41

3 0 0
                                        




{juan karlos}

Nagising ako ng may kumalabit sa balikat ko.

"Excuse me, sir," Sabi ng nurse. "Titignan ko po muna ang pasyente."

Tumayo ako at tumabi sa dingding habang kinukurap-kurap ang mata. "Miss, kamusta na siya? Nagising na po siya kanina eh."

"Ah talaga po? Well, it's a good sign. Ibig sabihin magigising na siya ng tuluyan soon." Sabi niya. "And just to say, she's a fighter. Madalas ang mga pasyente na ganyan, inaabot ng linggo or months."

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Magigising na siya ng tuluyan! Makakausap ko na siya, makikita ko na ang magaganda niyang mata. Hindi na ako mag-aalala na baka hindi na siya magising.

Matapos ang ilang sandali, umalis na yung nurse.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Hindi magkakatotoo yun, hindi pwede. Babaguhin ko na ang lahat habang pwede pa. Ayokong mangyari yun.

Matapos ang ilang sandali, pumasok si Jolina.

"Sabi ng nurse nagising daw si Caedie?"

Tumango ako. "Oo, nagising nga siya."

"Hindi ka na makapaghintay no?"

~

"JK! JK! JK! Gising na si Cads!!!"

Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang biglang sumigaw si Jolina sa phone. "Ano? Talaga?"

"Oo! Oo! Yes yes yess!! Halika dito daliii!!" Sigaw pa niya. Napalayo ko ang hawak ng phone kasi nakakabingi ang tili niya.

Ako din, masaya na gising na siya. "Sige, chill ka lang, on the way na ako."

"Weh?"

"Filipino time. Ibig sabihin nagbibihis pa lang ako." Sagot ko.

-

Sinalubong ako ni Jolina sa hallway at nagtatatalon sa tuwa. "Nakakausap ko na siya!" Sabi niya. "Kaso maiiksi palang ang reply niya,"

Pumasok kami sa room, pero nauna muna si Jolina.

"Cads, nandito si JK,"

"H-ha?"

Lumapit na ako sa kanila at tinignan si Caedie. Maputla pa siya, pero hindi na katulad nung dati. Maningning na din ang mata niya.

"Maiwan ko na kayo jan," Sabi ni Jo bago lumabas ng room.

Tahimik lang kami. Tinitignan ko si Caedie pero iwas siya ng iwas ng tingin. Naalala niya kaya yung sinabi ko? Alam niya ba yun?

"Caedie," Doon palang siya lumingon sa akin. "Lumabas ka." Sabi niya.

Umiling ako. "Hindi. Dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo." Sabi ko. Kakayanin ko kahit ipagtabuyan niya ako ngayon, dahil kailangan ko pa siyang alagaan.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa ibang direksyon.

"May kailangan ka?" Tanong ko. Umiling siya. "Wala. Makakaalis ka na."

Umalis ako pero iba ang ibig sabihin nun. Binilihan ko siya ng soup para makakain siya. Maglulunch time na din kasi. Para gumaling na siya agad.

Nakasalubong ko si Jo sa hallway. "Saan punta?" Tanong niya.

"Pwede nang kumain si Caedie diba? Bibilihan ko siya ng pagkain."

Pumayag siya at nagpaalam na uuwi muna siya para gumawa ng assignments.

Nang bumalik ako sa room, nakita ko siyang nakatitig lang sa dingding.

"Caedie kain ka oh," Sabi ko. Inilabas ko sa plastic ang cup ng soup at tinanggal ang takip.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon