{caedie}
after 4 days
"Ang tanga ko. Ilang beses na niyang ipinapakita sakin na mahal niya ako. Pero ang manhid ko. Ang tanga ko, ang slow ko. Sa lahat ng clue at ginagawa niya para sakin, hindi ko pa nahalata yun? Anong klase ako? Tumigas na yata ng tuluyan ang puso ko, Jolina. Naiintindihan ko na hindi niya masabi ng diretso sa akin. Kaso ang slow ko talaga eh! Naiinis ako sa sarili ko. Ang gusto lang naman pala niya ay ipakita sakin yung nararamdaman niya tapos ano, ako pa ang nagalit sa kanya. Nagalit ako kasi hindi ko gets? Ang sama ko! Nasaktan ko siya ng sobra sa mga sinabi ko sa kanya dahil hindi man lang muna ako nag-isip. Ang sama ko! Hindi niya ako deserve, Jolina. Hindi niya ako deserve."
"Caedie," Sabi niya. "Wag mo isipin yan. Alam kong tunay kang gusto ni JK. Hindi siya susuko ng ganun lang. Caedie alam mo ba nalungkot siya ng sobra nung hindi mo siya naintindihan nung isang beses na sinubukan niyang umamin sayo? Kasi tinulungan ko pa siya nun. Pero kaya niya palang umamin ng kusa. At Caedie, wag mong isipin yun. Mahal ka talaga ni JK, alam ko yun. Mas nag-aalala pa siya kaysa sakin nung malaman niya na nasa ospital ka. Tapos bago ko siya pinapasok sa room, kinausap ko muna siya. Doon niya kinuwento na may napanaginipan siya tungkol sayo. Na nawala ka na daw ng tuluyan sa kanya. Doon ko nalaman na ayaw at takot na takot na siyang mawala pa ang sinuman sa buhay niya. Lalo na ikaw, Cads. Ilang beses siyang umiyak sa harap ko ng dahil sa nag-aalala siya sayo. Ewan ko kung nakikita mo yun pero Cads, mahal ka ni JK. Siguro nga nasaktan na siya ng sobra after all, pero alam ko na handang handa siyang tanggapin ka. At alam kong hindi siya galit sayo. Talagang sising sisi siya nung nagtampo siya sayo nung isang araw at nagawa mo to. Kulang na lang siya ang kumuha ng pwesto mo sa sobrang pagsisisi niya nun, Caedie. Wag mo sabihing hindi ka deserve ni JK. Dahil siya, hindi siya susuko, alam ko yun."
"Itinaboy ko na siya papalayo sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang tingin niya sakin eh," Nagpunas ako ng luha gamit ang tissue.
"Hinihintay ka niya Cads. Ilang araw na daw siyang hindi lumalabas ng kwarto. At panay panay ang text niya sa akin kung kamusta ka na. Nag-aalala parin siya sayo Cads. Hindi ka basta bastang susukuan ni JK ng ganun ganun lang. Itinaboy mo nga siya pero hinihintay ka niya ulit." Paliwanag ni Jolina.
Bumuhos na ng tuluyan ang luha ko sa balikat ng tapat kong kaibigan. Sa lahat ng pagkakataon, nandyan siya para sa akin. Lalo na sa sitwasyong ito. Pinapayuhan niya at pinapalakas ang loob ko. Nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.
"Hindi niya alam na ngayon ka madidischarge sa ospital, Cads." Sabi ni Jolina at pinunasan ang luha ko.
"Magandang surprise yun sa kanya, alam mo ba?" Sabi pa niya.
"Anong ibig sabihin mo?" Tanong ko.
"Ngayong okay ka na, pupuntahan natin siya at mag-uusap ulit kayo. Alam kong miss na miss ka na niya." Sabi niya at ngumiti.
"Ako din naman, Jo. Miss ko na din si Kaloy. Ang laki ng atraso ko sa kanya ah." Sabi ko. "Salamat ha. Ilang araw ko na rin to kinimkim sa sarili ko kasi hindi ko naman masabi kay mama dahil hindi naman niya maiintindihan agad. Hinintay talaga kita na dumalaw kasi alam kong makikinig ka. Salamat Jo."
"Awh. Wala yun, sus ikaw pa." Ngiti niya at niyakap ako.
Iniayos niya ang gamit ko habang nagpapahinga ako sa kama. Binisita ako ni Mama kaninang madaling araw, at naabutan niya na kakadating lang ni Jo. Sabi ng doctor pwede na daw akong madischarge ngayon. Kaya binayaran na ni Mama ang bill at sabi ni Jo na siya nalang ang bahala sakin dahil may trabaho pa si Mama.
"Okay na Cads. All set na tayo." Sabi ni Jolina.
"Sige, tara na." Sabi ko. Binitbit niya ang bag ng mga damit ko at sumakay na kami ng elevator pababa.
