata ko. Ang liwanag masyado ng ilaw. Naghintay ako hanggang sa mag-adjust na sa paligid ang mata ko. Doon ko nakita si Jolina  na nasa paanan ng kama ko.

"Ano?" Inaantok kong tanong.

May nag-pop ng confetti somewhere at nagulat ako. Like heck. And I'm sure my face was priceless.

"What was that for—"

Bumukas ang pinto at ang daming pumasok na tao. Geez, andito si Ate Hannah, si Nic, si JK at lahat sila may hawak na balloons.

Wait, ano to?

"Happy Birthday Caedie!" Sigaw nilang lahat. Ano? Wait.

Nanlaki ang mata ko ng tumingin ako sa calendar ko. OMG, birthday ko na nga! Bakit hindi ko alam yun? Gah.

"Guys seriously," Sabi ko. "Hindi ko alam na birthday ko na pala!"

Tumawa silang lahat. "Well, you know, ikaw ba naman makulong sa kwarto ng ospital for days without any knowledge of the surroundings, even time hindi ko alam nun—"

"Ikaw talaga..." Tawa ni Ate Han. Napatingin ako sa bintana at nakita ko na madilim pa.

"Anong oras na nga ba?" Tanong ko. Tumingin agad si Jo sa watch niya.

"Uh, it's now twelve ten."

Really? Kaya pala antok na antok pa ako.

Pumasok si JK na may hawak na cake. Hindi ko man lang napansin na lumabas siya?

"Cads cads! Blow your cake!" Sabi ni Jo.

Grabe, hindi pa nga ako nakakasuklay. Tumayo muna ako at dumiretso sa banyo. Nagmumog at nag-suklay.

"Okay, ready?" Tanong niya. "Make a wish."

Ipinikit ko ang mata ko. Ano nga ba ang wish ko?

I wish for good health, happy family, healthy mind. Sana magkakasama at masaya kaming lahat.

Like the old times. Yun lang naman ang wish ko tuwing birthday ko. As long as I can remember, nung 7 eto na ang wish ko. But then, parang hindi pa ako kuntento. Parang may kulang pa. May hindi ba ako nasabi?

Imunulat ko saglit ang mata ko. At nalaman ko na rin ang kulang kong wish.

I wish for...

Wait. Alam kong mali na i-wish ko ay si JK. I want to wish for him pero wag na lang siguro. Hindi mo basta basta mahihingi ang isang tao. So to be fair, I won't.

"Cads? Hahaha blow na!" Sabi ni Jo. Iminulat ko na ang mata ko at hinipan ang candle.

"Yey! Fourteen ka na, Caddie!"

Inirapan ko siya. "Caddie?"

Nag-shrug lang siya ng shoulders at ibinaba na sa lamesa ang cake ko.

"What did you wish for?" Tanong ni Jo.

Wishes for me is considered private. Kahit pa sa wishing well lang yan. I don't know. Baka comfortable ako na ako lang ang nakakaalam ng tanging gusto ko.

"I won't tell you." Sabi ko with a grin.

"Awh. Anyway, picture tayo!" Sabi ni Jo. Kinuha ni Ate Han ang kanyang polaroid at pinapicturan kami kay Nic. Tapos ibinigay nalang nila sa akin yung pinakagusto ko sa—ilan ba yun? Limang shots?— mga pictures.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon